Izrael PoV Sinubukan ko silang iwan na dalawa na parang wala lang. Dinig na dinig ko ang paghagulgol ng mahal na mahal kong babae habang kinakalma at yakap yakap siya ng aking anak. Napakahirap na desisyong iwan ko na nagkakaganoon ang mag-ina ko. Iyong parang habang lumalayo ako sa kanila ay para hinihila nila ako pabalik at inaangkin ako nang buo. Parang nilalatigo ako ng emosyon. Hindi alam ni Paola kung gaano ko siya kamahal ngayon. Palaban siya. Hindi siya sumusuko kahit ipinamumukha ko na sa kanya na ginagago ko na siya. I made her life worthless. Tama nga siya. Pusong bato ako. Para akong isang malaking sumpa sa buhay niya. Ako ang dahilan kung bakit siya naging disgrasyada sa mata ng ibang tao. Tapos ngayon naman ay napatunayang marumi siyang babae dahil sa s*x video scandal na

