Chapter 4
Vyzon's POV
Nakapamulsa lang ako habang nakasandal sa pader sa loob ng Poison's Laboratory. Pinapanood ko lang ang lalaking kapartner ko sa paggawa ng lason na hindi ko alam kung para saan at wala naman akong balak alamin. Who cares about that fvcking poison. Obviously I don't.
"You should help me here. We're partners" Sabi ng lalaki na hindi ko matandaan ang pangalan.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinalukaran ko na siya. Why am I here in the first place? Nagsasayang lang ako ng oras sa lugar na ito.
Palabas na ako ng pinto ng lab na ito ng marinig ko ulit siyang nagsalita. Kami lang ang tao sa laboratory na ito dahil wala naman pasok ngayon. It's sunday. Dapat hindi na lang ako lumabas sa dorm at natulog nalang maghapon.
"You're useless. You're just good in making troubles"
Lumingon ako at tiningnan ng walang kagana-gana ang lalaki. Inangat ko ang kamay ko upang guluhin ang buhok sa likod ng ulo ko. Isang mannerism na ginagawa ko kapag may hindi ako magandang narinig at kapag naiinis ako.
"You shoudn't have said that" walang gana kong sabi pero hindi parin nakatakas ang pagka-arogante ng boses ko.
Tumingin ang lalaki sa akin. Nakita ko ang malalim niyang paglunok. Alam niya ang kaya kong gawin lalo na kapag nainis ako. Takot ang rumehistro sa kanyang mukha. Ngayon lang siguro niya narealize kung sino ang kapartner niya at kung ano ang sinabi niya.
"U-Uhm. M-Makakaalis kana Vyzon. Kaya ko na ito"
Biglang sabi niya. Umiling lang ako. Halos mataranta naman siya sa paglalagay ng sangkap dahil lumakad ako papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit takot na takot na agad siya. Hindi ko pa naman siya nginingisian ng nakakatakot dahil walang gana parin akong nakatingin sa kanya.
Nang makalapit ako sa kinapupwestuhan niya kung nasaan ang poison na ginagawa niya at ang mga sangkap. Nanigas siya sa kanyang kinapupwestuhan. Napailing nalang ako.
Hinawakan ko ang sangkap na nasa lamesa. Basta ko nalang iyon inilagay sa palayok na nasa harap namin.
"H-Hindi mo pwedeng basta ilagay nalang iyon Vyzon"
Nanginginig ang boses ng lalaking nagsalita. Hindi ko siya pinakinggan. I don't fvcking care in this kind of witchcraft. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming gumawa ng mga walang kwentang bagay na katulad nito.
Nang mailagay ko na ang nakakalat na sangkap sa lamesa ay biglang tumakbo ang lalaking kapartner ko. Malamang ay isusumbong niya ako sa nakakataas. Napailing naman ako. Kumuha ako ng tubig at sinalin iyon sa palayok. Hindi pa man nalalapatan ng init ay nagsimula ng umusok ang loob ng palayok.
Lumakad ako papunta sa may pinto. Nang makarating ako sa may pinto ay binalingan ko ulit ng tingin ang palayok at ikinumpas ko ang aking kamay at sa isang iglap lang ay sumabog ito.
Nagpakawala ako ng apoy sa loob ng walang kwentang lab. Sinarado ko ang pinto. Madaming mga lason ang nasa loob at malakas na sumabog ulit ang mga iyon.
"Tawag ka ni Headmaster"
Hinihingal na sabi ng lalaking kapartner ko. Lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan siya. Isang malakas na suntok ang dumapo sa panga niya. Kita ko ang paglabas ng dugo sa bibig niya.
Tinalikuran ko siya. Nakapamulsa akong naglakad papunta sa office ng matandang Headmaster. Nang makarating naman ako ay agad kong sinipa ng malakas ang malaking doubledoors.
Ang buong atensyon ko ay nasa matandang nakaharap sa akin. Nagtitimpi siyang napatingin sa akin. Para bang may ginawa na naman akong hindi niya nagustuhan.
"What now?" Tanong ko dito. Hindi pa man ako nagtatagal ay naiinip na agad ako sa lugar na ito.
Napalingon ako sa aking gilid ng maramdaman ko na kanina pa may nakatitig sa akin. Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa harap ng table ni Tanda.
Maganda ang mata niya pero mapapansin mo na wala itong kabuhay-buhay. Sobrang puti din niya at ang putla ng labi niya. Matangos ang kanyang ilong. Mahaba ang buhok niyang kulay itim at medyo pakulot na ang dulo nito.
Maganda siya pero walang kabuhay-buhay ang mukha niya at blangko lang ito. Napatingin naman ako sa kanyang katawan bago ngumisi.
Itinuon ko sa Headmaster ang atensyon ko ng magsalita ito.
Trix's Point of View
Ilang segundo sa aking nakatitig ang lalaki bago niya ibinaba ang tingin sa aking katawan bago siya ngumisi ng malademonyo. Bukod kay Aran, siya lang ang lalaking kayang ngumisi ng totoong malademonyo.
Hindi ko pinansin ang bagay na iyon. Isang bagay lang ang rumehistro sa aking isip. He's a p*****t.
"For god's sake Vyzon, you're not a kid anymore. Stop acting like a 5 years old boy. Stop messing around"
Tiningnan ko lang ang lalaking nagngangalang Vyzon. Wala itong pake sa sinabi ng head master sa kaniya. Hindi nagbabago ang bored niyang tingin sa matanda.
"It's that all?" Sabi nito at hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagka-arogante ng boses niya. Normal na siguro iyon sa kanya.
Malaki ang katawan niya at halata sa suot niyang fitted t-shirt ang perpektong hubog ng kanyang katawan. Nakapamulsa parin siya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo para tumino ka. Wala sayong kwenta ang detention at ang punishment room"
Dismayadong umiling ang Headmaster. Halata sa mukha niya na hindi madaling mapasunod ang lalaking nasa harapan namin.
Hindi naman nagpapakita ng kahit na anong interes ang lalaki sa mga sinasabi ng matanda.
Biglang may bumukas ng pinto sa pangatlong pagkakataon. Isang babae ang pumasok doon. Katulad ni Kate at Hestia. Maganda rin siya.
"The whole Poison's Laboratory is on fire. Hindi na makontrol ang apoy non. Lahat ng SSG ay ginawa na ang lahat para matigil ang apoy pero lalo lang iyong lumalakas. We need your help Headmaster"
Tiningnan ng matalim ng headmaster ang lalaking nagngangalang Vyzon. Nagkibit balikat lamang ito na parang hindi alam ang pangyayaring sinabi ng babae.
"Let's go"
Umalis ang Headmaster at ang babae. Nanatili paring nakatayo ang lalaking si Vyzon sa aking harapan. Hindi ko alam kung susunod ba ako o maghihintay dito. Naalala ko bigla ang aking pakay. Baka nasa Headmaster's office ang bagay na iyon.
Pero hindi ako makakapaghanap kung nandito parin ang lalaking ito. Tiningnan ako ng lalaking si Vyzon. Ngumisi siya katulad ng kanina. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Napatayo ako bigla pero hindi siya nagulat.
Hindi ko pinansin ang malagkit niyang tingin sa akin. Wala akong oras sa mga kalokohan. Kailangan kong mapaalis ang lalaki na ito sa loob ng office para maisagawa ko na ang aking pakay.
"You should go"
Sabi ko. Halos manlamig naman ako sa sarili kong boses. Hindi ko alam kung kailan pa nagbago ang tono ng boses ko.
Hindi nawawala ang malademonyo niyang ngisi. Napapaisip tuloy ako kung taga Dark Empire rin ba siya o ganyan lang talaga siyang ngumisi. Nakakakilabot at nakakatakot. Para siyang hindi normal na mag-aaral sa paaralan na ito. Iba ang aura niya. Napakalakas non.
Lumakad siya papalapit sa double doors. Akala ko ay aalis na siya pero inilock lang niya iyon. Lumapit siya sa pwesto ko. Hindi ako nagpatinag. Nakatayo lang ako at hindi gumagalaw.
"We should do something about your pale lips" Nakangisi niyang sabi sa akin. Sa isang iglap ay nakapulupot na ang braso niya sa aking likod at hinapit niya ako papalapit sa kanya.
"You're very stiff"
Ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha. Magkalapit na magkalapit ang aming mukha. Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin pero isa lang talaga ang sigurado ko ngayon. He's a jerk at the same time p*****t.
Hindi ako nagpakita ng kahit anong gulat ng halikan niya ang labi ko. Hindi ako gumalaw. Nanatiling nakatikom ang labi ko. Tinutulak ko siya pero sobrang lakas niya. Ayaw niyang magpatinag. Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya wala akong nagawa kundi ang ibuka iyon dahil sa gulat. Ipinasok niya ang dila sa aking bibig at naglakbay iyon kung saan-saan. Hindi ako tumutugon sa halik niya. Siya lang ang gumagalaw sa aming dalawa. Para siyang uhaw na uhaw sa paghalik na ginagawa niya sa akin.
Tumigil siya sa paghalik sa mga labi ko. Tinitigan niya ako sa mga mata bago ito bumaba sa aking labi. Napangisi ulit siya.
"Better"
Sabi niya habang nakatingin sa labi ko. Alam ko na namumula na ang aking labi sa mga oras na ito.
Isang malakas na suntok ang dumapo sa pisnge niya. Hindi naman nawala ang ngisi niyang nakakaloko.
"You're lucky because I kissed you"
Nakangisi niyang sabi sa akin. Inirapan ko siya. Aminin ko man o hindi. Alam kong sobrang gwapo ng lalaking kaharap ko ngayon pero hindi iyon sapat para hayaan ko siya sa ginawa niya. He's a perfect stranger for goddamn's sake.
"Asshole"
Malutong na sabi ko. Hindi nawala ang ngisi niya. Mukhang lalo siyang natuwa dahil nagsalita ako.
"See you around baby"
Tumalikod siya at kinaway ang kamay. Umirap ako sa kanyang likod. Nang makalabas siya ay isinantabi ko ang nangyari kani-kanina lang. Naalala ko na naman kung bakit ako nandito. I need to find that fvcking stone.
Inilibot ko ang aking paningin. Malaki ang office ng Headmaster. Puro shelves ang gilid at napakaraming libro don.
Lumapit ako sa kanang bahagi at inisa-isang ilabas ang libro at ibinabalik ko rin agad kapag walang nangyayaring iba. Naghahanap ako ng secret room sa loob nito.
Ilang minuto ang nakalipas ng biglang nagbukas ang pinto. Pumasok ang Headmaster. Nagpanggap ako na naghahanap lang ng librong pwedeng basahin.
Napatingin sa akin si headmaster bago ito ngumiti.
"Akala ko umalis kana. Come here hija"
Bumuntong hininga ako bago naglakad pabalik sa pwesto ko kanina. Hinilot niya ang sintido niya bago naupo sa kanyang swivel chair.
"Dahil healing power ang meron ka. Ilalagay kita sa section B. Hindi ka pwede sa section A dahil malalakas na mga kapangyarihan ang nandon. Nasa senior year kana"
Tumango ako. May kinuha siya sa ilalim ng table niya. Inabot niya sa akin ang isang susi na may numero.
"Yan ang susi ng dorm mo. Mayroon ng nakahandang uniporme para sayo. May mga damit narin ang nandon. You may go"
Tumango lang ako bago ako tumayo. Naglakad na ako palabas ng office ng headmaster at ng building na iyon.
Napansin ko na madaming nagkalat na mga estudyante sa labas. Linggo ngayon kaya wala silang pasok. Bukas ako magsisimula ng pasok sa paaralan na ito.
Lahat ng makakasalubong at makakakita sa akin ay napapatitig nalang. Alam siguro nila na bago lang ako dito.
Nang makarating ako sa dorm ay maiingay na babae ang naabutan ko sa lobby. Iba't ibang bagay ang pinagkakaabalahan nila.
Ilang hagdan ang nilakadan ko bago ko nakita ang numero kung saan ako tutuloy. Binuksan ko ito at naabutan ko ang isang babaeng tahimik lang na nagbabasa sa kanyang kama.
Hindi niya ako pinansin. Agad akong umupo sa aking kama. Iniisip ko kung saan ako magsisimulang maghanap. Hindi ko naitanong kay Aran kung nasaan ang bato na iyon. Masyadong malaki ang paaralan na ito.
Bumuntong hininga ako. Sana naman ay hindi nila sinasaktan ang aking mga kapatid. Makulit pa naman ang dalawang iyon at tanging ako lang ang sinusunod.
"What's your name?"
Bumalik ako sa realidad ng magtanong ang babaeng kadormmate ko.
"Trix Yngrid Miwora"
Simpleng sagot ko. Tumango naman siya.
"I'm Helena Miller. Mind Reader"
Nanlalaki akong napatingin sa kanya. Tumawa naman siya sa reaction ko. Agad niyang ipinakita sa akin ang kanyang hikaw. Kulay puti iyon na hugis utak.
"Don't worry, My power is sealed. It's useless. I'm the only mind reader in this entire Academy. Minsan nagkukulong lang ako sa dorm at hindi nalang pumapasok. Para saan pa diba? Wala namang kwenta ang kapangyarihan ko. Kung tutuusin ay powerless na ako"
Huminga ako ng malugaw. Akala ko ay nabasa niya ang iniisip ko kanina.
"What's your power or magic?"
"I'm a healer but my magic is weak"
Tumango lang siya. Agad napukaw ng kanyang atensyon ang aking dalawang wrist.
"Is it a tattoo? Why do you have that?"
Napatingin ako sa aking wrist. Parang simpleng tattoo lang na may desenyong kadena iyon. Parehas na may ganon ang dalawa kong palapulsuhan.
Kung titingnan mo. Para lang iyong normal na kadenang tattoo na may desenyo na kasing laki ng normal na bracelet pero kung tititigan mo itong mabuti at susuriin makikita na may maliliit na bungo ang nakalagay sa kadena na iyon. Hindi naman kapansin-pansin kapag hindi mo tiningnan ng maayos.
Tumango lang ako sa kanya bilang pagsagot. Wala na akong balak na magkwento at magsalita kaya napansin naman iyon ni Helena. Hindi na siya nangulit pa at bumalik nalang sa pagbabasa niya.