"OKAY! Scratch!" malakas ang boses na sabi ni Kevin. Matapos pumasok ang cue ball sa pocket hole ng billiard table. Ang ibig sabihin ay ang kalaban naman ang may tsansa na tumira at makapuntos. Naibagsak ni Wesley ang taco sa ibabaw ng billiard table. Saka bumalik sa bar counter, kung saan naroon si Chaia at Karl. Tiningnan siya ng dalawa. "Are you okay, Pinsan?" tanong ni Karl sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. Kelan nga ba ang huling beses niyang naramdaman na okay siya? Ah, hindi niya alam. Simula nang umalis si Bern, hindi na niya kung paano maging okay. He felt so miserable since then. It's been six months, but she never came back. Ilang araw matapos itong sapilitan kunin ng Daddy nito, sinundan niya ito sa Canada dala ang address na binigay ni Jared sa kanya. Pero hindi siya h
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


