Chapter Eighteen

1516 Words
Isang linggo na ang nakalipas simula ng huling pagkikita ni Franceska at Grey. Naglalakad si Franceska sa hallway papunta sa Gymnasium ng University na pinapasukan  niya. Wala na silang gaanong ginagawa dahil lahat ay natapos na nilang gawin. Ang tanging hinihintay na lamang nila ay ang araw ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Nang biglang may tumapik sa kanyang balikat na ikinagulat  niya.  "Hoy!" sabi ng tumapik sa kanyang likod.  Nilingon niya upang tingnan kung sino ang tumapik sa kanya.Si Mikaela, ang kanyang kaibigan.  "Bakit ka ba nang-gugulat Mikaela?" inis na tanong niya sa kaibigan.  "Eh, paano kasi ilang araw ka nang parang wala sa sarili. Kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig," sagot naman ng kaibigan.  "Wala, masama lang ang pakiramdam ko," pagkakaila niya.  "Saan ka ba pupunta?"  "Doon sa Gymnasium sana, manonood sana ng Basketball," "Pumunta na lang kaya tayo sa Mall, tutal wala naman na tayong gagawin," pag-aaya ng kaibigan.  "Ano naman ang gagawin natin doon?" tanong niya.  "Eh, di mag-wi-window shopping tayo, kaysa naman tumambay tayo sa Gymnasium ang init-init doon," "Sige na nga," pagpayag niya.  Dahil hindi naman ganun kalayo ang Mall na pupuntahan nila ay nilakad na lamang nila ito. Habang papasok sila sa loob ng Mall ay may natanawan  si  Franceska na pamilyar na bulto ng isang lalaki. "Uy! Sino ba ang tinitignan mo?" tanong ni  Mikaela. "Wala," maikling sagot niya.  "Anong wala, Eh parang may tinitignan ka eh," "Hay! Ewan ko sayo Mikaela, ang dami mong tanong!" naiinis niyang sabi sa kaibigan.  "Napaka sungit mo ngayon Franceska," sabi ng kaibigan at nagsimula ng lumakad. Sumunod naman siya at sumabay sa paglalakad, dahil wala naman silang pambili ay nagkasya na lamang silang magkaibigan na tumingin-tingin ng mga damit, nang bigla siyang hinila ni Mikaela papunta sa nagtitinda ng Ice Cream.  "Aray ko naman! Mag dahan-dahan ka naman Mikaela," sabi niya. Nang bigla silang may mabangga. Halos mawalan sila pareho ng balanse dahil parang malaking bagay ang bumangga sa kanila.  "Hey, Watch out you two!" galit na sabi ng babae. Pag-angat ni Franceska ng tingin ay nagulat siya ng mapag-sino ang babaeng mataray na nagsalita. Si Depinder at kasama si Grey.  "I'm sorry Sir,  hindi namin sinasadya," hinging paumanhin ni  Mikaela sa dalawang taong nasa harap nila.  "I think I know you," sabi ni  Depinder na nakatingin kay  Franceska.  Hindi sumagot si Franceska, at pilit niyang iniiwas ang mga mata na mapatingin kay Grey na nakatitig sa kanya.  "Oh, Yeah! It's  you. You're Franceska right?" muling sabi ni  Depinder.  "Uy, Franceska, kilala ka daw ng babae," Si Mikaela na tumingin sa kanya.  "Tara na alis na tayo," pagya-yaya niya sa kaibigan.  "How are you Ceska?" Si Grey na ngayon lang nagsalita. Tumingin siya sa lalaki "U-Uhm, I'm fine," tipid niyang sagot.  "Do you guys wanna join us?" Si Depinder na nakangiti sa kanila habang hawak-hawak nito ang braso ni Grey.  "No Thanks," sabi niya agad sa dalaga.  "Aren't you going to introduce your friend to us  Ceska?" sabi ni Grey na nakatingin sa kanya.  "I'm sorry, Anyway this is Mikaela my best friend," pakilala niya kay  Mikaela sa mga ito.  "Nice to meet you Mikaela, I'm Grey, and this woman beside me is Depinder," pakilala ni Grey at inabot nito ang kamay upang makipag kamay sa kanyang kaibigan. Ngumiti naman ang kanyang kaibigan at tinanggap ang pakikipag-kamay ni  Grey.  "Why don't you two come with us," pagya-yaya ni  Grey sa kanila.  "Ha, Eh... Uy, Franceska niyayaya nila tayo oh," pasimpleng siniko siya ng kaibigan.  "Uhm, I'm sorry Grey, Depinder, but we still have something important to do," kunwari ay pagdadahilan niya.  "Wala naman tayong gagawin ah," kontra naman agad ni Mikaela na ikinainis niya.  "Epal ka talaga Mikaela, nag-dahilan na nga ako para makaiwas sa kanila eh," "Do you guys wanna join us?" Si Depinder na mukhang naiinip na.  "Yes, we'll join you," mabilis na sagot ni Mikaela.  Matalim ang mga matang tinignan niya ang kaibigan.  "Bakit ba, Eh mukha naman silang friendly, at isa pa kilala mo naman pala sila," sabi agad ng kaibigan.  "Well then, Let's go," sabi ni Depinder at mas lalong humawak sa braso ni Grey. Habang nakasunod silang mag-kaibigan kila Grey at Depinder ay hindi maiwasan ni Franceska na hindi makaramdam ng inis, o mas tama sigurong sabihin na selos ang nararamdaman niya.  "Franceska, paano mo nakilala si Grey?" tanong ni  Mikaela.  "Dito lang din sa Mall kami unang nagkakilala ni Grey, nakabanggaan ko rin siya dati," sagot niya.  "Ah, So matagal na kayong magkakilala?" "Hindi naman," "Hmmft! Bakit hindi ka nagkukwento sa akin ha, Franceska? "Tsaka ko na lang ikukwento sayo," Dahil sa hindi naman sila mabilis maglakad ay hindi nila namalayan na huminto sila Grey at Depinder sa paglalakad upang sila ay hintayin. "Hala, Franceska, nauna na pala ang dalawa," sabi ni  Mikaela na binilisan konti ang paglalakad. "Hayaan mo silang maghintay," sagot naman niya. "Ano kaba, nakakahiya naman sa kanila oh," "Bakit kasi pumayag-payag ka pang sumama tayo sa kanila eh," naiinis na sumbat niya sa kaibigan.  "Bilisan mo maglakad, tignan mo oh, hinihintay nila tayo," sabi ni Mikaela at binilisan nito maglakad. At dahil naiinis siya at pakiramdam niya ay wala siyang ganang gumala kasama si Grey at Depinder ay mas binagalan ni Franceska ang paglalakad. Hindi pa siya nakuntento, at kinuha niya ang kanyang Cellphone sa bulsa ng kanyang uniporme at kunwari ay abala sa pagtetext. Habang nakatutok ang mga mata ni Franceska sa screen ng kanyang Cellphone habang mabagal na naglalakad ay nagulat siya ng may biglang humablot sa kanyang Cellphone. "Ano b…!" hindi natuloy ni Franceska ang sasabihin dahil nakita niyang si Grey ang biglang humablot sa kanyang Cellphone. "Do you really mean to walk slowly and keep us waiting for you?" parang may inis sa tinig ng binata. "Of course not!" inis niyang sagot. "Then why do you keep walking slowly?" salubong ang mga kilay ng binata na nakatingin sa kanya habang hawak nito ang kanyang Cellphone. "What do you care about?" pabalang niyang sagot sa binata.  Nang bigla na lamang siyang hawakan sa kamay ng binata at hinila ito.  "Grey, what are you doing?" tanong niya sa binata habang hawak nito ang kanyang kamay at mabilis ang mga hakbang nito.  "You shut-up Ceska!" inis na sagot ng binata sa kanya.  Hindi niya maintindihan ang inaasta ni Grey, at dahil mabilis ang mga hakbang nito at mahigpit na hawak ng binata ang kanyang kamay ay hindi na lamang siya muling nagsalita pa.  Nakita niyang naghihintay si Mikaela at Depinder sa kanila. Napapangiti si Mikaela ng huminto sila sa harap ng mga ito, habang si Depinder ay nakasimangot at parang masama ang tingin nito sa kanya.  Hindi na lamang niya pinansin ang dalaga dahil abala siya sa paghila ng kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Grey, ngunit ayaw pakawalan ng binata ang kamay niya at mas lalo pang hinigpitan ang hawak nito.  "I'm hungry, let's go and find somewhere to eat," sabi ni Grey at nagpatiuna ng maglakad habang hila-hila ang kanyang kamay kaya wala siyang magagawa kundi sumunod dito.  Pumasok sila sa Mcdonalds dahil iyon lang ang maraming bakanteng upuan. Hinila ni Grey ang isang upuan at pinaupo siya. Sunod naman na humila ng isa pang upuan si Grey at umupo ito, habang si Mikaela at Depinder ay humila din ng upuan ng mga ito. Nakita niya kung paano nanunukso ang ngiti ni  Mikaela.  Tinignan niya ng masama ang kaibigan, pero nagpatuloy ito sa pagngiti sa kanya ng makahulugan. "What do you want to order?" baling na tanong sa kanya ni Grey. "H-huh, Uhm, Anything," sagot niya.  "How about you Mikaela, Depinder?" tanong ni Grey  sa dalawa. "I want Fries, Burger and Sundae Ice Cream," mabilis na sagot ni Mikaela. "Anything," tipid na sagot naman ni  Depinder na may iritasyon sa mukha nito.  "Okay, I'll just go and get your order," paalam ni Grey  sa kanila.  Pag-alis ni Grey upang pumila at umorder sa counter ay agad siyang tinukso ng kaibigan.  "Uy, Franceska, mukhang may tama sayo si Grey ah," "Tumigil ka dyan Mikaela, baka marinig pa ng babaeng kasama natin eh," saway niya sa kaibigan. "Ano kaba, hindi naman niya maintindihan eh,"  "Kahit na," sagot niya.  Habang hinihintay nila na bumalik si Grey ay napatingin si Franceska kay Depinder. Nakatingin din pala ito sa kanya. Salubong ang mga kilay ng dalaga na nakatingin sa kanya. Binalewala na lamang niya ito at iniba niya ang direksyon ng kanyang mga mata. Tumingin siya sa counter kung saan kasalukuyang umoorder si Grey. Ilang sandali pa at bumalik si Grey sa kanilang mesa at umupo sa upuan na nasa tabi niya.  "They will serve our order in a few minutes," sabi ni  Grey.  "Isn't self-service,?" tanong ni Mikaela. "Yeah, It's a self-service but I asked the cashier if they can serve our order at our table,'' sagot naman ni Grey. "Ay, bongga, sana lahat kayang maging VIP," sabi ulit ni Mikaela.  Tinignan niya ang kaibigan na may pagsasaway sa kanyang mga mata.  Ilang minuto lang ay dumating din ang order ni Grey.  Isa-isang nilapag ng waiter ang kanilang order.  Nagpasalamat naman si Grey bago umalis ang waiter.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD