Athalia'sPOV "SALAMAT sa paghatid, Luke." ani ko nang iparada niya ang sasakyan malapit sa gate ng kompanya at akmang lalabas na ng kaniyang sasakyan ng pigilan niya ako. Napabaling ako sa kaniya at Nagtatakang tiningnan ko siya. "Bakit?" tanong ko. "Susunduin kita mamayang 6pm. Hintayin mo ako. Kung may balak si Charles na sunduin ka, sabihin mo may susundo sayo." ani Luke at matiim na nakatitig sakin. May choice ba ako? Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at mabilis na hinalikan sa labi. Dahil sa gulat hindi agad ako nakaiwas. Nang lumayo siya sakin, tiningnan ko siya ng masama. "Bakit mo iyon ginawa?" tanong ko na kababakasan ng galit sa boses. Nangako ako sa sarili ko na hindi na mauulit ang nangyaring halikan kagabi. May kasintahan si Luke ay

