Zach Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko noong magkita kami ni Michelle. Para bang nabuhay ang aking kaluluwa nang makita siya. Sobrang nagsasaya ang aking kaloob-looban dahil doon. Tila ba para akong nasa alapaap nang makita muli ang kaniyang mukha. Sobrang namiss ko siya. Ilang buwan din kaming hindi nagkita, siguro mga 3 months na. Minsan kasi kapag miss na miss ko na siya ay pumupunta lang ako sa America kahit pa gabi pa iyan o madaling araw sakay ng aking private plane. Kapag may problema sa kompaniya ay roon muna ako sa America para masilayan si Michelle at aking anak. I know the baby is mine, Lucas told me already. Ako rin ang naggastos sa panganganak ni Michelle at ako rin iyong bumili ng manggang hilaw sa kaniya. Grabe rin ang pinagdaanan ko noong lumilihi pa s

