Michelle Kanina ko pa tinatawagan si Lucas ngunit hindi man lang niya sinasagot ang aking tawag. Ring lang ito ng ring. Magpapasama sana ako sa mall para magshopping. Busy siguro iyon sa trabaho. Ako na lamang ang pupunta ng mall kaya ko namang mag-isa. Magpapahatid nalang ako kay manong. Sa pag-aayos ko ay nakita ko ang aking singsing sa aking daliri. Napangiti ako ng mapait, hinawakan ko ito at hinubad. Hindi ko na ito dapat isuot wala na itong kuwenta at halaga. Itinapon ko ito sa basurahan at napabuntong-hininga. Nang kumalma ang aking puso ay bumaba na ako. Nakita ko namang busy ang aming mga katulong sa paglilinis sa baba. Binati nila ako at binati ko rin sila. Nang makalabas ako ay nakita ko si manong na nag-pupunas ng kotse. "Manong, magandang umaga!" bati ko sa kaniya.

