Chapter 2
Para akong isang mabangis na hayop dahil sa aking itsura. May posas na bakal sa aking leeg. Maging sa magkabila kong kamay at paa.
Narinig kong si Aran ang nag-utos na lagyan parin ako ng mga posas dahil baka daw maisipan kong tumakas. Pwede rin naman kung kasama kong tatakas ang dalawa kong kapatid.
Nasa isang madilim na silid ako. May isang bintana na may bakal. Wala ring liwanag ang nanggagaling sa bintana na yon dahil madilim din ang kalangitan. Lagi namang madilim dito sa Dark Empire.
Isang maliit na bumbilya lang ang nasa taas na nagbibigay ng ilaw sa akin. Nakasara ang pinto na bakal. Napailing nalang ako. Sa tingin ba nila ay makakatakas pa ako sa lagay kong ito? Tss.
Pakiramdam ko ay nahahawa na ako sa kanila. Para na rin akong lantay gulay at walang kabuhay buhay.
May isang dark mage ang pumasok sa aking kulungan. Pagod na akong manlaban. Isa pa, wala na akong kalaban-laban ngayon. Para mabuhay ang mga kapatid ko kailangan kong sumunod sa kanila.
Blankong tingin ang ipinukol ko sa dark mage na pumasok. May bit-bit siyang pagkain. Walang ganang tiningnan ko lang iyon. Wala akong ganang kumain.
Iniiwas ko ang tingin doon at pumikit. Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ako sa lugar na ito ay hindi ko na kakayanin. Sobrang bigat ng atmospera. Para bang may pinaglalamayan ang mga tao dito.
Agad akong nakaramdam ng sampal. Huminga ako ng malalim at walang buhay na tiningnan ko ang dark mage.
"Kumain ka. Hindi maganda ang mood ngayon ni Heneral Aran" parang hinukay sa kailaliman ng lupa ang boses niya. Umiling naman ako. Wala akong pake kung beastmode si Aran. The hell I care. Umirap nalang ako.
Isang sampal ulit ang natanggap ko. Katulad kanina bored ko lang siyang tiningnan. Masakit ang sampal niya pero wala na akong pakealam sa sakit na yon.
"Kailangan mong kumain para hindi ka mamatay ng maaga. Kapag namatay ka hindi matutuloy ang ritwal"
"Really?" Walang ganang tanong ko dito. Pwede naman pala akong magpakamatay na lang but then again, I remember my sisters. Kailangan ko silang protektahan at iligtas sa lugar na ito.
"Huwag mong balakin magpakamatay. Hindi iyon magugustuhan ni Aran. Kumain kana dyan. Wag kang sumabay sa problema ni Aran sa Crystalline Diamond Stone"
Lumabas na siya at nilock ulit ang bakal na pinto. Napakunot-noo naman ako. Crystalline Diamond Stone?
Naalala ko yung isang lumang libro na nabasa ko. Para mabuhay ang hari ng dilim. Kailangan ang makapangyarihang mahika ng dilim na hinaluan ng ginto at ang bagay na tinatawag na Crystalline Diamond Stone. Hindi ko alam ang proseso dahil hindi ko tinuloy ang pagbabasa ng lumang libro na iyon pero nakita ko ang larawan ng batong iyon.
Kahit black and white lang ang kulay non dahil matagal na panahon na ang librong iyon ay malinaw parin iyong nakadetalye.
Isa iyong hugis dyamante na crystal na ang laki ay isang dangkal. Kumikinang iyon kapag natatamaan ng sinag ng araw at lumiliwanag naman kapag natatamaan ng sikat ng buwan. Mabigat ang bagay na iyon.
Sa pagkakaalam ko ay nasa pamamahala iyon ng Light Empire kaya kahit nandito ako. Hindi nila magagawa ang ritwal kung wala iyon. Mas mauuna pa akong mamatay sa gutom bago nila makuha ang bagay na iyon.
Bigla akong napatingin sa dark mage na pumasok sa aking selda. Walang buhay kong tiningnan si Aran. Tila nagtaka pa siya sa aking blankong expression. Kung nandito ka sa lugar na ito tiyak na mahahawa ka sa kanila. Walang buhay at matamlay.
"Kumain ka binibini" Maawtoridad na pahayag ni Aran. Hindi ko siya sinunod.
Isang latigo ang humpas sa aking tagiliran. Naramdaman ko ulit na inihampas iyon at nahagip ang aking braso.
"Kakain ka o lalatiguhin kita?" Kung hindi ako sanay sa boses niya ay baka nanginig na ako sa takot.
Walang gana ko siyang tiningnan bago tumawa ng pagak. Halatang nang-aasar ang aking tawa.
"Go ahead Aran" Latiguhin mo ako hanggang sa mamatay ako kung kaya mo.
Pinakinggan naman niya ako kaya ilang latigo ang natanggap ko. Hindi ako nagpakita ng sakit. Sigurado ako na madami ng latay ang aking katawan. Ang t-shirt na suot ko ay punit-punit narin dahil sa latigo.
Ginulo niya ang buhok niya na para bang nababaliw na siya. Binigyan niya ako ng matalim na tingin.
"Patay ka na sana ngayon kung nakuha ng napag-utusan ko ang Crystalline Diamond Stone"
Umiiling na pahayag niya. Hindi ako nagsalita. Wala naman akong sasabihin sa kanya.
"Bakit kasi nagpahuli siya! Walanghiya talaga! Alam naman niya na malalakas ang tao sa Magical Light Academy"
Ginulo-g**o pa niya ang buhok niya. Para siyang nababaliw at hindi alam kung anong gagawin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. So nasa Magical Light Academy pala ang bagay na iyon. Hindi ko alam ang impormasyon na iyon. Ang alam ko lang nasa Light Empire iyon.
"Kumain kana kapag hindi ka pa kumain dadalhin ko ang isa sa mga kambal dito at sila ang papahirapan ko"
Nanghahamon niya akong tiningnan. Dahil nabanggit niya ang mga kapatid ko ay agad nag-alab ang aking galit. Subukan niyang galawin ang isa sa kambal sisiguraduhin ko na mag-sisisi siya.
"Let's have a deal"
Biglaang sabi ko kay Aran. Napakunot-noo naman siya bago ako seryosong tiningnan.
"Papasok ako sa loob ng paaralan na iyon para kuhanin ang bato na kailangan niyo. Ako mismo ang magdadala dito pero sa isang kondisyon"
Seryoso parin ang mukha ni Aran. Tila ba pinag-iisipan ang walang kwentang alok ko.
"Anong kondisyon?"
"Bago niyo gawin ang ritwal. Kailangan makita ng dalawang mata ko ang kambal na ligtas na makarating sa paaralan na papasukan ko ngayon"
Medyo nagulat siya sa aking sinabi. Mabilis na nagbago ang kanyang expression. Napalitaan iyon ng seryoso at naninimbang niya akong tiningnan.
"Paano ako makakasigurado na hindi ka papanig sa Light Empire? Baka binabalak mo na humanap ng kakampi"
Umiling naman ako. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at pinakita sa kanya ang wrist ko. Dumulas pababa ang malaking balak na posas at nakita niya ang kadena na parang tattoo.
"Sa tingin mo makakalaban ako kung nakaseal ang kapangyarihan ko? Hindi ako gagawa ng mali dahil alam kong nandito ang kapatid ko. Hindi ako tanga para ipahamak sila at iligtas ang sarili ko"
Hindi parin nawawala ang naninimbang niyang tingin. Ibinaba ko na ang kamay ko at bumuntong hininga.
"Kung ayaw mo wala na akong magagawa pa don. Siguradong kapag nagpadala ka ng alagad mo sa paaralan na iyon ay mabilis nilang malalaman"
Kunot-noo niya akong tiningnan. Para bang nagtataka sa mga sinasabi ko.
"Alam na nila na may traydor na nagtangkang magnakaw ng pinakaiingatan nila. Hindi naman siguro sila mang-mang para hindi malaman na kayo ang nagpapadala ng mga alagad sa lugar na yon. Hindi ba?"
Nginisian ko siya. Ang walang buhay kong mga mata ay nanatiling nakatingin kay Aran. Nag-isip naman siya ng malalim.
"Dahil halos lalaki kayong lahat dito alam na nila na lalaki ang ipapadala niyo. Mauutak ang tao sa Light Empire. Wala kang kawala"
Tumawa pa ako ng nakakaloko. Nanatiling tahimik si Aran. Pinag-iisipan ang bawat sinasabi ko.
"Hindi kayo magtatagumpay sa binabalak niyo. Kung wala ang mahalagang bagay na iyon. Kahit nandito ako, useless parin ako. Bago niyo makuha ang bato na iyon baka patay na ako at ang kambal"
Nagkibit balikat ako habang nakangisi. Mahirap kumbinsihin si Aran. Kailangan marami kang dapat sabihin para makumbinsi siya.
Bumuntong hininga ako. Wala talaga akong plano na pumasok sa Academy na iyon pero naisip ko ang kaligtasan ng aking kapatid na kambal. Hindi ako makakasigurado kung bubuhayin nila ang kambal kapag natapos na at nakuha na nila ang gusto nila. Kailangan kong makasigurado kaya gumawa ako ng deal.
Ako ang kukuha ng batong kristal na hugis dyamante at kapalit non ay ang pagpasok nina Riri at Rara sa Academy. Sa pagkakataon na iyon lang ako makakasigurado na magiging ligtas silang dalawa.
"Tama ka"
Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Aran. Nakalimutan ko na andito nga pala ang lalaking ito. Masyadong malalim ang aking isip. Si Aran ay matanda na. Nasa mid 30's na siya.
"Payag ako sa kondisyon mo. Matulog kana at bukas rin ng umaga ay ihahatid ka sa lugar na iyon"
Tumango ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na kakagatin niya ang walang kwentang deal na iyon pero maswerte na rin ako dahil masisiguro ko na ang kaligtasan ng kambal.
"Nasaan ang mga babae sa lugar na ito?"
Nagtatakang tanong ko kay Aran ng akmang lalabas na siya ng aking selda. Pansin ko kasi na puro sila kalalakihan dito. Walang naliligaw na mga babae. Bigla tuloy akong kinabahan.
Naisip ko na baka kung anong gawin nila sa dalawa kong kapatid na babae. Bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Madaming masasamang bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Sumasakit ang ulo ko.
"Nandito lang din sila. Hindi lang sila pwedeng magpagala-gala"
Seryosong wika ni Aran. Dahil sa sinabi niya ay agad akong nakahinga ng maluwag. Tuluyan na siyang lumabas ng aking selda.
Pinapatulog ako pero wala naman akong tulugan. Napairap nalang ako sa kawalan. Para akong talaga akong mabangis na hayop dahil sa dami ng posas ko.
Ngayon ko lang din naramdaman ang sobrang pagkirot ng aking katawan dulot ng paglalatigo sa akin ni Aran. Agad kong ginamit ang aking healing power. Umilaw ang aking katawan at unti-unting naghilom ang aking mga sugat.
Hindi rin nagtagal ay lalo lang akong nanghina. Hindi ko pa tuluyan nagagamot ang aking sarili dahil may natitira pa rin na bakas ng latigo sa aking katawan.
Tama ang sinabi ni Owel. Mahina ang healing power ko. Alam ko ang bagay na iyon. Mahina ang healing power ko dahil nakaseal ngayon ang tunay kong kapangyarihan. Ang Dark Golden Magic.
Kayang palakasin ng Dark Golden Magic ang aking healing power. Iyon madalas ang aking pinagkakakitaan. Nanggagamot ako sa kapital ng Light Empire. Kahit malayo ang tinitirhan namin nina Riri at Rara ay dumadayo talaga ako sa Kapital para magkapera at magkaroon ng pagkain.
Ang tinutuluyan ko at ng kambal na bahay ay matatagpuan sa b****a ng kagubatan. Malayo ang bahay namin sa iba pang mga bahay. Wala kaming masyadong kilala. Pinalaki ko si Riri at Rara ng mag-isa lang ako.
Madalas pa nila akong tawagin na 'Mommy' nung mga panahong sobrang musmus palang nila pero sinabihan ko na sila na huwag akong tawagin na 'Mommy' dahil 'Ate' nila ako.
Si Riri ay water element user at si Rara naman ay isang earth user. Natutuwa ako dahil isa silang elemental user. Ang kapangyarihan namin ay hindi namamana. Kusa namin itong nakukuha at tinataglay.
Kung normal na mage or elemtal user lang ako ay hindi mangyayari samin ang bagay na ito. Ako ang pinakamalas na tao sa lugar na ito. Swerte lang ako dahil may Riri at Rara ako.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang mga ganitong bagay. Nawala ang magulang ko sa akin. Sa amin. Tapos ngayon si Riri at Rara naman ang nanganganib dahil sa akin.
Lahat ata ng mahal ko sa buhay ay ginagawan talaga ng paraan para malagay sa kapahamakan at ilayo ng tuluyan sa akin.
Napahiga ako sa malamig na semento. Naisip ko ka agad ang kambal. Sana naman may maayos silang higaan at hindi katulad ko na sa malamig na semento lang nakahiga. Siguradong magkakasakit sila.
Umiiyak ako habang iniisip ang kalagayan ng dalawa kong kapatid na babae. Hanggang sa bumigat ang talukap ko at kainin na ng dilim ang buong paligid ko.