Part 25

2815 Words
"Ikaw pala si Anjo" tanong ni Cara. Medyo natatakot ako sakanya kasi ang taray niya, pero kahit ganun, di makakaila yung ganda niya. Mestisahin pa at saka mapula labi. Mukha siyang lasing kasi namumula rin katawan niya at mukha. Naka vneck shirt siya na white at short na maiksi. "Well, wala ka naman kasalanan so hindi kita sasaktan" sabi ni Cara. Naglakad siya papunta sa sala at tumabi kay Kurt. Napansin ko si Kurt na nakaupo na sa sala at umiinom ng juice. "Wag ka matakot Anjo, hindi ko hahayaang saktan ka nila ha?" Sabi ni Teejay saken. Feeling ko safe ako sa piling ni Teejay. "Oh, di pa ubos tong Fundador o tara ubusin na natin" yaya ni Cara. "Ay masarap yan be, tara" sabi naman ni Kim. "Kayong dalawa, dito kayo wag kayong matakot, mag uusap lang tayo" sabi ni Cara. Lasing nga siya kasi matapang siya masyado. "Kung gusto mo umalis Anjo, alis na lang tayo" sabi ni Teejay "De sige okay lang. Dapat di tayo nagpapa api sakanila." Sabi ko sakanila. Ngumiti lang si Teejay saken at pumunta kami sa sala. Naglabas pa ng alak si Cara sa dala niyang bag. "Ohh, di namen to naubos kanina, pagkatapos ng Fundador, ayan naman inumin natin!" Emperador light yun, halos kalahati pa yun. Gising na si Kurt at nakatulala lang. Katabi niya sa kanan niya si Cara tapos katabi ni Cara si Kurt, kami naman ni Teejay sa kabilang side nakaupo. Nakakalula yung tagay ni Cara, grabe siyang manginginom. Punong puno yung shot glass. "Ayan ha? Ako na mauuna para patas. Di kami tumatakas pag alak wag kayo mag alala" sabi ni Cara, parang tubig lang niya kung inumin yung shot. Ni hindi siya uminom ng chaser namen. "Wow sarap ng Fundador!!" Sabi niya. Tinagayan naman niya si Kim, pero siya nag chaser. Ganun din kataas yung tagay. Sunod na tinagayan si Kurt, di naman siya tumanggi kahit na lasing na siya. Mukhang nilalandi din ni Cara si Kurt. "Oh Anjo siguro naman umiinom ka diba?" Tanong saken ni Cara. "Ahhh, oo" sabi ko "Good" inabot niya saken yung tagay. Halos malula ako sa taas, parang di ko kaya yung ganito. "Gusto mo ako na uminom?" Tanong ni Teejay. "Shut up Teejay. Pa cute ka naman masyado kay Anjo" sabi ni Cara. Di naman sumagot si Teejay at ininom ko na yung alak. Sabay inom ko kaagad ng juice na kaunti. "Good Anjo!" Tinagayan naman niya si Teejay. Ininom kaagad ni Teejay at uminom ng kaunting juice. "So, since when kayo nagliligawan?" Tanong ni Cara samen. "Last week lang" sabi ni Teejay. "Oh I see, inupload mo kasi picture niyo sa ig that's why nalaman ko. I never thought na ganun ka Teejay" sabi ni Cara. "Well, you never know me at all" sabi naman ni Teejay. Medyo mainit na sagutan nilang dalawa. "Oh come on Teejay, ikaw ang gumagawa ng wall sating dalawa" sabi ni Cara. "No I wasn't. Kung ano pinakita ko sayo noon, ganun din pinapakita ko kay Anjo" sabi niya. "Haha, now you're lying. You're a lying gay, straight wannabe. Ni hindi ka nga sweet saken eh" sabi ni Cara. "Haha, I dunno what's your definition of being sweet but all I know is that si Anjo, naaappreciate niya yung way ko ng pagiging sweet" "Seriously? With the corny jokes and stuffs? Haha" uminom uli si Cara ng alak. "Haha yes," sabay akbay saken ni Teejay. Di naman ako makapagsalita basta gusto ko lang manahimik. "Seriously Anjo, do you really like Teejay?" Si Kim na yung nagtanong saken. "Ahhh??" "Oh see, di ka nga makasagot ng yes kaagad!" Sabi ni Kim. "How pathetic, I think t**i lang ni Teejay gusto niya" sabi naman ni Cara. Ewan ko pero bigla akong nairita sa sinabi ni Cara. Inirapan pa niya ako ng mga mata niya. "Actually, matagal ko ng crush si Teejay. Kaya yes, I actually like him" sabi ko sakanila. Tinaasan lang ako ng kilay ni Kim at Cara. "Ohh I see, so now nakikipaglandian ka naman?" Sabi ni Cara. "Si Teejay ang lumapit saken" sabi ko naman. "Ahhh, maybe nilapitan ka kasi sa tingin niya madali kang makuha. For fvck sake, kami pa nung nilalandi ka niya" sabi ni Cara. "You're one hell of a w***e Anjo" sabi naman ni Kim. "w***e? Come on Kim, sino bang nanggapang noon ng boyfriend ng tropa mo??" Sagot ko kay Kim. Medyo natahimik naman siya, hindi ko na pinangalanan si Teejay kasi ayoko ring mapahamak siya. "And for you Cara, may respeto ako sa babae, wag mong hintaying mawala yun sayo" sabi ko naman. "How about, mag tanggalan na lang tayo ng respeto sa isa't isa para lumabas lahat ng gustong sabihin, okay ba?" Bitchy nung pagkakasabi ni Cara. "Hmmm. No deal, stay classy, not trashy." Kumindat ako sakanya at tinignan ko sila ng masama ni Kim. Tumayo ako at pumunta sa kusina, medyo nahihilo ako pero di ko pinahalata, nakahawak ako sa dingding para alalay pero di ko kaya, babagsak na ako. Hinayaan ko ng mahulog sarili ko pero di ako nakaramdam ng sakit, may sumalo saken. Si Teejay. "Ayan, di mo na kaya" inalalayan niya ako patayo at pinunta sa kusina. Nakarinig naman ako ng pumasok sa bahay at mga nag iingay, di ko na pinansin kasi nahihilo talaga ako. "Teejay nasusuka ako" sabi ko sakanya. Pinunta niya ako kaagad sa banyo, ni lock niya yung pinto. Lumuhod ako sa sahig at tumapat sa inidoro, hawak hawak niya likod ko habang sumusuka ako. Kadiri pero ang sarap sa pakiramdam, parang nilalabas ko rin lahat ng alak. "Okay ka na Anjo??" Tanong niya saken. "We...wait. meron pa" sumuka na naman ako ng napakarami, kita ko lahat ng kinain ko kanina, nakakadiri. "Nakakatuwa ka haha" sabi ni Teejay. Okay na ako. Sinubukan kong maghilamos pero di ko makita yung tabo, buti na lang nandiyan si Teejay at siya nagasikaso saken. "Sa susunod wag iinom ng marami ha? Buti na lang nandito ako" sabi niya. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig na malamig sa mukha ko. "Okay ka na?" Tanong niya saken. Umoo lang ako. Parang nabawasan pagkalasing ko at medyo umokay pakiramdam ko pero alam kong lasing pa rin ako. "Nakakatawa ka Anjowings, lasing na lasing ka" nakatayo na ako at nakasandal sa pinto habang tinatawanan ako ni Teejay. Pero magkaharap kaming dalawa, nawala yung mga tawa niya at napansin kong magkatitigan na kaming dalawa. Hinawi niya yung buhok ko pataas. "Ang cute mo Anjo" sabi niya saken, ang gwapo talaga ni Teejay, ang pula ng mga labi niya ngayon. Binasa niya gamit yung dila niya. Sht, mukhang hahalikan niya ako, palapit yung mukha ni Teejay saken. Gusto konf umurong pero nasa pader ako, di ako makagalaw. Di ako makapag isip sa sobrang kalasingan ko. Nagulat na lang kami pareho ng biglang may kumatok sa pinto ng napakalakas. "Ang tagal niyo naman!! Pa CR ako!" Sigaw nung lalaki sa labas. Tumawa lang kaming dalawa ni Teejay nung narinig namen yun. "Tara na, labas na tayo" sabi niya. Binuksan na namen yung pinto at dali dali namang pumasok yung lalaki. Lumabas na kaming dalawa ar tumambay sa kusina. Ang dami ng tao sa labas, mga 10 na ata. At namumukaan ko yung iba kasi tropa ni Kim yung mga yun. Magulo na sa bahay at nagkaroon na ng malakas na tugtog, nagsasayawan silang lahat. Napansin ko rin si Cara at Kim na sumasayaw at party party. "Tara Anjo, alis tayo!" Sigaw ni Teejay saken. Hindi na ako nagdalawang isip pa, at lumabas kaming dalawa. "Saan naman tayo pupunta?"tanong ko sakanya. Medyo nahihilo pa ako pero kaya ko naman na maglakad. "Lakad lakad na lang tayo hehe, anong oras na ba?" Tanong niya "Naiwan ko sa kwarto ko yung cellphone ko eh" Tinignan niya yung cellphone niya sa bulsa. "9:30" "Ahhh gabi na rin pala!" Sabi ko. "Oo nga eh" "Paano kaya nalaman nila Cara at Kim na nagiinom tayo sa bahay?" "Sorry, nagtweet kasi ako na nandun ako sainyo at nanunuod ng movie, baka ayun yun" sabi ni Teejay. "Ganun ba? Hehe sige hayaan mo na" sabi ko. Natahimik kaming dalawa at naglakad lakad lang. Maya maya naman nakasalubong namen si Barry at may kasamang babae, nagtatawanan sila. Kilala ko yung babae, si Katie nga. Yung nagtatrabaho kay Drew. "Uyy Anjo!" Bati ni Barry saken, bigla naman akong inakbayan ni Teejay. "Ohh magkakilala kayo Anjo?" Tanong ni Katie. "Teka, magkakilala kayo?" Tanong naman ni Barry. "Ahhh oo" sabi ko naman "Nice small world, di na pala kailangan ng introduction no? Hehe saan kayo pupunta??"tanong ni Barry, magkahawak naman ng kamay silang dalawa. "Ahhh wala, lakad lakad lang hehe kayo?" Sabi ko. "Ahh sa dorm," sagot ni Barry. "Ganun ba? Sige, ingat kayo ha?" Sabi ko. "Salamat Anjo, kayo rin" sabi ni Barry, naglakad na sila palayo. "Diba nililigawan ka nun?" Sabi naman ni Teejay pagkalayo nila. "Ano ba, sabi ko naman sayo diba, hindi. Friend lang kami nun" sabi ko naman. "Hmm, pero iba pa rin siya makatingin sayo eh, ganun din kasi kita tignan"sabi naman ni Teejay. Ewan ko pero kinikilig ako sa mga banat ni Teejay na ganun. Parang wala lang sakanya pero nakakakilig para saken. Di na lang ako sumagot at patuloy na kaming naglakad na dalawa.  Salamat sa pagsuka ko, nawala talaga pagkalasing ko. "Tara, lugaw tayo" yaya ni Teejay. "Ayy tara gusto ko yan ngayon!!" Napadpad kami sa may likod ng school kung saan may masarap na lugawan dun 24 hours. Umorder siya ng dalawang super large. Sabagay, gutom din ako kaya kaya ko tong ubusin. "Anjowings...." tawag niya saken. Magkatapat kaming dalawa sa isang maliit na pulang table. Nakangiti siya saken. "Oww?" Sabi ko. Nakangiti lang siya saken. Ewan ko kung bakit, pero ang cute niya. Yung ngiti niya na oarang kinikilig. "May dumi ba ako sa mukha???" Tanong ko sakanya kaya naconcious ako bigla. "Hindi" nakangiti lang talaga siya. Yung ngiting pigil, yung hindi labas ngipin pero ang cute. "Naalala mo ba sinabi mo kanina??" Tanong niya saken. Di nagbabago reaksyon niya. "Saan dun?" Tanong ko. "Yung kaninang nagsasagutan kayo ni Cara" sabi niya. Di na siya nakangiti pero ang gwapo pa rin niya. Nakatitig lang siya saken. "Saan dun??" Di ko alam tinutukoy niya. "Sabi mo kanina 'actually matagal ko ng crush si Teejay' totoo ba yun???" Bumalik na naman yung ngiti niya. "Ahhh ehh yun ba???" Parang nahiya ako bigla. "Dali na Anjo, totoo ba yun??" Pangungulit niya. "Wag ka makulit jan Teejay" sabi ko. "Yiieeeeee, matagal na akong crush ni Anjowings of love ko" sabi niya pa. Di ko naman maiwasang mangiti sa pang aasar niya. "Ano ba Teejay" nakangiti ako ng mga oras na yun. "Haha okay lang yan Anjowings, crush mo ko tapos crush kita edi nag ccrushan tayong dalawa" "Haha korny mo talaga" "Haha gusto mo ng banat?" Tanong niya. "Haha sige nga" "Banat ng pagmamahal" sabay kindat niya. Di ako natawa sa joke niya pero natawa ako sa kakornyhan niya. "Haha ewan ko sayo Teejay" sabi ko. "Oh may knock knock ako" sabi niya. "Sige ano yun." "Anjo" "Anjo who??" "I'm crazy for you, touch me once and you'll know it's true. I never wanted anyone like this, it's all brand new, I'm crazy for you" "Oh nasaan yung Anjo dun?" "I'm crazy for you, Anjo" sabi niya. Fvck, mas lalo naman akong kinilig at di ko napigilan. Grabe, ang hirap magtago ng kilig. "Haha ang benta diba?" Sabi niya pa. "Tse ewan ko sayo!" Dumating na yung lugaw namen at nagsimula na kaming kumain. Ang laki ng lalagyan at ang dami pero kaya ko tong ubusin. Ang sarap sa pkiramdam ng mainit na lugaw sa tyan, sobra. "Hmm, Teejay?" Tawag ko. "Yes?" "Hmmm, bakit parang galit na galit si Cara? I mean siguro magagalit siya pero parang galit na galit siya sa.... gay?" Tanong ko. Bigla naman siyang natigilan sa pagkain at humarap saken. "Kasi iniwan sila ng kinikilala niyang papa sa isang lalaki" paliwanag ni Teejay. Kaya naman pala ganun kagalit si Cara. Tapos nangyari pa sakanya, minsan kailangan ding unawain yung tao kung bakit ganun ugali nila eh. "Ang kwento saken ni Cara, iniwan siya ng daddy Cielo niya para sumama sa isang lalaki. Tapos yung daddy Richard niya ngayon, step dad niya yun kasi pinakasalan niya yung mommy Jamie niya. Basta ganun pagkakakwento saken ni Cara, di nga ako naniwala nung una eh pero nung nameet ko yung parents niya, totoo nga" "So nameet mo na parents niya?" "Yeap, pati daddy niya, okay na sila pero si Cara, hindi pa rin. Sobrang mahal niya kasi daddy Cielo niya tapos ganun lang ginawa niya" "Ahh ganun ba? Ehh tapos ganun yung ginawa mo ngayon, talagang magagalit yun" sabi ko. "Eh kailangan na niyang matutunan na ang love hindi lang para sa babae at lalaki, hindi naman natin matuturuan puso natin kung sino mamahalin natin diba?" Tama naman sinabi ni Teejay. "At saka panahon na para naman maging open ang relasyon nating mga katulad nating lalaki sa lalaki o kaya babae sa babae." Sabi niya pa. "Relasyon agad?" Ngiti kong sabi sakanya. "Hehe futuristic lang ako mag isip hehe" ngiti lang sagot ko sakanya at kumain na uli ako ng lugaw. Ang sarap ng lugaw, lalo na yung maraming laman. May itatanong sana ako kay Teejay kaso napansin kong nakatingin siya saken habang sumusubo ng lugaw. "Oh bakit ganyan ka makatingin??" Sabi ko sakanya. Nakadikit sa labi niya yung kutsara habang nakatitig saken. Nakangiti siya na parang ewan. "Teejay ano ba" sabi ko. "Sorry, ang sarap mo kasing pagmasdan lalo na kapag nakangiti ka" sabi niya pa. "Bola!" "Haha ayaw mo maniwala no? Ang cute mo kaya Anjo. Para kang baby, ang sarap mong halik halikan" sabi niya. "Sus ginagawa kasi yan" biro ko namang sabi. "Halika rito, hahalikan kita!!" Sabi niya "Haha biro lang naman" sabi ko. Natapos na kaming kumain ng lugaw at mas lalong gumaan pakiramdam ko. Pero di ko matago yung antok ko. "Ang itim na ng mata mo, gusto mo na ba matulog?" Tanong niya. "Oo eh" "Kaso nasa bahay niyo pa yung tropa ni Kim. Baka maingay pa sila dun" sabi ni Teejay. "Huh? Paano mo nalaman??" "Nagtweet si Kim eh, bumili daw ng dalawa pang bote ng alak. Matagal tagal pa yun, gusto mo sa dorm ka na lang muna" sabi niya. "Ha?? Naiwan ko cellphone ko sa bahay eh" "Ehhh andito naman ako, di kita hahayaang mabored" "Pero di ako sanay na matulog sa ibang bahay eh" "Ay ganun ba?? Hindi naman ako maingay eh. Tara na" yaya niya. Kesa naman sa bahay kung saan andun si Kim at Cara, sumama na ako kay Teejay. Di ko na rin kaya yung antok ko. Pagkarating namen sa dorm, natuwa ako sa kama at umupo kaagad ako. Dahan dahan naman ako humiga. "Haha ang cute, di nalang humiga kaagad" sabi ni Teejay. Naghubad siya ng damit niya at pumunta sa CR. Maya maya, lumabas si Teejay na naka short at walang damit, nagpupunas siya ng buhok niya. "Magshoshower ka ba Anjo?" Tanong niya. "Ahhh oo sana" "Sige pahiramin na lang kita damit. Sige na" kinuha ko yung tuwalya niya at yung damit na pinahiram sakanya. Nagshower ako na mabilis kasi malamig, buti na lang may toothbrush ako ditong naiwan noon. Sando at maiksing short yung pinahiram saken ni Teejay. "Wow, ang sexy naman ni Anjo" sabi ni Teejay paglabas ko ng banyo, nakaupo na siya sa kama at nakatakip ng kumot habang hawak cellphone niya. "Wala bang mas mahabang short?" Tanong ko. "Ahhh eh wala eh. Okay na yan hehe" sabi niya. Lumapit na ako sakanya at umupo sa kama. Nagpupunas pa rin ako ng buhok. Bigla naman siyang yumakap sa likod ko. "Hmmm. Amoy mo talaga yan Anjo, yang creamsilk green na yan. Ikaw naaalala ko pag naaamoy ko yan." Bulong niya sa tenga ko. Ang sarap sa pakiramdam ng init ng katawan ni Teejay. "Ewan ko sayo haha" nung matuyo na yung buhok ko, humiga na ako sa kama. Nakahiga rin si Teejay at parehas kaming nakatingin sa kisame. "Anjo..." "Teejay..." sabay kaming nagtawagan ng pangalan. Tumawa kaming dalawa. "Sige ano yun??" Tanong ko sakanya. "Uhmm... goodnight" sabi niya "Goodnight din" sabi ko. "Patayin ko na ba yung ilaw?" Tanong niya. "Oo sana hehe" Tumayo siya saglit at pinatay yung ilaw saka tumabi uli saken. Ngayon, wala na akong makita. Nakapikit lang mata ko pero gising ako. "Anjo" bulong niya. "Uhm?" "Gising ka pa?" "Tulog na. Zzzzz" "Hehe ang cute mo talaga" sabi niya. "Di mo nga ako nakikita eh, cute ka diyan" "Hehe basta naiimagine ko lang na nakapikit ka ngayon tapos yung kamay mo nasa tyan mo. Yung pilik mata mo, kitang kita tapos yung ilong mo na ang sarap pisilin, yung labi mo na ang sarap siguro halikan" bulong niya. "Parang ikaw, yung mestisuhin mong balat tapos namumula pag nakainom. Yung mga mata mo na grabe makatingin saken, yung ilong mong napakatangos tapos yung pisngi mo na ang sarap kurutin" sabi ko sakanya. Nakarinig naman ako ng pagngiti galing sakanya. "Ohh bakit Teejay??" "Wala, kinikilig lang ako sa sinasabi mo" sabi niya pa. "Mas kinikilig kaya ako" sabi ko naman. "Anjo ano baaaaa, kinikilig ako kapag kinikilig ka!!" Sabi niya saken. "Haha sige quiet na ako, matulog na tayo" sabi ko. "Hehe, sige, matulog ka na." Sabi niya. "Ikaw?" "Hihintayin kitang matulog tapos saka kita gagapangin" sabi niya "Haha parang Kim lang?" Tumawa lang kaming dalawa. Medyo natahimik uli kami sandali. Di ko tuloy alam kung tulog na siya. "Anjo" bulong niya uli. "Teejay" "Maraming Salamat ha? Sobrang saya ko ngayon" sabi niya. "Salamat din. Mas masaya ako promise" sabi ko naman. "Talaga? Ayun naman talaga gusto ko eh, masaya ka" sabi niya pa. "Well, you're doing a good job" sabi ko. "Aba dapat lang, matagal mo na akong crush diba? Haha" asar niya saken. "Tse ewan ko sayo haha goodnight na!!" Tumagilid ako at humarap sa pader. "Goodnight Anjowings of my love" naramdaman ko ring tumagilid siya at nakaharap saken. Ang alam ko lang, nakangiti akong natulog nung gabing yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD