MASAYA silang nag-dinner buong pamilya, at pansin ni Ciara ang palaging pagngiti ng asawa niyang si Alejandro. Halatang-halata sa mukha nito na masaya sa pagdating ng anak. Hindi lang si Alejandro ang masaya kundi pati na rin ang anak niyang si Scarlet ay tuwang-tuwa nang makita nito si Zero at halos ayaw nang bumitaw, gusto na laging magpabuhat. Medyo nasurpresa si Ciara dahil hindi niya inaasahan na magkakasundo agad ang kaniyang anak at ni Zero na kilala na niya bilang lalaking mahirap pangitiin at parang masungit din. Yet here he was, grinning softly at her daughter, his voice gentler than she’d ever heard it. Kaya naman komportableng-komportable si Scarlet. Sa dinner ay tumabi ito ng upo kay Zero imbes na kay Alejandro o sa kaniya. “Kuya, can you take me to school tomorrow?” tanon

