"WE'RE here," sabi ni Wesley kay Bern. Umayos ito upo saka lumingon sa paligid. Nasa harapan sila ng isang malaki at lumang gate. "Nasaan tayo?" tanong nito sa kanya. "Nandito tayo sa lugar na walang ibang nakakapunta kahit ang mga pinsan ko. It's my secret hideout." Sagot niya. Hindi ito nagsalita, pero patuloy pa rin ang pagmamasid nito sa paligid. Bumusina siya ng tatlong beses, ilang sandali pa sumilip doon ang may edad na lalaking katiwala niya ng lugar na iyon. Ngumiti agad ito sa kanya ng makilala siya, saka agad na binuksan ang malaking gate. Pinasok niya ang kotse sa loob, at doon tumambad sa kanya ang pinaka-iingatan niyang private jet plane na kaytagal na rin niyang hindi ginagamit. "Anong lugar ito?" tanong ni Bern. Ngumiti lang siya "Tara, baba tayo. I'll show you." Sago

