"Wow ang ganda niyan Anjo ah?" Sabi ni Kurt saken. Di naman ako nakasagot sa sinabi niya. Binasa niya yung note na nakasulat sa box.
"Sabado? Hala. Diba tuturuan mo ko sa sabado?" Sabi niya saken.
"Oo nga, di naman ako pupunta diyan" sabi ko sakanya.
"Talaga? Akala ko iiwan mo na ako"
"Hahaha hugot ba yan?"
"Medyo hehe. Sige na, magpahinga kana Anjo" si Kurt lang talaga matino rito sa bahay na to.
Kinuha ko na yung box at dinala sa kwarto ko. Nilapag ko sa kama ko at tinignan ko uli yung damit. Sobrang ganda talaga at lambot. Mamahalin yung dating. Tinignan ko itsura ko sa salamin habang pinatong ko saken yung damit, lahat binabagayan ng damit na to kahit saken.
Pero binalik ko sa box yung damit at nilagay ko sa gilid ng kama. Hindi ko to susuotin at gagamitin kahit kailan.
Naglinis na ako ng katawan ko at nagpasyang matulog. Pero tumawag muna si Teejay saken.
"Hi Anjowings" sabi niya.
"Hello"
"Ayan ha, kahit masakit di kita kinontact maghapon kasi oras ng isa mong manliligaw. Pero sigurado namang nasa bahay ka na diba?"
"Oo, kakatapos ko lang nga magshower ehh"
"Ahhh niceee, ang bango mo siguro ngayon."
Eto na naman siya sa pagpapakilig saken.
"Matutulog na ako Teejay" sabi ko na lang.
"Haha ang bilis naman. Huhu, pero tapos mo na na yung assignment? Ayun lang ginawa ko maghapon ehh" sabi niya pa. Sht, oo nga. Nakalimutan kong gawin.
"Wala pa akong gawa"
"Ayan, tsk tsk. Sige pasok na lang tayo maaga bukas. Kopya ka saken"
"Talaga?"
"Aba oo. Kapalit, kiss kada number"
"Ay wag na lang"
"Haha joke lang po. Sige na, matulog na tayo. Maaga pa tayo papasok na dalawa"
"Sige Teejay"
"Goodnight myAnjowings of love" napangiti na naman ako bago niya ibaba yung tawag.
.
.
.
.
Salamat sa dalawang araw na walang pasok, medyo nakatipid ako. At sabado na bukas, wala na akong gagastusin pa.
Nakapagpasa rin ako ng assignment ko at salamat yun kay Teejay.
Nasa practice na kami ni Teejay ngayon. Pagbalik ng klase nextyear, magpeperform na kami kaya pinaghahandaan na namen ng todo.
"Mukhang ready na tayo guys para nextyear! Pagbutihin natin ha para exempted tayo sa thesis. Alam na this!!" Sabi nung leader namen.
Nagpalakpakan lang kaming lahat.
Natapos na yung practice namen at kanya kanya na kaming alis.
"Papasok ka na sa bar?"tanong ni Teejay saken.
"Oo. Siguradong maraming tao at friday ngayon. Mga estudyante pa naman."
"Oo nga eh. Tara na hatid na kita"
"Di mo naman ako kailangan ihatid ehh"
"Eh may magagawa ka naman ba? Tara na. Ako na magbubuhat ng gamit mo." Kinuha niya agad yung backpack ko at nilagay sa harapan niya. Dala niya rin yung bag niya sa likod.
"Hindi ba mabigat?" Tanong ko sakanya.
"Actually mabigat siya haha. Pero hayaan mo na. Paguwi ko naman magpapahinga na ako pero ikaw magttrabaho ka pa rin."
Ang sweet kasi ni Teejay at maeffort.
Habang naglalakad, nagkwentuhan muna kaming dalawa.
"Anjo, pinapaalala ko lang ha? Punta tayo samen sa Pasko" sabi ni Teejay.
"Nakakahiya kasi, syempre andun pamilya mo"
"Nagsabi na ako kay mama. Okay lang daw sakanila hehe" sagot niya pa.
"Talaga???"
"Yeap. Sagot ko na lahat pati pamasahe kaya wag ka na mag reklamo okay?"
Di na ako nakasagot kasi talagang pinipilit niya na sumama ako. Gusto ko rin naman talagang sumama.
"Kumusta yung manliligaw mo kahapon??"
"Hindi naman kami magkasama nun ehh. Iba, inutusan ako ni tita tapos ayun."
"Ganun ba? Nako, di na ako magtatanong about sakanila. Gusto ko na lang palaging kilalanin ka pa hehe" sabi niya.
"Ano pala favorite song mo??" Tanong niya.
"Haha secret yun. That's for me to know and for you to find out"
"Awww hahaha. Sobrang special siguro sayo nung kantang yun."
+++++++++++++++++++++++++++++++
"Anjo, kantahan kita gusto mo?" Si Juan yun habang nagpapahinga kami. Kanina pa kasi kami takbo ng takbo.
"Haha eh ang panget kaya ng boses mo" sabi ko naman.
"Haha ang yabang mo naman" kahit na mukhang gusgusin kaming dalawa, hindi naman kami mabaho.
"Sige na nga, kanta ka dali" sabi ko naman. Pero bago siya makakanta, tinawag kami nung guard sa bahay.
"Anjo, pauwi na daddy mo ha? Pag nahuli kang nasa labas nun baka magalit samen yun."
"Sige kuya, 10mins po" sabi ko naman.
"Ayan, makakanta ko pa sayo yung kantang to. Fave ko kasi to eh" bigla naman siyang umubo at nag ayos ng katawan.
"When you smile, everything's in place." Di ako familiar sa kantang kinakanta niya pero mukhang maganda. Hindi talaga maganda boses ni Juan pero nasa tono siya.
"I've waited so long, can't make no mistakes"
"Anong kanta yan???" Tanong ko sakanya pero nagpatuloy lang siya sa pagkanta.
"Inch by inch we're moving closer, feels like a fairytale ending." Ewan ko pero kinikilabutan ako habang kinakanta niya yun.
"Take my arms this is the moment, I'm moving closer to you. I'm moving closer to you" di ko napansin na nakatingin lang ako kay Juan ng mga oras na yun.
"Ohh akala ko ba panget boses ko, mukhang tinamaan ka rin sa kantang yun haha. Sobrang ganda diba?" Sabi pa ni Juan.
"Oo nga, sobrang ganda"
"Anjo, nakalabas na daw ng office daddy mo, pasok na sa loob"
"Ohh, malapit na raw daddy mo hehe. Sige na, bye Anjo" sabi ni Juan.
"Sigeee" pumasok na ako sa loob pero di parin mawala sa isip ko yung kinanta ni Juan.
+++++++++++++++++++++++++++++++++
"Anjo, kanina kapa nakatulala diyan" si Teejay na yun.
"Sorry may naisip lang ako" sabi ko.
"Hays sana ako na lang naiisip mo haha"
"Ewan ko sayo hehe"
Nakarating na kami sa bar at inabot na niya yung gamit ko.
"Wag masyadong magpakapagod ha?" Sabi niya pa.
"Opo" sabi ko naman. Ngumiti lang siya saken at umalis.
Pagpasok ko sa bar, nagpalit na ako agad ng damit. Naglagay ng scarf sa ulo at lumabas sa counter. Sobrang dami ngang tao! Walang bakanteng upuan.
"Dami nating customers ngayon. p*****n na naman to" sabi ni Barry saken.
"Oo nga ehh"
Halos lahat ng table nahatiran ko ng alak at pulutan. Napansin kong alas otso na pero ang dami pa ring tao. Medyo pagod na ako pero kinakaya ko.
"Anjo, table 3" sabi ni Kuya Cris.
Hinatid ko yung alak at pulutan sa table nila at nakita kong si Kim yun. Kasama din si Cara at ibang kaibigan nila. 6 ata sila.
"Ohhh Anjo!!!" Pasigaw na bati saken ni Kim. Inabot ko na yung order nila.
"Ohh Anjo, penge rin kami water please?" Si Kim yun. Umoo na lang ako at kinuhaan ko sila ng tubig. Inabot ko sakanila.
"Anjo, no, gusto ko malamig. Yung may ice!" Sabi pa ni Kim. Huminga lang ako ng malalim at iniwasan kong mainis.
Kumuha ako ng tubig at may yelo saka inabot sakanila
"Okay, thanks" sabi ni Kim. Napansin ko naman na bumubulong sakanya tropa niya at nagtatawanan sila.
Pumunta ako sa counter at sumenyas si Kuya Cris na tinatawag ako ni Kim. Paglingon ko, sinesenyasan nga niya ako. Lumapit ako sakanya.
"Pakipalitan yung sisig Anjo, medyo malamig na eh. Gusto namen yung sizzling" sabi ni Kim. Pero bawas na yung inorder nila. Kinuha ko na lang yun at sabing iinitin uli.
"Gusto namen bago!" Sigaw pa niya. Kumalma na lang muna ako at sinabi kay Kuya Cris na isa pang order ng sisig.
"Nako Anjo, pinapasweldo ka namen tapos ganyan serbisyo mo." Kahit tumatawa siya kasama mga tropa niya, kinalma ko pa rin sarili ko habang pinagsisilbihan sila.
Bumalik na ako sa kusina at dun nakahinga ako ng maluwang. "Para sa sarili mo to Anjo. Okay lang yan" sabi ko sa sarili ko.
"Ayus ka lang Anjo?"tanong saken ni Barry. May dala siyang mga plato at bote ng alak.
"Oo hehe"
Nag ayos na uli ako at lumabas. Ready na order nila at hinatid ko sakanila. Inabot ko yung resibo,
"No, hindi namen babayaran to! Tse" sabi pa ni Kim. Naiiyak na ako kasi pinagtatawanan na ako ng mga kaibigan niya pati siya. Di ko na hinabol yung bayad at umalis na ako.
"Anjo, wait lang! Palinis naman ng sahig, malagkit eh"
"Malinis naman ah. Walang dumi" sabi ko pagtingin sa sahig.
Bigla naman niyang tinapon yung alak sa sahig habang nakatingin saken.
"Oops, ayan Anjo madumi na. Pwede mo ng linisan" sabi ni Kim. Grabe, hiyang hiya na ako sa sarili ko ng mga oras na yun.
Kinuha ko yung basahan sa likuran ko at pinunasan ko yung sahig. Pero lahat silang magttropa nagbuhos ng beer sa sahig at nagtawanan. Naiiyak na ako ng mga oras na yun pero para akong tang na nililinis yung sahig.
"Anjo tama na yan" si Barry yun na tinutulungan ako sa pagtayo.
"Ohhh, ang tagapag ligtas haha!" Sabi ni Kim. Pero umalis na kami ni Barry nung mga oras na yun at dumiretso sa kusina. Pinunasan niya yung mga luha ko sa mata.
"Tama na, tama na" niyakap niya ako ng mahigpit at simula kanina, ngayon lang ako nakaramdam ng pagkaligtas. Feeling ko safe ako kay Barry.
"Stepbrother mo pala yun, bakit ka pumapayag na ginaganun ka?" Tanong ni Barry. Di naman ako makasagot at iyak ako ng iyak sakanya.
"Tahan na please" hawak niya yung buhok ko habang nakayakap saken.
"Oh tignan mo, kahit mausok dito sa kusina, ang bango mo pa. Amoy creamsilk green pa buhok mo" sabi niya. Natawa naman ako kasi halos lahat sila napapansin na ayun gamit kong conditioner.
"Haha narinig ko yun, tumawa ka. Hehe. Tahan na. Hayaan mo na yun. Makakaganti rin tayo!" Sabi naman ni Barry. Pinunasan niya yung luha sa mata ko at nakatingin lang siya saken.
"Gaganti tayo" sabi pa ni Barry.
"Hayaan mo na. Baka lumaki pa lalo yung gulo."
"Ayan problema sayo Anjo eh. Ang bait mo masyado haha. Kung saken ginawa kanina yun baka nasapak ko na yung bakla mong kapatid"
"Haha pabayaan mo na kasi. Okay na ako Barry. Salamat ha?" Sabi ko sakanya.
"Hehe walang anuman. Alam mo naman, special ka saken hehe" sabi niya at niyakap uli niya ako ng mahigpit.
"Ako na lang dun sa labas. Ikaw na lang maghugas dito sa kusina, okay ba?" Sabi niya.
Umoo lang ako sakanya.
Lumabas na si Barry at dito na ako sa kusina nagtrabaho. Tinapos ko yung shift ko na taga linis at taga hugas sa kusina.
"Haha nakaganti na ako Anjo!" Sabi ni Barry saken habang nagbibihis na ako.
"Ano naman ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya.
"Silipin mo sila sa labas dali" sabi ni Barry.
Sumilip naman ako sa labas at nakita ko silang nagkakagulo. Inaaway ni Kim yung tropa niya. Basang basa si Kim, mukhang natapunan ng alak.
"Uyyy adik ka, anong ginawa mo???" Sabi ko sakanya.
"Haha, edi tinapunan ko ng alak tapos sabi ko yung tropa niya may gawa. Ayun naniwala haha"
"Loko ka mamaya gumanti pa. Tama na"
"Walang mangyayari sayo kung magpapaapi ka. Tsaka ako naman may gawa eh, kaya saken ang karma haha"
"Loko ka. Uuwi na ako" sabi ko sakanya.
"Haha, sabay na tayo. Hayaan mo na yung iba dito" sabi naman ni Barry. 9PM na rin kasi. Sobrang pagod ko na at gustong magpahinga.
Nagbihis na ako at ganun din si Barry. Sabay na rin kaming lumabas na dalawa. Paglabas namen sa likod, sabay ding lumabas sila Kim sa bar at inis na inis. Tinago naman ako kaagad ni Barry. Sinandal ako sa pader at nakatingin siya kina Kim.
"Ano? Andyan pa ba?" Tanong ko.
"Shhhhhhh" nakikita ko yung mata ni Barry na tinitignan sila Kim palayo.
"Okay na, wala na sila" sabi naman ni Barry
"Ahh good" nakahinga ako ng maluwag pero di pa rin kami nagbabago ng pwesto.
"Ang bango mo pa rin Anjo" sabi niya.
"Haha loko," tinulak ko siya pero nagmatigas siya. Seryoso naman yung itsura niya na nakatingin saken.
"Ano bang meron sayo Anjo? Bakit simula nung may nangyari saten hinahanap hanap kita?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Pero mukhang seryoso siya at di nagbibiro.
"Pwede ba nating ulitin yun?" Tanong niya saken.
"No, aksidente lang yun"
"Edi ulitin natin para hindi na aksidente" natawa ako sa sinabi niya at kumawala ako sa pwesto namen.
"Wag mo nga ako pagtripan Barry"
"Hindi Anjo, di kita pinagttripan. Ano? Gusto mo ba?" Tanong niya saken. Sht, ayoko ng ganito. Gusto ko rin. Pero kailangan kong pigilan.
"No, sorry" sabi ko talaga.
Di naman na siya nagsalita habang naglalakad kami pauwi. Masyadong tahimik kaya nag isip ako ng mapapagusapan.
"Nakapagusap naba kayo ng ex mo?" Tanong ko sakanya.
"Hindi pa"
"Bakit kasi ayaw mo kausapin?"
"Baka kasi di ko kayanin eh. Hehe"
Biglang nagbago expression niya. Naging malungkot at kita ko sa mukha niya na parang nasasaktan siya.
"Ganyan ba talaga pag nasasaktan?" Tanong ko.
"Siguro kung sobrang mahal mo tapos bigla kang iiwan, ayun, sobrang sakit nun. Parang kinakain yung sikmura mo sa sakit. Minsan, matutulala ka tapos di mo namamalayang umiiyak ka na pala. Ganun"
Kada salitang binibitawan niya, ramdam na ramdam ko.
"Haha sorry madrama Anjo. Pagbigyan mo na kasi ako," sabi niya pa.
"Ano ba yan, nadadala na ako sa drama mo eh haha"
"Pero seryoso Anjo, gusto ko maulit yung nangyari. Kailan ba pwede?" Tanong niya.
"Hala, parang nagyayaya ka lang kumain ah haha"
"Eh kakain ka naman talaga eh, ako nga lang kakainin mo haha" sabi niya pa. Malapit na kami sa kanto nila at ramdam kong gusto ko ring may mangyari samen. Kaso pinipigilan ko talaga.
"Anjo malapit na ako lumiko, ayaw mo talaga? Sabado naman bukas ehh."
"Hehe sorry, pagod talaga ako"
"So kung di ka pagod, papayag ka ganun?"
Ngumiti lang ako na sumang ayon sakanya.
"Yown!! Nice, sa next nating gagawin yun, may iba na akong moves at matutuwa ka haha" sabi pa niya.
Tumawa lang ako sakanya.
"Sige na Anjo, dito na ako bye!" Kinurot niya pwet ko sabay liko sa kanto nila.
.
.
.
.
"BB!!! Naguguluhan na ako" sabi ko sa phone kay Marco. Pinatawag ko siya kasi gulong gulo na ako.
"Ano bang problema mo???"
"Ano bang nangyayari saken. Bakit biglang ganito. Daming lalaki sa buhay ko!"
"Aba, ang ganda mo naman pala."
"Haha seryoso kasi BB"
"Isa isahin mo nga BB" sabi niya.
"Ayan, una si Teejay syempre. Tapos si Dom pa, tapos ngayon pati si Barry..."
"Barry? Katrabaho mo? E mas straight pa sa ruler yun tapos hinahabol ka? Assumera ka lang ata BB"
"Hindi BB, May iba talaga. Siguro assumera ako pero ganun kasi nakikita ko"sabi ko.
"De, assumera ka lang"
"Kahit may nangyari samen BB?"
"Fvck you!!!!! Seryoso ka?"
"Oo nga!!"
Di ko narinig yung sinabi ni Marco kasi may kumatok at binuksan yung pinto ko.
"Uyy Anjo, bukas ha? Asahan ko yan hehe" si Kurt yun. Wala na naman siyang suot na damit tapos naka boxer lang. Ang hot talaga ni Kurt. Sobrang ibang iba kay Kim na malamya. Si Kurt, lalaking lalaki.
"Oo hehe" sagot ko sakanya.
"Hehe, Goodnight Anjo" sabay sara ng pinto.
"Narinig mo yun BB?! Si Kurt yun, stepbrother ko. Pati siya mukhang isa rin!!"
"Pati sarili mong kapatid? Fvck BB, apat apat?!"
"Actually may isa pa, medyo bago"
"Tengene naman. Pahingi naman ng creamsilk green mo BB!! ng mahawaan naman ako!"
"Haha baliw, meron kasi akong nakilala. Di naman sinasadya, Drew name niya at super yaman. Kaso suplado, ayun, niyayaya nga niya ako bukas sumama sa party niya eh. At eto pa, bumili kami ng damit worth 10000 pesos at binigay lang saken!!"
"Ohh fvck!!! BB ang ganda mo!! Seryoso? Kumusta naman si Drew?" Tanong niya.
"Ay BB, mukhang nahulog na anghel sa langit. Kung physical appearance, walang malalait. Medyo moody lang at suplado pero kung mukha at katawan lang, pasok na pasok!"
"Fvck BB, ang hirap ng sitwasyon mo!!"
"Kaya nga BB, Ayoko naman magmukhang malandi kasi ang dami nila. Pero syempre ayoko naman magpaka santo, bago naman sila dumating sa buhay ko masaya naman s*x life ko. At ayoko mawala yun"
"So ang pinoproblema mo eh paano yung s*x life mo dahil sa lima mong manliligaw, ganun ba yun?!" Tanong niya.
"Hindi BB! Iba na kasi. Dati okay lang na makipagsex kasi feeling ko wala naman akong masasaktan pero ngayon parang meron"
"Paano mo nasabi?"
"Si Teejay kasi super sweet tapos umeeffort na. Si Dom naman, mas nakikilala ko na tapos nararamdaman ko yung sincerity niya. Si Barry din, ibang iba na nung kausap ko."
"Hmmm. For me lang naman to BB ah, kaya nga ayaw mo ng commitment kasi ayaw mo ng sakit ng ulo diba? So bakit ka naman masstress e hindi ka naman committed?"
"Ano ibig mong sabihin??"
"The thing is, I can see na naaapektuhan ka sa manliligaw mo at the same time, ayaw mo rin naman mawala nakasanayan mo. So I suggest, go ka lang sa s*x life mo. Go!"
Di naman ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"Tsaka BB, kilala kita. Malibog ka lang, pero alam ko kung ready kana makipagrelasyon, magiging seryoso kana. Wag mong stressin sarili mo."
"Pag sayo talaga nanggagaling, gumagaan loob ko, salamat BB!" sabi ko naman.
"Ganun talaga pag inspired haha sige na, matutulog na ako BB!" Sabi niya pa.
"Haha goodnight BB, salamat ha??"
"Ofcourse." Binaba na namen yung tawag at napatingin ako sa kisame. Medyo nahihirapan talaga ako. Ayokong magmukhang malandi pero ayun kasi yung lumalabas.
Sa kakaisip ko, di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
.
.
.
.
Nagising naman ako dahil sa nahulog na gamit sa sahig. Pagmulat ng mata ko nakita ko si Kim na pinapakialamanan gamit ko.
"Infairness ha, dami mo rin palang gamit dito" sabi ni Kim. Ang maldita ng itsura niya, naka tshirt lang siya at short habang pinapakialaman damitan ko.
"Kim..."
"Wow! Naka box pa, ano naman kaya to" sabi niya nung nakita niya yung box na bigay saken ni Drew.
"Fvck, Ang gandaaa Anjo!!" Tinignan niya yung damit at pinatong sa katawan niya. Tinignan niya sarili niya sa salamin at gandang ganda siya sa damit.
"Wow, mukhang mamahalin. Paano mo naafford to?" Tanong ni Kim.
Dali dali akong tumayo para kunin yun sakanya.
"Akin na yan!" Sabi ko.
Pero di niya binigay.
"Kim!" Medyo galit na ako pero ayaw pa rin niya ibigay. Pilit ko naman kinukuha sakanya pero mahigpit pa rin pagkakahawak niya.
Natatakot ako na baka masira kaya binitawan ko at pagbitaw ko, natumba siya at tumama likod niya sa dingding.
"Fvck Anjo!!!" Sigaw niya sa sakit. Hawak pa rin niya yung damit at gusot gusto na yun.
Tumayo siya at akala ko sasaktan niya ako pero may hinahanap siya sa drawer ko, di ko alam kung ano. Pagbukas niya nung sa ibaba, kinuha niya yung gunting. Parang alam ko na gagawin niya pero nakatayo lang ako at tinitignan siya.
Ginupit niya ng ginupit yung damit. Galit na galit siya at binubuhos niya yung galit sa damit.
"Fvck Kim!! Ano ba!!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nakita kong butas butas na yung sa bandang katawan at sa bandang manggas.
"Tanginaaaaa mo Anjo!!!!! Arghhh!!!!" Nilapag niya yung damit at pinagtatapak tapakan.
"Tumigil ka na Kim!!" Sigaw ko sakanya.
Tinulak niya ako at napatumba ako sa sahig.
"Bwisit kaaaa!!!!! Aghhhhhhrrr!!!!" Inis na inis siyang lumabas ng kwarto ko. Pero ang inaalala ko yung damit na mamahaling binigay saken ni Drew.
Paano na to.