MSTA 5

1436 Words
ERIN'S POV Naglalakad ako dito sa club house ng South Ridge Village. Hindi naman na ako taga-rito pero andito ako ngayon. Wala kasi akong magawa sa condo. Isa pa, masyadong tahimik doon. Unlike dito sa village. Na-miss ko lang ang hangin dito sa south ridge. Naglakad-lakad pa ako habang nanonood sa mga batang naglalaro kasama ang ibang yaya nila. Karamihan naman ay ang mga magulang nila. Busy ako sa panonood ng hindi ko napanasing may nabunggo na pala ako. Agad ko naman siyang tinulungan sa pagtayo. "Ate ganda?" natutuwang sambit niya habang nakatingin sa akin. "Jariah..." nakangiting sambit ko sa kaniya at umupo para magpantay kami. "Ate ganda, ikaw nga!" Nagulat ako ng yakapin niya ako. Kaya naman napayakap na rin ako sa kaniya. She's so sweet. Kaya nakaramdam ako ng guilt sa dibdib ko. Dahil alam ko sa sarili ko na, maaring masira ang pamilya ni Jariah dahil lang sakin. "Kamusta ka na, Jariah?" tanong ko sa kaniya. "Im fine, Ate ganda!" nakangiting sagot niya. Umupo kami sa pinakamalapit na bench at doon kami nagkwentuhan. "Maagang umalis si Daddy, narinig ko silang nagsisigawan ni Mommy kagabi," malungkot na sabi niya. Naawa ako bigla sa sinambit niya. Nag-aaway ang magulang niya sa harap niya? Paano nila nagagawa iyon? Dapat sila ang maging magandang modelo sa anak nila. "Baka may problema lang sila na di nagkaunawaan. Magkakabati rin sila, kaya huwag mo na silang alalahanin pa," nakangiti kong tugon sa kaniya. "Talaga, Ate ganda?" Ngumiti lang ako bilang sagot sa kaniya. Masaya kaming nagkwentuhan ni Jariah ng may marinig kaming isang sigaw. "JARIAH!" Parang isang takot na takot na bata siyang tumayo. Napataas ang kilay ko ng makita ko si Nadia na papalapit sa amin. "ANONG GINAGAWA MO SA ANAK KO?" galit na tanong niya at agad na hinablot si Jariah. "Nasasaktan ang bata, Nadia!" apila ko ng hilahin niya si Jariah na para bang hindi ito tao. "WALA KANG PAKIALAM! SHE'S MY DAUGHTER! AT IKAW NA BATA KA! BAKIT KAUSAP MO TONG BABAENG TO?! ANONG SINABI NIYA SAYO?!" sigaw niya. "Ganiyan ka ba ka-paranoid ha?" nakataas kilay na tanong ko sa kaniya. "Ayokong lalapit ka sa babaeng to, Jariah! Naiintindihan mo ba?!" sigaw ni Nadia sa bata. "Pero Mommy, mabait po si ate Ganda—" "AT TALAGANG SASAGOT KA PANG BATA KA?! GANIYAN BA ANG TINURO SAYO NG BABAENG TO?!" sabi ni Nadia at agad niyang pinalo si Jariah. "Nadia! Nasasaktan ang bata—" "MANAHIMIK KA! WALA KANG PAKIALAM SA GUSTO KONG GAWIN SA ANAK KO!" sigaw niya. Kinaladkad niya si Jariah papasok ng kotse niya. Isang malalim na paghinga ang nagawa ko habang pinagmamasdan ang kawawang bata. Kawawa naman si Jariah. Ano bang pumasok sa kokote ni Nadia at sinasaktan niya ng ganon si Jariah? ***** "Hoy! Yung totoo? Kanina pa ko nagsasalita rito pero nakatulala ka lang diyan!" Nagbalik ako sa reyalidad ng magsalita si Sabbey sa akin. "Sorry..." "Ano bang iniisip mo? Don't tell me si Syd na naman ang laman ng utak mo?" tanong niya. "Nope..." "Eh kung hindi siya sino aber?" tanong niya ulit. Huminga ako ng malalim bago muking nagsalita. "Si Jariah..." Nakita ko ang nakataas na kilay ni Sab habang nakatingin sa akin. "Sinasaktan siya ni Nadia. Hindi ako mapakali dahil baka kung ano ang gawin niya sa bata," sabi ko habang iniisip ang nangyari kanina. "Alam mo, Girl. Mahirap yan eh. Kahit anong gawin mo, nanay niya ay impakta. Talo ka kahit sa korte ka pa humarap dahil mas papanigan nila ang ina kesa sayo," sabi niya pa. "Anong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya. "Ganito lang yan, girl. Layuan mo si Jariah. Dahil for sure galit si Nadia sa kaniya dahil sayo," sabi niya pa. She's right. Wala akong magagawa dahil anak ni Nadia si Jariah. Pero may magagawa ako para matigil ang pananakit niya sa bata! "Hoy saan ka pupunta?" Hindi ko pinansin si Sab at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko alintana ang ingay ng paligid. Kailangan kong makausap si Syd. Kailangan kong sabihin ang lahat ng pananakit ni Nadia sa anak niya kanina. Palabas na ko ng makasalubong ko si Gonzalo. Kasama niya si Syd. "Oy mareng Erin! Kamusta? Nagmamadali ka ata?" tanong ni Gonzalo sa akin. Napatingin agad ako kay Syd na nakatingin din sa akin. "Syd..." ***** "Totoo ba ang sinabi mo?" tanong ni Syd. "Tanungin mo ang anak mo Syd. Pati na rin ang yaya ni Jariah. Nang malaman mo na totoo ang sinasabi ko," sabi ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin. Iyon ang huling pag-uusap namin bago siya lumabas ng starry. "So sa tingin mo magbabago ang pagtingin ni Syd sayo?" nakataas kilay na tanong ni Sabbey sa akin. "Pwede ba, Sab. Concerned ako kay Jariah. Wag mong bigyan ng motibo ang pagsumbong ko kay Syd," sabi ko sa kaniya at tinarayan siya. "Eh kasi naman, Erin! Tigil na! Hayaan mo na ang pamilya ni Syd! Huwag ka nang makialam pa sa kanila." Hindi ko siya pinansin. Hindi niya ko maiintindihan kahit anong sabihin ko. Hindi ako naasa kay Syd. Gusto ko lang ma-protektahan ang bata. Umupo ako sa counter bar at uminom. Ano kayang gagawin ni Syd sa asawa niya? Ilang oras ang lumipas. Nanatili akong andito sa starry. Wala naman akong pinagkakaabalahang iba. Kaya naman ako na ang mag-aasikaso rito. "Here we go again..." Napatingin ako kay Sab habang nakatingin siya sa entrance ng Starry. Tumingin ako sa gawi niya and I saw Nadia na sobrang samang tingin sa akin. Papalapit siya sa kinaroroonan ko. "At ang kapaltalaga ng pagmumukha mo paraisumbong kay Syd ang nangyari?!" galit na bungad niya sa akin. Umayos ako ng tayo at hinarap siya. "Kung matino kang ina, sa tingin mo mangyayari to?" mataray na tanong ko sa kaniya. "Tigilan mo ko sa pagganiyan mo, Erin! Alam naman natin na hindi ka pa rin nakaka-move on kay Syd! Kaya sinisiraan mo ko sa asawa ko!" Biglang nag-iba ang expression ng mujha niya at ngumisi. Baliw. "Bakit, Erin? Don't tell me, naasa ka pa rin na babalikan ka pa ni Syd? Ngayon masaya na kaming pamilya? Eh hindi mo nga siya mabigyan ng anak! Kaya pati anak ko, gusto mo ring agawin!" Hindi ko alam kung ano talaga ang pinupunto niya. Napakagulo niyang kausap. Kanina si Syd. Tapos ngayon pati si Jariah? "Alam mo, Nadia. Hindi ako napatol sa may sira ang utak eh. Sorry ah?" sabi ko bago siya nilagpasan. "Di pa tayo tapos! Wag kang bastos!" sigaw niya at naramdaman ko ang paghila niya sa buhok ko. Kinaladkad niya ko sa may table. Binitawan naman niya ako kaya napa-upo ako sa sofa. Sa sobrang gigil ko sa kaniya, tumayo ako at binigyan siya ng isang malakas na sampal. "I told you, hindi ako napatol sa may sira ang utak. Perokung ikaw mismo ang naghahanap ng gulo. Hindi kita uurungan," matapang na sabi ko sa kaniya habang siya nakahawak pa rin sa kabilang pisngi niya. "At talagang ako pa, Erin? Sino ba ang dikit nang dikit sa asawa ko para akitin siya? Hindi ba't ikaw? Pati ang anak ko inaagaw mo para mapunta sayo ang asawa ko! Kasi nga, MALANDI KA! PATI SI NICHOLAI PINATULAN MO! O BAKA NAMAN PATI SI GONZALO INAAKIT MO—" Sa sobrang gigil ko, hindi ako nakapagtimpi at sinampal ko siya ng sobrang lakas dahilan para tumilapon siya sa sahig. "HUWAG NA HUWAG MO IPAPASA SAKIN LAHAT NG KAPUNYETAHAN MO SA BUHAY, NADIA. MATAGAL NA KONG NAGTITIMPI SAYONG GAGA KA! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT! HINDI KA PA BAYAD SA LAHAT NG KASALANAN MO SAKIN!" sigaw ko sa kaniya at hinablot ang buhok niya. Kinaladkad ko siya papalabas ng Starry hub. Pero di pa kami nakakarating sa mismong parking lot ng makasalubong namin si Syd. Inihagis ko sa kaniya si Nadia. Naalala ko bigla ang lahat ng kagaguhan nila sa akin. "What's happening?" tanong ni Syd at inayos si Nadia. "She hurt me, Honey!" Naka-cross arm akong nakatingin sa kanila habang nakataas ang isang kilay ko. "Oo, sinampal ko yang asawa mo. Kaya pwede ba, Syd? Pakitali yang asawa mo? Baka kung ano pa ang magawa ko. Madilim na dito sa starry, lalong nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita ko yan..." Lumapit pa ako sa kaniya. Nakayakap siya kay Syd na animo'y inaaping bata. "Ayokong nakikita ang pagmumukha mo dito, Nadia. Please. Iiwas mo sakin ang sarili mo. Baka hindi ako makapagtimpi sa susunod," sabi ko pa. Paalis na ko pero huminto ako ulit. "Iyong-iyo na yang si Syd. Hindi ko ugaling bawiin ang pinaglumaan ko na." Tuluyan na akong pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD