“Sigurado ka na ba sa iyong desisyon, iha?” tanong sa akin ni mom. “Yes po, nakapagbook na rin poa ko ng flight kahapon at ngayon po ang alis ko,” seryoso kong saad sa kaniya. “Puwede bang hindi ka na muna umalis?” naiiyak na saad sa akin ni dad. “Mom, dad. Hindi po puwede alam niyo namang hindi poa ko makakausad kapag nandito sa Pilipinas. Narito po ang mga alaalang nagpawasak at hirap ng puso ko,” saad ko sa kanila. Tumango naman sila. “Naiintindihan namin, anak. Puwede ba kaming bumisita ng dad mo roon?” tanong nil ana nagpailing sa akin. “Hindi po puwede, tatawagan ko nalang po kayo kapag nakarating na ako roon sa pupuntahan ko,” pangungumbinsi ko sa kanila para matigil na sira. “Sige, mukhang wala na kaming magagawa.” Napaiyak naman si mom kay dad kaya napabuntong hininga

