Chap. 1

1378 Words
"Ilan taon po kayo, manong?" "55." "Hubad na po kayo ng pantalon ninyo at pakikuha itong puting kumot para pantakip. Kunin ko lang ho ang catheter. Okay lang ho ba iyon?" "Yes. Ang ganda-ganda mo, ineng!" Biglang nabuwisit ang dalaga dahil kulang na lang ay tumulo ang laway ng matanda. Ito'y si Paola, 26 taong gulang na mestisang nurse. Maputi, matangkad, makapal ang labi, matangos ang ilong, at di mawalan ng makeup kahit on-duty. Madalas pang hindi nagsusuot ng stocking dahil doon siya komportable. Kaya sumisilaw ang kanyang maputi, makinis, at mahabang binti sa kada pasyenteng naaasikaso niya. Sa sobrang saksakan niya ng s*x appeal ay madalas siyang pagkamalang kahawig ng artistang si Arci Muñoz. Pagkapunta niya sa kabilang kuwarto ay naroon ang isa pa niyang matalik na kaibigang nurse. Si Halle Farut, isang half pinay-half German. "Nasaan yung catheter tube? Letse! Naghihintay na yung matanda roon, Halle." "Why, Paola, sino ang pasyente?" "Basta matanda! Ewan ko! Ayun, nahanap ko na! Sige na, bes." Sabay layas ni Paola at patakbong bumalik doon sa kabilang kuwarto kung saan siya nanggaling. Naghihintay na ang matandang lalaking pasyente. Paglapit niya rito . . . "Lolo, nakapaghubad na po ba kayo ng pantalon at brief para isaksak ko na itong tube?" "Oo, ineng! Ready na si kumander!" "Ah! Sundalo pala kayo. Kaya pala parang nasabugan kayo sa mukha," plastic na pasaring ng dalaga. Pagkalapit na pagkalapit niya rito at pagkatanggal ng puting tela ay mas lalo siyang naimbyerna nang makita niyang nakatayo ang manoy nito. "Hay, naku! Punyetang matanda ka! Sa ganyang edad, tinitigasan ka pa ring hayop ka?" bulong ni Paola at kausap ang sarili. Ngumiti naman ang matanda. "Ano iyon, ineng? Parang may sinasabi ka. Kan ay pakyu in da boobs?" Di na ito pinansin ni Paola at lumabas na. Naabutan niya pa ang best friend niyang lalaki na nurse din, si Clit Torres. Sila ang mga magkakaibigan doong tatlo sa hospital. Siya, si Halle Farut, at si Clit Torres. Aminado naman siyang kaya niya sila kinaibigan ay dahil gusto niyang siya lang sa kanilang tatlo ang hindi mapanghi ang pangalan. "Oh! Bakit ganyan ang mukha mo, Paola?" "Clit! Bilhan mo nga ako ng ice! Nauubos ang oras ko dahil sa matandang pasyenteng iyon!" Sumunod naman si Clit. Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Clit na may dalang isang pack ng ice. Patakbong bumalik si Paola sa matandang pasyente dala-dala ang nabiling yelo. Inilagay niya iyon sa garapon at kumuha ng kapiraso para iloob sa hot and cold compress. Ipinahid niya ito agad-agad sa ari ng matanda para lumambot at masaksakan na niya ito ng catheter. Habang pinapahid niya ito sa manoy ay iritang-irita siya dahil grabe makatingin ang manyak na lolo, tila hinuhubaran siya nito at hindi pa rin ito nilalambutan. "Lolo, pwedeng huwag kayong tumingin sa akin, please? Baka rayumahin kayo?" iritang suhestiyon ni Paola. Bigla na lang pumikit ang matandang pasyente na ikinatuwa ni Paola dahil parang magic na lumambot ang ari nito kaya dali-dali na niyang kinuha ang tube ng catheter. Ngunit nang isasaksak muli niya ito sa ari ng matanda ay nagulat ito dahil tumigas na naman ang ari nito. "Walanghiya! Nauubos ang oras ko!" Muntikan na siyang mapasigaw ng pagkaharap niya roon sa mukha ng matanda dahil nakatingin muli ito sa kanya na parang jumpscare sa horror movie. Parang mga ngiti ng giants sa Attack of the Titans. "Pakshet! Di ba, Lolo, sabi ko sa inyo, 'wag n'yo ako titigan nang ganyan!" paglalambing ulit ni Paola. Nag-headturn ang matanda na ikinagalak na naman ni Paola dahil lumambot na naman ang manoy nito. Inihanda na naman ni Paola ipasok ang tube ng catheter sa ari nito. Ngunit nang isasaksak na naman niya ito ay nagulat siyang tumigas na naman ito na sumampal sa mukha niya habang hawak-hawak ang tube ng catheter. Na-cockslap siya nang di-oras. Pakiramdam niya ay na-infest ng bacteria ang pisngi niya dahil sa napakarumi at kulu-kulobot na ari ng matandang pasyente. "'Nyeta!" Napasigaw si Paola nang makita niyang nakaharap muli sa kanya ang matandang pasyente. "Kaya pala nanigas ulit!" timping-timpi na sabi ni Paola sa sarili kaya siya na ang tumayo para mag-assist na paharapin ang ulo ng matanda sa salungat niyang puwesto. Umupo na naman siya at gigil na gigil na. "Huling-huli na 'to, tangina! Nauubos ang oras at pasensya ko sa iyo! Dinedemonyo na ako!" bulong niya sa sarili dahil paulit-ulit na lang ang nangyayari. Tiningnan niya nang mabuti ang matanda kung haharap ulit ito sa kanya. "Lolo, pag-isipan n'yo itong sasabihin ko, ha! Nakaka-isang oras na tayo rito at hindi ko pa rin masaksakan ng catheter ang kargada n'yo dahil tinitigasan kayo tuwing humaharap kayo sa akin at di tayo matapos-tapos. Huwag n'yong pagsisihan kung mawawala nang di-oras iyang anacondang nakakakabit sa inyo. Please cooperate ho para matapos na!" "Okay, magandang dalagang pilipina, hehehe!" Habang kinakalikot na ni Paola ang ari nito ay pinagmamasdan niya ang matanda kung nanakawan na naman siya nito ng tingin. Pagkaharap ng pasaway na matanda sa kanya, tila may sapi ang dalaga at hinampas ang malaking yelo sa p*********i nito sabay kinuha ang surgical scissor at pinutol sabay tumalsik ang madaming dugo. Di naramdaman ng matanda ang sakit dahil sa ice. Nagulat na lang sina Halle at Clit nang makita nilang tinatakbo na ni Paola ang matandang pasyente sa ER. "s**t, beshie! Ano'ng nangyari!" pag-alala ni Halle. "Sis! Inatake ng Alzheimer's yung matandang pasyente ko at pinutol ang sarili niyang ari!" pagsisinungaling niya. "Ang sakit n'on! Ouch!" biro ni Clit. "Sige na, mga bes. Off-duty na ako. Pakibalitaan lang ako sa matandang iyon kung ano'ng nangyari!" nakangiting demonyong sabi ni Paola. Nang mag-punch siya para sa kanyang attendance ay nakatingin sa kanya ang receptionist na si Arren nang kakaiba. Pagkarating niya sa bahay ay pagod na siya. Diretso siya paakyat sa hagdanan at pagpasok sa loob ng kuwarto ay ibinagsak ang pagod na katawan sa kama. Bigla na lang siyang umiyak dahil mag-isa na lang siya roon. Ikinasal na kasi ang bff niyang si KC, at yung kapatid naman nitong lalaki na napamahal na sa kanya na si Romel ay nasa America na dahil scholar doon. Ano nga ba ang mayroon kay Paola kumpara sa tatlong Fancy Girls?   Paola PoV   Ako si Paola, half pinay at half Persian kaya Tisay tawag sa akin. Medyo kilala ang background ko sa Pinas dahil sikat na sikat yung Mama ko noong kapanahunan niya dahil isa siyang beteranang artista. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang magpakasal siya sa tatay kong Persian na si Abdul Salsalani. Doon sila nanirahan sa Iran at doon ako ipinanganak. Biniyayaan ako ng isang bunsong kapatid na babae na si Fatima. Naging magulo ang pakikisama ko sa pamilya ko dahil ang tatay ko ay muslim habang ang nanay ko naman ay kristiyano. Pero nagmamahalan naman sila nang matindi. Feeling molested na nga ang mga mata ko noong bata ako dahil nagto-torjak-an na sila harap-harapan sa aming magkapatid. Ganoon nila kamahal ang isa't isa. There was nothing that could break them apart when they f**k. Even their kids. Nakakabuwisit lang na nagpapatagisan sila ng relihiyon kaya pride ang pinaiiral nila kaya kinakailangan pa naming pumili pag-abot ng 18 years old. Napapansin ko rin sa kanila, hindi nga sila salungat ng relihiyon kahit magkaiba pero hindi sila sang-ayon sa mga sekta na iba sa kanila; gaya na lang ni Papa. Tuwing may makilala siyang shia muslim, ayaw niya ang turo nito. Ganoon din kay Mama. Kapag may makita siyang INC na kristiyano ay salungat siya at pareho din ng rason nila ni Papa. Kaya mas minarapat namin ng kapatid ko na huwag pumili sa relihiyon nila. Si Fatima ay mas pinili niya ang relihiyon na Mormon. Dahil parang remix daw ito ng Muslim at Kristiyano. Ako naman ay nanatiling athiest o walang relihiyon. May mga tinangka akong pasukin na mga relihiyon; gaya ng Beyoncé religion. I'm still practicing my illuminati religion kaya naman ang dilim-dilim ng kuwarto ko at madalas akong manood ng brutal movies. Rakista rin ako sa gabi dahil metalhead ako. Pero may kaisa-isa akong sikretong hindi pa alam ng Fancy Girls. Aminado akong ako ang wala pa ring asawa, pero ang totoo ay ako ang pinakauna sa kanilang nagkaroon ng anak. I am a single parent. Di lang halata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD