HABANG TINATAHAK nila ang daan papunta sa selda kung nasaan nakakulong si Luther ay hindi niya naiiwasang hindi tumingin sa mga lalaking nakakulung sa mga selda. Lahat sila ay tumitingin sa kanila at ang iba pa ay parang iba ang titig na ipinakita sa kanya. Kaya nilunok nalang niya ito at bumuntong hininga. Nang makarating sila sa main area kung saan may maraming mga lamesa at mga upuan ang nakikita niya ay pinahinto sila ng police officer at pinaupo sa isang bakanteng upuan. Tumango naman sila at dumako doon. Nang makaupo sila doon ay nilagay nila ang kanilang mga gamit sa kanilang tabi at saka tumingin sa kanilang paligid. The ambiance feels very turbid, it hurts his throat. The place looks very secluded but its sophisticated and clean. Not the kind of a common jail that he imagined.

