Chapter 17 Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Unang klase namin ngayon at nagdidiscuss lang about history ang teacher namin sa subject na ito. Hindi parin ako makapaniwala na nagagamit ko na ang kapangyarihan ko. Kahit hindi pa totally natatanggal ang seal sapat na iyon upang makalaban ako. Malakas ang hawak kong kapangyarihan kaya kahit maliit na porsyento lang ang gamitin ko ay tiyak na malaking pinsala parin ang kayang magawa non. Hindi ko parin nakakausap si Macy. Hindi ko alam kung anong pinapagawa sa kanya ni Aran. Humahanap lang ako ng tyempo upang makausap siya. Hindi ako sigurado kung wala ba talaga siyang alam sa akin o umaarte lang siya na wala siyang alam. Alam kong katulad ko, may sapat din siyang dahilan kung bakit naanib siya sa mga dark mages. N

