Daig ko pa ang nakakita ng multo sa gulat at pagkabigla sa sinabi ng lalaking nasa tabi ko. Nabitawan ko pa ang bitbit kong bag sa gulat ng ipakilala niya ako sa magulang nito bilang fiance niya. Naguguluhan na tiningnan ko siya ngunit hindi man lang niya ako nilingon nito. Ngunit muntik na akong mabuwal sa aking kinatayuan nang biglang manlambot ang tuhod ko dahil.... Pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Pero teka, hindi iyon ang concern ko ngayon. Bakit niya ako pinakilala na fiance sa mama niya? Hindi naman kami magkakilala. At saka bilang kasambahay ang ipinunta ko dito. Hindi ang maging fake fiance niya. Nanigas ang katawan ko ng ilapit niya ang mukha sa likod ng tainga ko. "Taga saan ka nga pala? " "Poblacion Maraga, " wala sa sarili na sagot ko. Ramdam ko ang bilis ng pinti

