Naguguluhan isip ko. Ngayon alam ko na, na s*x lang ang gusto ni Dom saken at wala ng iba. Balak ko ng di makipagkita kay Dom. Di ko naman alam na may pamilya siya, sira na nga yung parents, ayoko pa idamay yung bata.
Pagbaba ko ng elevator, sinalubong ako ng guard. Sinuot ko uli yung uniform ko kahit basang basa.
"Sorry sir di ko agad na notify na aakyat si Mam Bianca ha?" Sabi saken.
"Ano po??"
"Bilin kasi ni sir Dom na tawagan siya kapag nandito po si Mam Bianca"
So alam pala ng guard about kay Bianca at siguro alam din niya yung ginagawa namen ni Dom. Medyo naawkwardan tuloy ako.
"Okay lang po kuya" ngiti ko sa guard at umalis na ako. Ang lakas pa rin ng ulan dito at medyo baha na. Di ko tuloy alam kung lulusong na ako o hindi.
Naalala ko na naman yung sinabi ni Bianca saken. Na sinusustentuhan ako, nakakainis. Parang ang liit ng tingin ko sa sarili ko. Mas nasaktan pa ako sa sinabi ni Bianca kesa dun sa nalaman kong may anak si Dom.
Chineck ko phone ko at tumatawag si Marco.
"BB, nakapasok ka na ba??" Tawag saken.
"Oo BB, nasaan ka?"
"Nasa 7-11 tapat ng Mcdo" sagot niya. Medyo malapit lang dito yun, dun din kasi kami nagkita ni Dom nung unang beses kaming nagkita.
"Sige BB, papunta na ako diyan" nilusong ko na yung malakas na ulan at pumunta dun.
Napansin ko naman sila na humihigop ng cup noodles sa loob.
"Bakit wala atang estudyante dito?" Tanong ko sakanila pagpasok.
"Tignan mo, 7:30 palang ng umaga. Tamad na yang magsipasok lahat" sagot ni Marco. Kasama niya rin si David at parehas silang naka jacket.
"Hi Anjo" bati ni David.
"Hello" sabi ko naman
Nagulat ako ng biglang may nagpunas ng buhok ko at katawan ko galing likod.
"Ayan bakit kasi nagpabasa ng husto sa ulan" boses ni Teejay yun. Pinupunasan niya ako gamit yung black na T Shirt.
Nakasuot siya ng jacket na black at nakasabit back pack niya. Ang gwapo niya ngayon, kahit hindi naman ngayon, araw araw talaga.
"Nilalamig ka ba?" Tanong niya saken, bago pa ako makasagot hinubad na niya yung jacket niya at inabot saken.
"Wow, di ko alam kung ano role mo, manliligaw o nanay" si Marco yun at yung nakakatawa niyang tono ng pananalita.
"Di ko naman pinansin yung panakaw na halik sayo ni David sa cheeks kanina ah?" Sagot naman ni Teejay at mukhang napahiya si Marco at tumawa na lang.
"Suotin mo na yan" sabi niya pa. Medyo nilalamig na rin ako kaya sinuot ko na. Umupo kami at bumili siya ng cup noodles para sameng dalawa.
"Pampainit yan" sabi niya saken. "Pero pwede rin tayong magpainit kahit nakahubad" bulong saken ni Teejay.
"Narinig ko yun Teejay, jusko maano ka rin eh no" sabi ni Marco.
"Nako, kung alam niyo lang kung gaano niya pagpantasyahan si Anjo sina...." bago pa matapos sinasabi ni David tinakpan ni Teejay bunganga niya. Natawa na lang ako sa sinasabi nila.
Kumain na ako ng noodles para mainitan at ang sarap sa pakiramdam.
"Uuwi ka na ba pagkatapos niyan?" Tanong ni Teejay.
"Hmmm. Ayoko pa eh. Baka utusan lang ako ng utusan dun haha"
"Ahhh gusto mo ba sa dorm tayo tambay???" Sabi ni Teejay.
Bigla namang sumingit si Marco.
"Ayan na, mga galawang Teejay eh no"
"David, quiet lang kayo diyan ni Marco please?" Sabi ni Teejay.
"Haha wala akong ginagawa, si babyloves lang yun" sabi ni David.
Tumingin naman si Teejay sakanila na parang natatawa.
"Walang pakialamanan ng trip pre, kanya kanyang tawagan yan. Ikaw nga tawag mo kay Anjo, mahal diba?hahahhahaha" natatawa ako kay David, pero mas lumalamang yung kilig sa sinasabi niya.
"FO na David ah!"
"Haha kaya mo kong i FO?"
"Haha joke lang pre, syempre hindi. Quiet ka na lang. Baka sabihin ko rin kay Marco....."
"Oo na pre hindi na. Quiet na! Haha"
Nagtawanan na lang kaming apat dun.
"Ano Anjo?? Sa dorm?" Tanong ni Teejay. Tumingin ako kay Marco at nagtatawanan din sila ni David.
"BB!"tawag ko kay Marco. Tumingin naman siya.
"Sige na BB, sumama ka na. Wag mo na ako alalahanin dito"sabi naman ni Marco. Tumingin ako kay Teejay at nakangiti siya.
"Wag mo susunugin yung hotdog ha?" Sabi ko sakanya.
"YESSS!!!!! sure sure. Hehe" sagot niya. Natuwa ako sa reaksyon niya, talagang gusto niya ako kasama.
Nauna na kaming umalis ni Teejay at lumusong sa malakas na ulan papunta sa dorm nila. Isa lang payong namen, siya may hawak. Nakaakbay siya sakeng maigi.
"Ang bango mo pa rin kahit anong panahon no?" Sabi niya saken. Malapit kasi bibig niya sa tenga ko. Naconcious naman ako bigla pero inaamoy niya pa rin ako.
"Haha creamsilk green, ang bango" sabi niya pa. Di na lang ako nagsalita kasi kinikilig ako.
Pagkarating namen sa dorm niya, basang basa kami pareho.
"Wait, pahiramin kita ng damit ko" naglabas siya ng short at Tshirt. Ganun din sakanya. Pumunta ako ng CR para magbihis. Paglabas ko naman, nakita ko pa siyang nagsusuot ng shirt, ang yummy talaga ni Teejay.
Nginitian lang niya ako nung nakita niyang nakatitig ako sakanya.
"Eheeem. Eheeeem" siya yun at natauhan ako. Umupo ako sa kama niya.
"Uhmm Ano gusto mong pagkain Anjowings?"
"Hmmm. Kahit ano na lang."
"Nakakaasar, di kasi ako marunong magluto eh. Prito lang alam ko" sabi niya pa.
"Gusto mo ba ako magluto??"
"Talaga? Marunong ka?"
"Aba oo naman."
"Nice, kung ulam ako ano ako?" Tanong niya saken. Nakatingin lang siya saken at naghihintay ng sagot.
"Hmmmm. Mas gusto ko menudo" sabi ko.
"Oh bakit naman menudo?"
"Wala lang. Yun pumasok sa isip ko eh haha" sagot ko naman.
"Hmmm. Ako alam ko kung anong palaman ka!" Sabi niya.
"Palaman? Anong palaman?"
"Keso"
"Bakit naman keso?" Tanong ko.
"Kasi gust ko maKESOma ka ng matagal ngayon eh" sabay kindat saken. Fvck, napakagat labi ako sa kilig. Buti naman tumalikod siya kaya nakangiti ako ng todo.
"Ohhh, Anjo? Ano na ulamin natin?" Nakangiti rin siya pagharap niya na parang kinikilig din.
"Haha magluluto na lang ako ng sinigang na baboy" sabi ko.
"Wow, sige may baboy pa naman ako sa ref ehh. Hmmm, mga gulay na lang kulang natin" sabi niya.
Namalengke naman kami ng mabilis at bumalik sa dorm niya. Nagluluto na ako nun at siya naman nakaupo sa kama't naglalaptop.
"Gusto mo bang itag kita sa sss na magkasama tayo?" Tanong niya.
"Wag na"
"Ay bakit naman???"
"Wala lang, baka kasi makita nila Kim."
"Ay oo sabagay"
Habang nagluluto, naguusap kaming dalawa ni Teejay.
"Paano mo ba naging kaibigan si Kim?" Tanong ko kay Teejay.
"Ehhh ginapang ako dati nun. Buti napigilan ko" sabi ni Teejay. Fvck, sabi ko na bakla si Kim eh.
"Seryoso?!"
"Oo, partida, sobrang close niya si Cara ha? Tapos ganun. b***h kasi yun si Kim" sabi ni Teejay.
"Eh bakit sumama ka nung birthday niya?"
"Request kasi ni Cara, mahirap kasi kaaway si Kim. Matapang masyado, minsan wala sa lugar. Eh kapag hindi pumunta si Cara baka awayin ni Kim. Nagpasama lang siya"
"Ahhh, eh bakit naghalikan kayo sa harapan ko?" Tanong ko. Di naman siya sumagot at nung nilingon ko siya, palapit siya saken.
"Sorry na Anjo" sabi niya.
"Hala joke lang yun haha"
"Hindi, sorry talaga. Nagulat kasi ako nung nakita kita nun tapos nung may humalik saken, akala ko ikaw. Edi ramdam na ramdam ko, tapos pagdilat ko ng mata si Cara pala yun. Dare pala yun sakanya ni Kim" sabi pa niya.
Namumuro na saken yang Kim na yan.
"Nako, hayaan mo na hehe"
Bigla niya akong hinilot sa may balikat ko. Fvck!!! Sobrang sarap sa pakiramdam.
"Ahhhhhh!"
"Gusto mo???" Sabi niya.
"Sige pa..."
"Hindi ka na galit?" Bulong niya sa tenga ko.
"Hindi naman ako galit ehh" sabi ko pa.
"Promise??" Mas hot na boses niya ngayon.
"Uhm, Teejay easy." Sabi ko. Tumawa naman siya at tinuloy paghilot saken, ang sarap talaga.
"Akala ko makaka chansing ako" sabi niya pa.
"Baliw!!" Pero sa isip ko, gusto ko rin Teejay. Gustong gusto, nahihiya lang ako.
"Ako naman may tanong" sabi niya.
"Ano naman??"
"Ilan yung naiinvolve sayo ngayon? I mean, yung katulad ko. Yung may gusto sayo" tanong niya. Medyo nahihiya naman akong sumagot pero gusto ko sabihin.
"Syempre ikaw, yung isa naman hindi na siguro tutuloy yun (si dom), may online friend din ako na medyo sweet pag magkausap. Hmmmm, ayun lang" sabi ko naman.
"Ahh tatlo pala kami. Hmmmm. Pero syempre lamang ako, kasama kita ngayon eh" sabi niya pa.
Pinipisil pisil naman niya braso ko.
"Anong balak mo sa pasko?" Tanong ni Teejay saken.
"Wala, sa bahay lang. May grocery kasi si tita sa bahay na inuuwi kaso umaalis naman silang lahat at umuuwi ng probinsiya. Ako lang natitira sa bahay, lulutuin ko lang yung pinang grocery niya, tapos yun. Magsisimba ako ng 10PM tapos Kakain ako ng 12AM magisa"
Bigla namang huminto yung pagmamasahe saken ni Teejay.
"Seryoso ka?" Tanong niya.
"Huh? Oo. Bakit?"
"Eh bakit di ka sumama sakanila paguwi ng probinsiya?"
"Eh di naman ako kasama sa pamilya eh. Stepmom and step brothers ko yung mga yun"
"Hindi ko alam yun" sabi niya.
"Di ko rin naman kasi kinekwento. Si Marco lang may alam nun"
"Ang saya kaya ng pasko! Bukasan ng regalo, harutan sa pinsan, family reunion!"
"Si papa na lang kasi meron ako nung bata ako, tapos dahil sa katigasan ng ulo ko, nawala siya." Parang naiiyak ako habang nagkkwento.
"Minsan naiisip ko na sana bumalik yung past, para maayos ko. Kaso hindi naman pwede eh, iniisip ko na lang na kung anong nangyayari saken ngayon, ayon talaga yung nararapat saken" sabi ko pa sakanya.
Bigla naman niya akong niyakap sa likod ko. Natigil yung ginagawa ko sa ginawa niya. Rinig ko paghinga niya sa leeg ko.
"Uyyy Teejay..."
"Wag kang gumalaw diyan" bulong niya pa. Dinamdam ko na lang yung yakap niya.
"Teejay..."
"Shhhh"
"Ano ba ginagawa mo diyan??" Tanong ko.
"Kinukuha ko lang lahat ng lungkot na nararamdaman mo, para mawala na sayo" sabi niya saken.
"Huh? Di naman ako malungkot Teejay." Inalis na niya pagkakayakap saken.
"Alam ko malungkot ka, pinipilit mo lang maging masaya"
"Hindi Teejay, sanay lang ako na ganun ako tuwing pasko at Bagong taon"
"Hindi dapat ganun. Simula ngayong pasko, at sa mga susunod pa, hindi ka na mag iisa."
"Sasamahan mo ko?"
"Isasama kita samen. Dun ka na magpasko samen."
"Ha?!"
"Paulit ulit na lang Anjo? Sasama ka saken sa Pasko"
"Iniinvite mo ba ako o sapilitan yan?"
"Haha, sapilitan to." Sabi niya pa.
Natuwa naman ako sa sinabi niya. First time na may nagyaya saken na sumama sakanila sa Pasko.
"Yes na yan ha???" Sabi niya.
"Uhm. Oo" sagot ko. At niyakap niya ako ng mahigpit uli. Ang sarap sa feeling ng niyayakap niya.
"Teka, taga saan ba kayo?" Tanong ko sakanya.
"Taga Baguio kami" sagot niya.
Napansin kong luto na yung sinigang at naghain na muna siya para makakain na kami.
"12 palang pala oh. Ang dami pa nating oras hehe" sabi niya.
"Oo nga ehhh. Baka pumasok ako mamaya sa bar"
"Bakit ka papasok? Eh wala naman pasok mga estudyante"
"Ay sabagay, sige hindi na lang hehe"
Kumain na kami at napansin kong sarap na sarap siya sa luto ko.
"Grabe, marunong ka magluto ng ganito kasarap na pagkain!!" Sabi niya saken.
"Hehe salamat"
Kumain lang ako ng marami at humigop ng sabaw.
"Ako naman may tanong, may pamilya ka ba?" Sabi ko kay Teejay.
"Oo, si Mama at Papa nasa Baguio na pinapadalhan lang ako ng pera, may Kuya ako kaso di kami close ehh. Yung bahay namen sa Baguio samen yun, sa side ni mama kaya ayun. Ano pa tanong mo?"
"Ahhh hmmmm. Bakit nasa Manila ka nag aaral?"
"Pangarap ko kasing maging flight attendant. Eh gusto ko rito mag aral"
"Ahh talaga ba?"
"Oo..." mukhang may ikekwento siya pero tinigil niya.
"Virgin ka pa?" Bigla kong tanong. Nabilaukan siya sa kinakain niya at uminom ng tubig.
"Grabe, direct to the point naman" sabi niya.
"Haha sorry. Sige, iba na lang"
"Sasagutin ko haha. Hmmm. Hindi na" sabi niya.
"Ahhhh."
"Di mo man lang tatanungin kung sino nakauna saken? Hahaha"
"Haha, hindi na."
"Sige sige, ikaw virgin ka pa ba?"
Ngumiti lang ako at uminom ng tubig.
"Hindi na rin" sabi ko.
"Okay lang naman saken pero never been kissed ka talaga?"
"Haha hirap ba paniwalaan?"
"Medyo haha. Kasi kapag nagsesex, ang sarap kapag naghahalikan. Parang normal na gagawin ng tao yun."
"Haha di ko kasi feel. Parang iba kasi kapag kiss. Gusto ko special someone" sabi ko pa.
Bigla naman siyang kumagat labi at nakatingin saken ng malagkit.
"Sana ako first kiss mo" sabi niya saken.
"Luh, hindi ah. Ibibigay ko lang yun sa first and last ko haha"
"Ayaw mo bang ako maging first and last mo?"
"Luh siya, bakit ganyan ka magsalita"
"Haha, sa susunod ko na sasabihin hehe. Nuod tayo movie ha?"
"Haha gulo mo, sige sige."
.
.
.
Nakasandal kami sa dingding at nakaupo sa kama. Nakasandal yung ulo ko sa balikat niya habang nanunuod kami ng movie.
One More Chance.
"Grabe talaga tong movie na to no? Tagos sa puso" sabi niya saken,
"Sobra"
Dahan dahang nilalapit ni Teejay kamay niya para hawakan yung saken. Ang lamig ng kamay niya. Di naman kami nagsalita at nanuod lang sa movie.
Ganun lang yung pwesto namen hanggang sa matapos yung movie. Sinara naman niya agad yung laptop at tinabi. Nanatili kaming nakaupo at magkahawak kamay.
Di ako mapakali. Kinikilig ako sa hawak ng kamay niya. Walang nagsasalita. Di ko alam sasabihin ko.
"Ahhhh.. anong oras na??" Tanong ko sakanya
"Ahhh, 4 na. Hehe."
Di ko na alam susunod kong itatanong.
"Uhm. Ang lambot ng kamay mo" sabi ko sakanya.
"Hehe salamat sayo rin kaya"
Bigla na naman tumahimik. Ang awkward bigla sa feeling.
"Hawakan mo dibdib ko, ang bilis ng t***k ng puso ko" inabot niya isang kamay niya at pinaramdam saken. Ang bilis nga. Parang kinakabahan.
"Dahil sayo yan. Kapag kasama kita palagi ako kinakabahan, lalo na ngayon kahawak ko kamay mo. Dati iniimagine ko lang to, ngayon nandito na" sabi niya pa.
Di ko mapigilang di mapangiti. Ang sweet ni Teejay talaga. Ayokong umamin na gusto ko siya eh, nahihiya pa ako.
"Di naman ako nagmamadali, gusto ko lang makilala mo pa ako at makilala kita, tapos tignan natin kung anong mangyayari"
"Takot kasi ako mainlove. Parang, di ko alam kung paano, kasi wala naman akong pamilyang nagmamahal saken. Natatakot ako na baka magkamali ako tapos iwan. Ganun kasi napapanuod ko, kapag nasaktan pa kung ano ano ginagawa sa buhay, ayoko maranasan yun" sabi ko sakanya.
"Naiintindihan ko naman. Dapat handa ka bago ka sumabak sa pag ibig. Madali lang naman mainlove, ang mahirap yung mapanatili yung pagiging inlove niyo sa isa't isa"
Medyo may hugot mga sinasabi niya saken.
"Tignan mo, ang dami pang nanliligaw sayo. Okay lang yun, pero sana dumating yung panahon na isa na lang manliligaw sayo" sabi ko pa.
"Nanliligaw ka na ba saken?"
Bigla naman niya binitawan yung kamay ko at tinignan ako.
"Ano ba tong ginagawa natin??"
"Ahh ganito ba pag nililigawan? Hindi ko naman alam. Akala ko kasi tatanungin mo pa ako kung pwede manligaw o ano."
Mukha namang nainis siya sa sinabi ko kaya di na niya hinawakan kamay ko.
"Uy may nasabi ba ako?"
"Hindi naman. Akala ko malinaw lang na nililigawan na kita"
"Ehh hindi ka naman kasi nagtanong"
"Hayst sige pabayaan mo na"
Hinawakan niya na lang uli kamay ko at pinaglaruan.
"Pero ang saya ko ngayon Anjo, salamat" sabi niya.
"Ako rin, salamat"
"Kakantahan kita pero penge munang 6 pesos" sabi niya.
"Ha? Para saan?"
"Basta"
Inabutan ko naman siya ng 6 pesos. At nagsimula siyang kumanta.
"Puno ang langit ng bituin. At kay lamig pa ng hangin, sayong tingin ako'y nababaliw"bigla siyang tumingin saken.
"Giliw at sa awiting kong ito. Sana'y maibigan mo, ibubuhos ko ang buong puso ko." Bigla siyang ngumiti at kumindat.
"Sa isang munting harana, para sa'yo"
Hawak niya mga kamay ko habang nakatingin.
"Para saan yung 6 pesos?"
"Bayad mo sa harana"
"Bakit 6 pesos?"
"Kasi 'SAIS ang munting harana para sa'yo'" at tumawa siya ng malakas. Natawa rin ako sa joke niya. Nakakainis.
Di kami natigil kakatawa. Hanggang sa maka move on na kami at huminto.
"Talagang nasingit mo pa yun ah!"
"Haha hinahanapan ko pa nga ng tyempo eh"
"Haha dabest yung joke na yan".
"Salamat at mabenta, pero mas gusto ko pa rin yung Anjowings of love kasi nandun ka eh"
"Sa susunod ako naman magjojoke ng Teejay hehe"
.
.
.
.
"Salamat sa masayang araw." Sabi niya saken.
"Salamat din!"
Niyakap niya muna ako ng mahigpit at hinalikan sa cheeks.
"Tara na?"
"Tara"
Lumabas na kami ng dorm niya. Tuyo na uniform ko at hahatid niya raw ako sa bar. Sabi ko sisilipin ko kung may tao eh.
Nakaakbay lang si Teejay saken hanggang sa makarating sa bar.
"Uy Anjo, walang tao. Uuwi na...." si Barry yun, lumabas ng bar pero di tinuloy sinabi nung nakita si Teejay.
"Walang pasok?"
"Wala." Ang sama ng tingin niya kay Teejay. Tumingin din ng masama si Teejay kay Barry.
"Sige, uuwi na pala ako" sabi ko.
"Tara Anjo, sabay na tayo. Sabay naman tayo palagi umuwi diba?" Sabi ni Barry at hinatak niya ako kay Teejay.
"Anjo, ako na maghahatid sayo" sabi naman ni Teejay.
"Sino ka ba pre?" Tanong ni Barry.
"Uyy Bakit kayo nag aaway dalawa?"sabi ko sakanila.
"Gusto mo ako na magbuhat ng gamit mo Anjo?" Kinukuha naman ni Barry gamit ko. Pero pinigilan ni Teejay.
"Ano bang problema niyo!! Ako na lang uuwi mag isa!" Sigaw ko at umalis na ako dun sa kanila. Sumunod naman silang dalawa.
"Sorry na Anjo" sabi nilang dalawa.
"De sige na, kaya ko na pauwi" sabi ko sakanila.
Pero di pa rin sila umaalis. Di ko na lang pinansin at naglakad ako pauwi.
Maya maya pa, andun na kami sa kanto nila Barry.
"Sige Anjo, sorry. Bukas na lang. Salamat! Ingat ka pauwi" sabi niya. Tinignan niya uli ng masama si Teejay at umalis na.
"So bale, apat na kami?" Sabi ni Teejay.
"Huh?"
"Eh may gusto pala sayo yung katrabaho mo ehh"
"Si Barry? Wala yun. Kaka break nga lang nun sa girlfriend niya eh" sabi ko.
"Ako nga nakipagbreak kay Cara para sayo diba?"
Pansin ko namang seryoso siya.
"Hala, wala yun si Barry promise." Di na lang niya pinansin at naglakad na kami papunta samen.
"Ohh dito kana. Hehe, matutulog ka na ba?" Tanong niya.
"Oo, para mahaba haba yung tulog"
"Uhmm. Sige, text mo ko ha?" Sabi niya pa. Bigla naman may lumabas sa pinto ng bahay, si Kurt.
"Uyy Anjo, san ka galing?" Tanong niya. Napansin naman niya si Teejay at kinamayan niya "uy pre, musta" tanong niya.
"Ayos lang pre" sagot ni Teejay.
"Magkaklase pala kayo no?" Tanong ni Kurt.
"Oo, hehe."
"Sige Anjo, may lakad ako eh. Bye, sige pre" paalam ni Kurt samen.
"Alam mo kung hindi mo lang stepbrother, sasabihin kong panglima na yang may gusto sayo"
"Hala lahat na lang???"
"Kasi kung paano kita tignan, ganun ka din nila tignan. Alam ko Anjo"
"Wala naman kagusto gusto saken kaya siguradong hindi"
"Seryoso Anjo, sobrang swerte ng magiging karelasyon mo. Total package ka kaya" sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya at sabi kong papasok na ako.
"Sige, Goodnight Anjo"
"Goodnight Teejay. Salamat"
"Walang bang kiss? Isa lang" sabi niya.
"Hala adik to"
"Sige na kahit flying kiss lang"
"Ayaaaaw"
"Please? Flying kiss lang naman" tumingin tingin ako sa paligid, wala naman tao. Nagflying kiss na ako sakanya. Biglang kunwari kinuha ng kamay niya yung kiss at nilagay sa mga labi niya.
"Soon totoong kiss na to hehe."
"Ewan ko sayo"
"Haha Goodnight anjo"
Umalis na siya at pumasok na ako sa loob ng bahay.