Chapter 19 Kinabukasan, maaga akong nagising. Kailangan ko ng mahanap talaga ang bato na iyon. Isang buwan na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay wala pa rin akong idea man lang kung nasaan ang bato. "Malapit na ang Foundation day" Sambit ni Helena. Napabuntong hininga naman ako. Sa isang araw na ang Foundation daw at siguradong magiging abala ang lahat. Nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili upang pumasok ay agad akong lumabas kasama si Helena. Dahil sa napagusapan namin kahapon. Hindi na tinatamad si Helena na pumasok. Sa katunayan ay ginaganahan na nga daw siya dahil baka bigla daw magwala ang kapangyarihan ko ng wala sa oras. "Ayos na daw ulit ang barrier, mas pinatibay at pinakapal" "Balita ko rin ay magkakaroon ng pag-iimbistiga sa bawat estudyante ng Magical Ligh

