Maluha-luha kong tiningnan si Zach na katabi ko. Kasalukuyan niyang hinahalikan ang isang babaeng katabi niya. Hindi ko kilala ito pero wala na akong pakialam basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon. Kahit sabihin o ipaalala pa ng kaniyang kaibigan na nasa tabi niya lamang ako ay wala itong pakialam. Hindi ito tumigil kaya ay hindi ko maiwasan isipin na umalis na lang kaya iyon ang ginawa ko. "E-excuse me, magc-cr lang ako," sabi ko sa kanila at agad na umalis. Napangiti ako ng mapait, hindi talaga siya nagsasawang saktan ako. "Mas mabuti nang umalis na siya, isturbo lang siya rito eh," rinig kong sabi ng isang babae na katabi ni Jude. "Papabayaan mo nalang ba ang asawa mo, Zach? Hindi mo ba iyon sasamahan? Baka mapahamak iyon!" "Hayaan mo siya, tama lang n

