Zach Ilang taon na rin ang nakalipas nang maghiwalay kami ni Michelle. Hindi ko akalaing nakaya ko ang magtiis ng ilang taong hindi siya nakakasama. Araw-araw kong pinagsisihan lahat ng ginawa ko sa kaniya, palagi na rin akong nasimba dahil simula noon ang Diyos lamang ang aking karamay sa lahat ng mga silent battles ko. Ayaw ko rin namang mag-alala ang aking mga magulang sa akin. Tama na iyong araw na naging devastated ako dahil sa pagkawala ni Michelle sa akin. Ayaw ko na silang idamay pa sa problema ko dahil malaki naman na ako. Kaya ko na ang aking sarili, sila ay matanda na bawal na rin sila sa stress at problema. Sawang-sawa na rin akong makisama kay Samantha, gusto ko na nga siyang hiwalayan eh ngunit hindi ko na ito magawa dahil baka saktan na naman niya ang baby niya. Isang t

