CHAPTER 24

1219 Words

Sa loob ng ilang araw na pagpapagaling sa ospital mula nang magising sa pagkaka-comatose ay napuno na ng mga katanungan ang isipan ni Ciara. Pilit niyang inaalala ang katauhan niya kung sino ba talaga siya. Ano ang pangalan niya? Sino ang mga magulang niya? Saan siya nakatira? Ano ang naging buhay? At higit sa lahat . . . ano ang dahilan at nadala siya sa ospital? May nagtangka bang pumatay sa kaniya? Kung meron man, sa anong dahilan? Pero tuwing pinipilit niyang alalahin ang lahat ay sumasakit lang ang ulo niya at wala pa rin siyang maalala. At nang makita ang kaniyang mukha sa salamin ay nagulat siya sa kaniyang anyo. Hindi niya inaasahan na ang pangit pala niya at may malaking hiwa pa sa kaniyang kabilang pisngi na ‘X’. Para siyang naawa sa sarili niya tuwing napapatingin sa salami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD