Pagkatapos tumakbo ni Paola palayo ay sinundan siya ni Rainer. Umabot ang paa niya sa isang tulay at nang tatalon na siya ay pinigilan muli siya nito. "Paola, babe! Stop! Maghunus-dili ka! Hindi pa huli ang lahat!" "Anong hindi pa huli? Sirang-sira na ang pagkatao ko! Akala ko, malalagpasan ko na yung scandal. Ano na lang ang ihaharap ko sa trabaho? Nasa hospital pa si Mommy at nagpapagaling! Paano na lang kung malaman nila ang balitang confirmed na ako nga ang nasa video na iyon?" pag-iyak ni Paola habang nakatayo na siya sa bakod ng tulay. "Oo! Alam ko, babe, pero hindi iyan ang solusyon! Malalagpasan mo rin iyan, babe! Please, huminahon ka! Alalahanin mo ang kapatid mong si Fatima!" sambit din ni Rainer. "Matagal nang wala si Fatima!" gigil na iyak ni Paola. "I've researched about

