Snatch it

1253 Words
MAEVEE SALVARE POV DETERMINADO akong makukuha ko ito. Kani-kanina lang ang ganda-ganda ko sa salamin. Pero nang marinig ko ang sinabi ni Congressman, “I am sorry, Miss Salvare pero nakuha na ang kontrata. I appreciate your ideas, pero mas sustainable ang proposal ng isang company. I am really sorry pero malaking project kasi ito kaya hindi ko na agad naitawag na cancelled ang signing.” Those were the words I heard from him. Muntikan pa ako mawalan ng ulirat sa harap niya. Naiinis ako dahil ito na ang chance ko na maipakita na may maibubuga naman ako. But it seemed like I was fooled. Damn you, Cong! Inaksaya mo ang oras ko. What do I do now? Nasa tabi ako ng lalaking mukhang kagalang-galang. Of course, mukha siyang respetado, sa suot na suit, sa linis ng sapatos, sa linis niya manamit, even his hair looks so neat to me. Kahit ang kilos, ay mukhang hindi ordinaryong bisita sa building na ito. Pero ang tangkad niya habang ang kasama naman niya mukha yatang boss niya ito? I can sense it the way they stand together. The, could be a boss looks tidy too. Pero itong nasa gilid niya ay nakakuha sa atensiyon ko. Nagtetext ako sa phone ko. Kailangan ko makausap si Flynn Marie. Akala ko okay na ang usapan namin. She will have her cut of ten percent kung matutuloy ang project na kami ang magiging official security partner ng buong district. The memorandum states that a thirty years contract will provide a 24hrs security in the whole district. That’s a big sum of money sa totoo lang. Napa-angat ako ng tingin sa lalaki sa tabi ko nang kumuha ito ng panyo sa bulsa at nagtakip ng ilong. Naka-tatlong bahing lang naman siya. Napangiwi ako dahil kung kailan naman sarado ang elevator ay doon pa siya bumahing. Napa-paypay ako ng aking ilong dahil pwede kumalat ang virus nito. “Ah excuse me, Sir. Mind if you leave the elevator?” sabi ko rito. I know its rude to ask him, pero hello? Ang virus sa panahon ngayon ay mutant na. He threw a look at me with a teary eye. Gosh this must have been hard to control sneezing. Hindi niya ako pinansin. Again, I talk to him, “Sir mind if you leave the elevator?” “What?” he asked with a disgusted voice. “Sabi ko lumabas kayo ng elevator. Bakit ka bahing ng bahing?” tanong ko sa kaniya sa naiirita na rin na boses. “And who are you?” he asked me as he wipes the hankie to his nose. Naningkit ang mga mata niya. I can even smell his scent. Ang bango naman nito, gosh ayoko tigilan na amuyin. “Me? Oh! Ang virus mo huwag mo ikakalat,” usal ko na napaikot ang mga mata sa kaniya sabayang pa ng nguso kong hindi mapirme kapag naiinis. He didn’t say a word at tiningnan lang ako ng supladong ‘to. Kahit gwapo ka hindi pa rin oobra ‘yang tingin mo sa’kin. Nagsasalita ako sa isip ko pero halatang bakas na sa mukha ko ang pagka-irita. “Ano? Tatayo ka lang diyan?” sabi ko pa rito na tila hindi ako narinig. Nauubos ang pasensiya ko ngayon lalo at palpak ang unang mission ko. Sa halip ay kumuha ako ng panyo at itinakip ko sa ilong ko. I like his scent pero ayoko magkasakit. Hindi na ulit ako nagsalita at hindi na rin siya nagsalita. NAGDADABOG akong naglapag ng gamit sa sasakyan. “Easy! Mukhang mainit ang ulo.” Sabi ni Grey na driver ko. Pero maliban diyan ay kasama ko siya sa opisina. “Abort mission,” sabi ko pa at nagtapon ng tingin sa labas. I saw that man from the elevator got in a car. “Uy! Kilala mo ba ‘yan?” tanong ko kay Grey. “Saan?” Halata naman na kung saan-saan siya nakatingin at hind isa lalaking tinuro ko. “Ayon oh! Ayan dadaan sila,” sabi ko dahil paalis na ang sasakyan. “Bakit? Anong meron?” “Wala!” ang mukha kong hindi na naman kaya magpinta. “Wala?” tanong nito. “Wala nga! Ihatid mo na lang muna ako sa opisina. Kailangan ko pa magpaliwanag kay madam.” Sabi ko pa kay Grey. “Ay! Mukhang hindi mo nakuha.” Sabi nito. “Nag-aasar ka? Gusto mo mauna ka na masisante eh,” gigil kong sabi. “Easy! Mainit ang ulo mo. Anong nangyari na hindi natuloy? Ginalit mo ba si Cong?” natatawa niyang sabi kung saan mas lalo kumulo ang dugo ko. “Hindi ko nakuha!” usal ko pa. “At bakit?” “I don’t know! Baka mas magaling maggayuma ang kalaban.” I rolled my eyes in disgust. I coulndt fail once more. Ito lang ang paraan na alam ko para makakuha ng control sa site. “Paano ngayon ‘yan? Kailangan ni Madam ang project na ‘yan para sa susunod na missions. Paano tayo kikilos?” tanong ni Grey. “Pwede ba? I need time to think, Grey.” “Okay fine! Ang tungkol ng apala doon sa tinatanong mo kanina?” “Ano naman?” pa-singhal kong sambit. “Easy! Masyado ka na naman galit. Tingnan mo mukha mo, para kang pinutakti ng kamalasan.” “Talagang malas. Sa halip na kikilos tayo sa legal na paraan, mapipilitan na naman tayo kumuha ng gagawa ng iligal. Paano ‘yan?” I am worried about the incoming operations. Mukhang ma-cripple na naman ang chances ko nito na umusad. “Saan tayo?” tanong ni Grey. “Sa office na muna. Magpapaliwanag ako sa kapalpakan ko,” sabi ko rito. Grey drove to the thirty-floor tower. I work in here. Pero mag-iisang buwan pa lang since I returned. Diretso ako sa opisina ni Madam Purple. Purple is how we call her dahil nag-asawa ito ng Irish na Purple ang apelido. I balled my fist before I opened the two-door office. Bumungad agad sa akin ang usok na kita ko sa may bintana. Again she’s been blowing out smoke. Stressed siya kapag ganito at tiyak ako ang mapupuruhan dahil sa akin ipinagkatiwala. “You got bad news, Hija?” her voice reminds me of no talking. Napapikit ako dahil hindi ako handa na makita ang mukha niya sa ganitong estado. I made a mistake at malaking bagay namakukua namin ang proyekto. “Did you know how much I invested para mapapayag si Congressman?” she started the talking and I have to stand here an listen. “Maevee minsan kailangan mo matuto umagaw kung nasa iba na,” she is literally insane talking this way. Nakatalikod pa rin at walang humpay ang pagbubuga niya ng usok sa bunganga. “Madam Purple,” sabi ko pa. I need to talk straight dahil baka masigawan ako at palabasin. “A soft heart will never survive in this cruel world full of greedy people,” she said. “Madam nahuli ako,” sabi ko pa. “Nahuli ka? Naunahan ka ni Ortega.” Nagising ang diwa ko sa sinambit niyang pangalan. This name is so huge in the engineering industry. I have read a lot about this family. And I heard too that they have a son at ito lang ang magmamana ng lahat ng Negosyo. “Since Ortega got it. I want you to go there and take it by hook or by crook,” ito ang nakapanindig balahibo niyang utos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD