Chapter Three

2000 Words
                                                                              Ang Hacienda Hidalgo Sa huling pagkakataon ay inayos ko ang mantel na nakalatag sa damuhan. I looked at the food I made. I'm sure he'll be delighted to see everything I've prepared. I have been patiently waiting for him to come.  Napatingin ako sa paligid. I sighed in contentment because this is the life I've been wanting to have ever since, a simple life. I didn't even know why we ended up living in the countryside, but I'm happy, really.  Kaiba ang buhay dito kumpara sa siyudad. Here, the air is clean. The people are very nice too dahil wala kaming tsismosang kapitbahay na nagngangalang Marites.  "Dolores!".  I turned my head to the voice that called my name. I instantly smiled when I saw a figure walking towards me.  I waved my hand. He waved his hand too. I can't see his face yet but I bet he's smiling so wide now, like me. This is what happens when you're in love with someone, you just can't stop smiling with the sight of them. He walked closer and closer. But as he was getting nearer, his face was getting blurry.  My forehead creased. Bakit ganoon? Bakit wala siyang mukha?  In my mind I was trying to remember what he looks like, my husband. But I can't seem to do it. I don't know his face. I started to panic. Bakit ganoon?  Kinusot ko ang mga mata ko. I think I'm just having problems with my eyes but when I opened them again, there was no one. He was gone. My husband was gone. He disappeared in the fields.  Inikot ko ang paningin ko but there left no traces of him.  I started having uncomfortable pain in my chest after. It was like my heart was getting torn apart pieces by pieces. I screamed but there was no voice coming out of my mouth. I screamed again, still nothing.  Until I felt someone shaking me.  “Miss, gumising po kayo, nananaginip po kayo”.  Wala sa huwisyong napabangon ako. Napangiwi pa ako dahil sa sakit na sumigit sa ulo ko. Niyeta, nag-inom ba ako? Para akong lumaklak ng sangkatutak na alak, shutangina.  “Miss, okay lang po ba kayo?”.   Napalingon ako sa binatang nasa tabi ko. Napakunot ako ng noo pagkakita sa kanya. Hindi ko siya kilala, never ko pa siyang nakita sa buong buhay ko. Teka, nasan ba ang asawa ko? Nasaan ba si Timothy? “Nasaan ang asawa ko?”. Tanong ko sa kanya.  While waiting for his answer, I had the chance to look around. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko when I saw where I am.  Putangina. Hindi ito ang honeymoon place namin ni Tim.  “Wala po kayong kasama kaninang natagpuan ka namin. Hindi ko po alam kung nasaan ang asawa niyo”. He answered pero hindi ko pinansin ang sinabi ni totoy na mukhang magtatanim sa sakahan. Ang pormahan niya kasi parang sa mga magsasaka. But that’s not important right now.  What am I doing in this weird place? Para itong kubo at ang lahat ay gawa sa kahoy. Natatanaw ko rin sa bintana ang nakapaligid sa amin. It’s a field, a f*****g rice field.  Patakbo akong lumapit sa bintana to see the surroundings clearly. f**k! Wala yata ako sa La Union. Dapat nasa beach kami ngayon ni Tim. That’s for our honeymoon.  Pinag-isipan talaga naming mabuti kung saan namin gagawin ang unang gabi namin bilang mag-asawa. We want our first night to be a special one. First night as husband and wife, kasi naman hindi naman na ako virgin at mas lalong hindi siya. But regardless, we still want to believe it was both our first.  Napili namin ang La Union. Ang sabi ko kasi sa kanya gusto kong matutong magsurf, natatawa pa siya sa akin kasi daw para akong tanga, biglang gustong matuto, siya na lang daw magsurf sa akin. Syempre, kinilig naman ako, feeling virgin talaga. Pumayag naman siya pagkatapos ng madaming pang-aasar at kasatan. He said he also wanted our first night to be somewhere at a beach.  We wanted to try skinny dipping and we planned to f**k our brains out in the waters. That was one of my secret fantasies. Gusto ka talaga sa tubig, because someone told me that the waves adds to the intensity of f*****g. I just wanted to know if that was true. Pero kahit naman yata wala ako sa tubig, kahit nasa bukirin pa na nasa harap ko ngayon, I’ll enjoy the lovemaking with Timothy. I will always do.  Bumalik ako sa realidad. It’s clear that I’m nowhere near the beach. I don’t think I am even in La Union. So where the f**k am I? Napahawak ako sa ulo ko na mas lalong sumakit.  Tiningnan ko ang totoy na inosenteng nakatingin sa akin at may bakas ng pag-aalala sa mukha.  “N-nasaan ako?”. Tanong ko sa kanya.    Tipid itong ngumiti, more like ngiwi siguro. “Nasa Hacienda Hidalgo po kayo Miss’. Hacienda Hidalgo? Where the f**k is that? Habang takang taka ay napatingin ako sa isang maliit na salamin na nakasabit malapit sa bintana nitong kubo. I saw my reflection at tangina mukha akong namamalimos. My hair was disheveled, I had dirt in my face and I looked like s**t.  Lumayo ako ng konti upang mapagmasdan ang buong ako. That’s when I saw my dream wedding dress, but at the bottom part, it was ripped. It doesn’t even look like my fancy wedding dress anymore. It also had dirt on it, ewan, parang grasa ganon. I looked down at my feet and they were dirty. In short, para akong naglagalag sa kung saan,  And like a f*****g storm, all of those memories before I got here in this weird place came crashing down at me. I was ditched in my own wedding. I was left without an explanation and I went somewhere, Barrio Isadora to be exact, to find answers. I wandered and wandered. I saw him, my Tim but he didn’t even look back when I was calling for him. I ran and ran until I almost got hit and I blacked out.  I was expecting a honeymoon, kahit wala naman pala. Walang La Union, walang surfing, walang skinny dipping at walang f*****g sa tubig. Hindi ko na masusuot iyong lingerie para sa finals night. Kasi putangina, wala namang kasal na nangyari, wala akong asawa, ganon pa rin ang apelyido ko.  “PUTANGINA”.  Gulat na napatingin sa akin si Totoy. Parang ngayon lang siya nakarinig ng taong nagmumura, pero wala naman na akong pakialam.  “Putangina, gutom na ako”.  Napaupo ako sa lapag. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at gutom. All I cared about was the pain and the answers that I needed to seek. Ngayon, alam ko na ang feeling ng maging pulubi sa kalye. Taragis na Timothy, sana kung nasaan man siya ngayon at sigurado akong nasa Isadora siya, sana makagat siya ng langgam sa bayag hanggang mangati at mamaga.  “May pagkain pong inihanda si Nanay para sa piging, kung gusto niyo po ay dadalhan ko kayo”.  Hindi ko muna iisipin kung nasaang lupalop ng mundo itong Hacienda Hidalgo at kung nasa Isadora pa ba ako o wala na.I need to fill my stomach with whatever food.  Halos nanginginig na ang kalamnan ko sa gutom, idagdag pang nahihilo pa ako dahil sa pagkahimatay kanina.  “Sige, dagdagan mo ah. Dalawang araw na yata akong di nakain, Toy”.  May awa na dumaan sa mga mata niya. Gusto ko iyon, maawa sila sa akin. Kung iyong iba ayaw ng kinakaawaan, me, I desperately need someone to take pity of me. I figured out I can use that as an advantage here, a place I am unfamiliar with. Maybe some people here can also help me find my boyfriend.  “Okay lang po ba Miss na maiwan kayo dito sandali?”.  Natuwa ako kasi ang galang ni Totoy pero napaisip ako sa sinabi niya, ako lang mag-isa dito at sa ngayon itong binata lang ang mapagkakatiwalaan ko sa buhay ko. Malay ko ba kung may biglang pumasok sa kubo at pinagsamantalahan ako. Yes, I am paranoid but you can’t blame me, iniwanan nga ako sa altar ng lalaking akala ko ay mapapangasawa ko na.  “Sama na lang ako Toy”. Aya ko sa kanya.  Ngumiti siya sa akin at tumango. Bumaba kami sa kubo at mas nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan ang paligid namin. Patakip silim na and I can see a few farmers with their kalabaws. They look like they are going home.  “Malayo ba iyong kakainan natin?”. Tanong ko sa kanya para may mapag-usapan naman kami.   “Hindi naman po Miss atsaka sasakay po tayo doon sa kalabaw ko para hindi kayo mapagod”.  I started to panic inside. This will be the first time I’ll ride a kalabaw. I got scared for awhile pero naisip ko na di naman dapat ako mag-inarte pa. Gutom na ako, and at this point, kahit sumakay pa ako ng kung ano, tatanggapin ko. Beggars can’t be choosers, I reminded myself.  Sa hindi kalayuan ay may nakita akong kalabaw. Kumakain ito ng damo. Nagsimula na naman akong manginig, magkasamang gutom at kaba. Paano kapag nahulog ako doon?  I sighed deeply. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Totoy. At ano ba kung mahulog ako? Ilang bali lang naman sa katawan ang aabutin ko. I mentally grimaced at that thought. “Anong pangalan mo Toy?”.  “Ruis po”. Sagot niya habang inaalalayan ang kalabaw.  “Ako naman si Dolores, pero pwede mo akong tawaging Lor”. Pakilala ko. Tumango lang siya sa akin habang nakangiti.  Hindi naman ako nahirapan umakyat sa hayop na sasakyan namin. Gentleman itong si Ruis, hindi niya ako hinayaang mahirapan. Sana lahat ng lalaki gaya niya.  “Kumapit po kayo ng maayos Miss Lor”. Sabi niya. Nakatagilid akong nakaupo sa likod ng kalabaw habang si Ruis naman ang nasa harapan at nagmamaniobra. Sinunod ko siya at kumapit ako sa mga balikat niya. “Ruis, nasa Isadora pa ba ako?”. Tanong ko habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin.  “Opo Mam. Ito pong nilalakaran natin ay parte pa rin ng Isadora”. Magalang niyang sagot.  “Eh ano iyong Hacienda Hidalgo?”. Kuryoso kong tanong.  “Ito din po iyon. Bali, ang Hacienda po ay parte ng Isadora”.  Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita. In my mind, I was thinking of how I’m gonna survive in a place unknown to me. Isadora man o Hidalgo, pareho silang hindi pamilyar sa akin. Napaisip din ako kung kumusta na si Lex at ang mga naiwan ko sa Maynila. Hinahanap na kaya ako ng pamilya ko? Galit pa ba sila sa akin?  Tila yata mas lalong nadagdagan ang mga palaisipan ko. I sighed. Mukhang narinig ni Ruis ang buntong hininga ko kaya napatigil siya. He looked back at me.  “May problema po ba Miss? Nahihirapan po ba kayo?”.  Gusto kong sagutin na oo, may problema ako, oo nahihirapan ako, higit pa sa kung anong tingin ni Ruis na problema ko. Hindi ang kalabaw o ang lubak lubak na daanan ang nasa isip ko, kundi ang ngayon at ang mga susunod pang araw. I wanted to shout in frustration but I don’t have the energy for that. I just wanna eat right now and somehow forget everything that has happened.  “Huwag mo akong isipin”. Ngumiti ako ng pilit.  “Wala na bang ibibilis tong kalabaw mo Ruis? Baka after 10,000 years pa ako makakain”. Biro ko para naman gumaan gaan ang atmosphere sa aming dalawa.  But he didn’t laugh. He probably knows the real deal with me. Ruis did not ask any further. We just kept silent, but at that moment, deep inside I wanted someone to hear me.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD