Chapter Twenty Two

1202 Words
"Ma, ano po ba ang lulutuin nyo na hapunan natin?" tanong ni Franceska. "Pinakbet, at saka pritong galunggong," sagot ng Ina niya.  "Magugustuhan po kaya 'yan ni Grey?" tanong niya. "Aba, syempre naman anak, wala naman pinipiling pagkain ang taong iyon. Tignan mo nga kanina nasarapan sa turon na ginawa natin," wika ng Ina na may tuwa sa tinig. "Sabagay, pero gusto niya kaya ang amoy ng bagoong sa pinakbet na lulutuin nyo? baka hindi niya magustuhan dahil sa amoy," muli niyang tanong.  "Magugustuhan niya yan. Ay, teka, wala na pala tayong bagoong, sumaglit ka nga sa palengke at bumili ka," utos ng ina. "Sige po, Ma," wika niya at saka tumayo mula sa pagkakaupo.  "Humingi ka nalang sa Papa mo ng pambili," "Opo, Ma." sagot niya. Tinignan muna ni Franceska ang sarili sa salamin na nasa sala, pinasadahan ang sarili bago lumabas.  "Pa, pahingi daw po ng pambili ng bagoong sabi ni  Mama," sabi niya sa Ama.  "Sige," sagot ng Ama, at kumuha ng pera sa wallet nito at inabot sa kanya.  "Salamat, Pa," at lalakad na sana siya palabas ng gate nang bigla siyang tawagin ni Grey. "Ceska, wait!" pigil ng binata sa kanya . "What?" tanong niya.  "Where are you going?" tanong ng binata. "I'm going to the market," mabilis na sagot niya.  "Can I come with you?" tanong ng binata.  "But, you're still not done fixing the cabinet, right?" "Isama mo na anak, para may kasama ka," wika ng kanyang Ama.  "Sige, po Pa." "Grey, you can go with her," sabi ng Ama sa binata.  "Thanks, Sir, we can finish this when we comes back," tugon ng binata sa kanyang Ama.  Ngumiti  naman ang kanyang Ama at saka tumango sa binata.  "Let's go?" pagyayaya niya kay Grey. Pinagpag muna ng binata ang pantalon nito na nabahiran ng alikabok bago ito lumapit sa kanya. Magkasabay silang naglakad ni Grey papuntang palengke. Habang naglalakad sila ay may mga taong nakatingin sa kanila. Hmmm, baka humahanga sila kay Grey, sabi niya sa kanyang sarili.  "What do we buy in the market?" biglang tanong ng binata.  "We're going to buy fermented fish sauce," sagot niya.  "Fermented fish sauce, what's that?" nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanya.  "It's a fermented fish with a salty taste," sagot niya.  "Hmm, I see. " wika ng binata at saka tumango-tango. "Hey, people are looking at you," sabi niya at saka tumingin sa mga taong nakakasalubong nila.  "I don't think so," sagot nito at hinawakan ang kanyang kamay.  Nagulat siya sa biglang paghawak ng binata sa kanyang kamay ngunit may saya at kilig siyang naramdaman. Dahil mukha naman walang pakialam Ang binata kung pagtitinginan man ito ng mga tao na nakakasalubong nila ay hindi na niya pinagpilitan pa sa binata ang kanyang sinabi. Ilang sandali lang ay nasa palengke na sila. Pinuntahan nila ang tindahan kung saan doon palaging bumibili ang kanyang Ina.  "Nay, may bagoong po ba kayo?" tanong niya sa matandang tindera. "Meron ineng," sagot ng matanda at saka kumuha ng bagoong sa istante. "Magkano po ito?" tanong niya sa matandang tindera.  "Bente pesos lang ineng," sagot naman ng matanda.  "Sige po, Nay kukuha po ako ang isang bote," at nag-abot siya ng 20 pesos sa matanda, at saka naman inabot sa kanya ang bagoong na nakalagay sa plastik. "Ineng, ang gandang lalaki naman ang boyfriend mo," sabi ng matanda na may pagkamangha sa mga mata.  "Ho, eh, Hindi po Nay, kaibigan ko lang po siya," sagot niya at saka tinignan si Grey na nagmamasid lang sa paligid, na parang kakaiba ang mga nakikita nito.  "Pero, bagay kayo Ineng, mukhang  foreigner pa yata yang kasama mo ah," "Opo, Nay," sagot niya at ngumiti sa matanda.  "Are you done?" biglang tanong ni Grey sa kanya.  "Yes," sagot niya at pinakita sa binata ang kanyang binili.  "Is that the fermented fish sauce?" tanong nito.  "Hmmm, yup," sagot naman niya. Kinuha ni Grey ang hawak niyang bagoong at saka nilabas nito sa plastik. Biglang binuksan ni Grey ang bote ng bagoong at akma sanang aamuyin ng binata nang bigla niyang pinigilan ito.  "Hey, why did you open it?" tanong niya habang pigil ang kamay ng binata na nakahawak sa bukas na bote ng bagoong.  "I just want to smell it," mabilis na sagot nito.  "Okay, it's up to you," wika niya at saka ngumiti ng pilya sa binata. Parang nai-imagine na niya ang magiging reaksyon nito kapag naamoy ang bagoong.  Mabilis na inamoy ng binata ang hawak nitong bagoong nang bigla din nitong inilayo sa ilong nito.  Natawa siya sa reaksyon ng binata, pati na rin ang matandang tindera. "What's that smell!" tanong ng binata na nakasalubong ang mga kilay at nakusot ang ilong nito.  "It smells good, right?" sagot niya na sinabayan niya ng pagtawa.  "Yeah, right! It smells like a rotten fish,'' sabi nito na nakakunot ang noo. "Because it was a fermented fish, but it's yummy,you can make it as a dip," natatawa na paliwanag niya sa binata. "Nakakatuwa naman ang kasama mo ineng," sabi ng matanda na tila ba natutuwa sa nakikitang reaksyon ni Grey "At, gwapo po siya, diba Nay?" wika niya sa matanda at ngumiti. "Aba, Oo naman ineng, ang ganda pa ng mga mata," humahangan sabi ng matanda.  Tinignan niya si Grey na binabalik na ang takip ng bagoong at muling nilagay sa plastik. Hindi pa rin nawawala ang gusot sa mukha nito. "You didn't tell me the smell of this fermented fish that you're talking about," sabi ng binata na parang may inis sa tinig nito.  "Nah, you never ask," sagot naman niya at hindi pa rin niya mapigilan ang pagtawa.  "You meant not to say," sabi nito na tumingin sa kanya habang nakakunot ang noo nito.  Natutuwa naman na nakamasid lang sa kanila ang matandang tindera dahil sa pagpapalitan nila ng salita ng binata.  "What do you expect from the smell of fermented anchovies?" tanong niya sa binata na nakataas ang isang kilay niya. "Yeah right, you silly woman," sagot nito at ginulo ang kanyang buhok na tila ba para siyang isang bata. "Grey, don't  do that! You're messing my hair," sabi niya sa binata at saka pinipigilan ang kamay nitong patuloy na ginugulo ang kanyang buhok.  "This is what you get sweetie for being naughty," "Fine, I'm sorry,  but please stop doing that," utos niya sa binata.  "Okay, okay. Let's  go, your mom is waiting for that fermented fish sauce, and I'm going to help your dad fixing the cabinet," Nagpaalam sila sa matandang tindera at saka umalis na. Habang naglalakad sila ay nakahawak ang isang kamay ni Grey sa kanya niya habang ang isa naman ay hawak nito ang plastik na laman ng bagoong. Hindi niya maiwasan na mailang dahil sa kanila nakatingin ang mga tao. Tinignan niya si Grey at diretsong nakatingin lang ito sa dinadaanan nila na para bang wala itong pakialam kahit pagtinginan sila ng mga tao. "Why didn't  you reply to my message this morning?" biglang tanong ng binata. "H-huh, Ummm… I don't have load on my phone," pagsisinungaling niya. "Hmmm," sabi ng binata at tumingin sa kanya na para bang nagdududa kung totoo ang kanyang sinabi.  "Next time, I will reply your text messages," sabi niya at saka nginitian ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD