Part 9

2745 Words
"Ang tagal mong nawala. Siguro busy ka?? :((" chat saken ni Spiderman pagbukas ko ng omegle. "Sorry, busy lang talaga" "Nagpapamiss ka lang ehhh. Ang tagal pa ng isang buwan bago tayo magkita" "Hehe don't worry malapit na rin" "Superman, usap naman tayo. Sa we chat? Hehe parinig lang ng boses uli" reply niya. Pumayag naman ako at nagbukas ng wechat. Sinabi kong online na ako kaya himihintay ko na lang tawag niya. "Superman!!" Bungad niya pag sagot ko ng tawag, may kaboses talaga siya pero di ko mawari yung sino. Basta ang hot ng boses niya sa phone. "Spiderman!!" Sabi ko naman. "Grabe ka naman magpamiss. Hehe" "Hindi. busy lang talaga ako sa school at work" "Sabagay hehe. Hmmm. Kumusta ka naman??" "Ayoss naman hehe. Ikaw?" "Okay lang din. May nililigawan ka na ba o nanliligaw sayo?" Bigla niyang tanong saken. Nagulat ako sa pagka diretso niya. "Uyy superman." "Ahhh, di ko alam eh haha" "Hala ano kaya yung di alam. Hahhaa. So meron nga? I mean, may ibang nagpapasaya sayo ngayon??" "Hmm parang, siguro ganun na nga hehe" "Awww. Mukhang mahuhuli na ako sayo ah haha" "Haha di mo nga ako kilala eh, tapos di mo pa ako nakikita. Di mo alam totoo kong ugali" "Ayun nga maganda kapag di mo nakikita eh, nararamdaman mo kung sino at ano talaga siya, pagdating naman sayo, alam kong okay ka. Okay na okay" Biglang tumahimik. Medyo sweet din to si Spiderman eh. "Haha korny ko na ba? Haha, siguro kahit anong itsura mo, okay lang. Haha. Hindi rin naman ako gwapo kaya di ako naghahanap ng gwapo. Gusto ko lang yung marunong magmahal" sabi niya pa. Kung ano ano na nasasabi niya. Totoo na kaya yun o pinagttripan lang ako neto. "Kung ano ano na naman pinagsasasabi mo diyan ah haha" "Haha sorry, kumain ka na ba?" "Oo, ikaw ba?" "Sana busugin mo ko ng pagmamahal mo" "Haha baliw ka! Antok ka lang" "Hehe medyo pagod nga ako eh. Lumusong kasi ako sa ulan kanina eh" "Ahh talaga? Magpahinga kana. Baka magkasakit ka pa eh." "Uyy concern hehe, Goodnight superman" "Haha ewan ko sayo, Goodnight Spiderman" Binaba ko na yung tawag at nagpahinga. Gabi na rin kasi. . . . . . "Anjo nasaan ka?" Tawag saken ni Dom. Nasa school kasi kami at nagppractice para sa play. 12 kami sa grupo at lahat lalaki, si Teejay lang kakilala kong nakakausap ko at yung tropa niyang si Rick. Si David at Marco kasi sa kabilang grupo. "Nasa school ako ehh." "Ahh ganun ba? Gusto ko sana makipagkita, aalis kasi ako ng 3 days, sayang naman" "Ay sorry di ako pwede tumakas eh." "Sige naiintindihan ko, pag may kailangan ka sabihin mo lang saken ah?" "Hala, okay na ako" "Di mo man lang ba ako tatanungin kung saan ako pupunta?" "Haha, osige, saan ka ba pupunta?" "Sus, kung di ko pa sasabihin di pa itatanong. Nakakapagtampo" Natatawa ako sa mga sinasabi niya, "Ohh saan nga po kasi??" "Haha, magcecelebrate ng birthday kasama friends ko. Ikaw kasi kasama ko nung mismong araw ng birthday ko eh" "Ahhh saan ba yun?" "Sa Batangas lang" "Ahhh sige, mag ingat kayo ha?" "Hehe mas mag iingat ako kapag may kiss" "Hala, bawal kiss haha." "Kahit virtual kiss lang, dali na" "Bawal nga." Sabi ko pa. Natatawa talaga ako sakanya. "Please. Please. Isang, mwa lang." "Oh sige, ayan na oh. Mwa" "Ahhhh sht. Ang sarap. Sana totoo haha. Bye Anjo," "Haha sigee, bye" binaba ko na yung tawag. Pagkatalikod ko nakita ko si Teejay na nakatayo, naka sando lang siya at slacks, hinubad niya kasi polo niya, fvck talaga, ang puti niya, napakakinis at ang gwapo gwapo. Amoy ko rin siya sa pwesto ko. "Sino yung kausap mo?" Tanong niya saken. "Ahh friend ko" sabi ko. "Friend pero may mwa?" Sabi niya. Bigla naman niya akong tinalikuran at bumalik sa mga kagrupo namen na parang galit siya. Sinundan ko siya at hinawakan sa balikat. "Galit ka???" Tanong ko sakanya. "Hala, hindi ah. Hanap na kasi tayo dito," "Bakit naging suplado ka bigla" "Wala nga, tanong mo diyan sa friend mo, baka gusto pa niya ng isa pang mwa mo!" Omg. Nagseselos ba si Teejay??? Nakakaasar, ang cute niya pero di niya talaga ako pinapansin. Nahiya naman akong kausapin siya kaya di ko na lang din kinulit. Nagppractice kami about sa play, related sa course dapat yung theme namen kaya about sa OFW, okay naman at maganda yung story pero ang problema namen is casting. Wala kasing babae sa grupo namen kaya napagisipan namen magbunutan ng cast. Ako na unang bumunot para malaking chance na di ako yung lead role, nahihiya rin kasi ako. Pagkabunot namen lahat, sabay sabay nameng binuksan, at nung nakita kong akin, YUNG LEAD ROLE na babae. Lahat sila masaya rin pero napansin kong di rin natuwa si Teejay sa nabunot niya. Lumapit ako sakanya pero parang umiiwas pa rin siya. "Uyyy Teejay sino sayo?" Tanong ko. "Sana yung friend mo na lang yung nabunot ko para may mwa rin ako galing sayo" Ang cute ng itsura niya at pagkakasabi, yung nagtatampo at nagseselos. "Hala baliw ka haha sino nga???" "Yung lead role na lalaki, gusto ko nga extra lang ako eh. Nakakaasar, sino nakuha mo??" "Yung lead role na babae!" Inis kong sabi sakanya. Sinilip niya yung nabunot ko at napansin kong ngumiti siya ng bahagya tapos biglang sumeryoso uli. "Ohh paano ba yan, magkapartner tayo. Sabihan mo na friend mo ha?" Nang aasar lang siya pero ang cute pa rin niya. Ngumiti na lang ako bilang sagot. Binigay naman saken yung script ko, fvck, ang daming kakabisaduhin. Paano ko naman to gagawin, daming kakabisaduhin. Sana pwede magbasa ng script pero bawal daw. "Anjo, pagbutihin natin to ah para sure pass na tayo sa isa." Parang bumalik naman siya sa dati. "Sige Teejay" sabi ko na lang. Nagpractice muna kami ng kaunti at gumawa ng kung ano anong props, di ko masyadong nakausap si Teejay kasi kagrupo namen si Rick at palagi siyang nakatingin sa phone niya. 6PM na natapos yung practice, may oras pa para pumasok sa bar. "Uwi ka na Anjo??" Tanong saken ni Teejay. Nagpalit siya ng sando na suot, kahit maghapon kami ngayon, ang fresh pa rin niya tignan. "Pasok ako sa shift ko" "Hala seryoso?? Baka naman di kayanin ng katawan mo yan." "Kaya ko to, ako pa ba haha" "Wag ka na pumasok, magpahinga ka na lang." Parang nagagalit pa siya. "Hindi pwede, edi wala akong pera. Walang pangkain. Ako pa namroblema" "Ganun ba? Sige lilibre na lang kita ng pagkain ngayong linggo. Wag kana pumasok please? Alam ko naman pagod ka eh, napipikit ka nga kanina habang nagbabasa ng script mo eh" "Hala, okay lang ako..." "Isa Anjo, wag na please. Magpahinga ka na lang" naglalakad na ako palabas ng school "Di nga pwede!" Bigla niya akong hinawakan sa braso at pinigilan sa paglakad. "Anjo, wag na. Itext mo na lang boss mo sabihin mo babawi ka bukas," "Bakit ba ang kulit mo Teejay?" Medyo naiinis na ako. "Ano ba Anjo, nag aalala lang ako sayo. Pagod ka na nga sa school, tapos magttrabaho ka pa. Di mo pa nasisimulan yung mga dapat mong gawin," Natukala lang ako nung sinabi niyang nag aalala siya saken. Parang may something sa mga mata niya na talagang nagsasabing sundin ko sinasabi niya. "Sige, itetext ko na si Kuya Cris. Sana pumayag siya" Ngumiti naman siya at binitawan na ako. "Good" sabi niya lang. Tinext ko na si Kuya at naglakad palabas, "Oh saan ka naman pupunta??" "Edi uuwi, sabi mo umuwi ako at magpahinga" sabi ko. "Ahhh, ayaw mo bang gumala muna?" "Ha?!!! Sabi mo magpahinga ako tapos ngayon gusto mong gumala ako?!" Nagtext naman kaagad si Kuya Cris, "ayaw pumayag ng step mom mo, pero sige magpahinga ka muna Anjo, ako na bahala dito. Di ko na lang sasabihin na di ka pumasok pero wag ka muna umuwi sainyo, ha?" Napaisip naman ako sa text ni Kuya Cris. Ang bait talaga niya, buti pumayag. "Ohh, yung boss mo ba yang nagtext o yung friend mo???" Tanong ni Teejay saken. "Si Kuya Cris, yung namamahala sa bar, okay lang daw kaso baka di pumayah step mom ko kaya wag daw muna ako umuwi," "Ayun nice!!!! Sa dorm ka na lang muna magpahinga, tahimik naman dun eh at saka ako lang tao" sabi naman niya. Napapaisip ako pero parang gusto ko rin sumama. Crush na crush ko kasi to si Teejay eh. "Di ba nakakahiya??" "Hindi, hindi tara. Dun tayo, paglulutuan kita" sabi niya pa. Pumayag na lang ako kasi wala naman akong ibang pupuntahan. Si Marco naman umuwi na. Inakbayan niya ako habang palabas kami ng school. Ang bango bango pa rin niya kahit na pawis kami kanina sa practice. "May knock knock akong bago" sabi niya habang naglalakad kami. "Ahh sige parinig" "Knock knock" "Who's there?" "Anjo" "Kapag anjowings of love uli yan aalis na ako" "Haha, nakakaasar, Anjowings of love nga yung sasabihin ko eh hahaha" "Hahaha ano naman yung bago dun???" Sabi ko naman. "Syempre yung bago dun eh kaakbay kita habang ijojoke ko yun haha" fvck kinikilig ako kay Teejay. Nagulat naman ako ng bigla niyang amuyin buhok ko. "Wow, Creamsilk Green. Nice" inamoy niya ako. Tanginaaa. Minsan naman, hahawakan niya tenga ko para mang asar lang. Di naman ako makaganti kasi matangkad siya saken. Maya maya pa, nandito na daw kami sa dorm niya. Magkakatabing kwarto yun, sementado naman at naka tiles yung sahig. Kasing laki din ng kwarto ko pero mas malinis kwarto niya. Nakaayos mga damit, malinis lababo, at maaliwalas tignan kahit maliit. May lamesang maliit para sa kainan at may computer. "Sorry kung maliit lang kwarto ko ah??" Sabi niya saken, nilapag niya bag niya at umupo siya sa kama. "Wow, may sarili ka pang computer ah" "Aba syempre, kailangan natin yan ehh" "Haha, sabagay" "Uyy feel at home, tara tabi ka saken. Gusto mo ba matulog o manuod ng movie o ano? Sabihin mo lang" tumayo siya at naghubad ng sando. Fvck, kahit nakatalikod ang sarap niya. Halatang nagbubuhat si Teejay dahil sa mga muscle sa likod niya. Ang puti niya talaga, at nag iinat inat siya. Di ko naman namalayan nakatingin pala siya saken. "Pst, mamaya malusaw ako niyan kakatitig mo" nakatingin siya saken at napatingin ako sakanya. Kinindatan niya ako sabay punta sa lababo. May ref siyang maliit at kumuha ng itlog at hotdog. "Paglulutuan kita ng itlog at hotdog ah? Prito lang alam ko eh haha" sabi niya pa. Tumayo ako para lumapit sakanya. Nasa likod niya ako at naamoy ko siya. Amoy pawis, pabango at lalaki. In short, masarap. "Ooops ooops opps. Bisita kita, upo ka lang diyan" tinulak niya ako sa kama pero napatid ako at napahiga, hawak pa rin niya ako kaya napatong siya saken. Nasa ibabaw ko ngayon yung hubad na katawan ni Teejay. Nakatingin siya sa mga mata ko. "Ohh ayan, kitam mo pagod ka, maupo ka lang diyan at ako bahala sayo" tumayo na uli siya at inabot saken yung laptop niya, maglaro daw muna ako o mag f*******:. Binuksan ko yung laptop niya at pagbukas nun, nagulat ako dahil picture ko yung wallpaper niya. Eto yung picture ko nung Christmas Party namen lastyr, nakanguso ako at talagang stolen shot. "Ayyy sht sht!!" Sabay hila niya ng laptop. Natawa naman ako at mukhang napahiya siya. "Sorry, sorry! Ahahaha, cute mo kasi dun sa picture na yun eh" "Nakakaasar, bakit yung picture na yun pa napili mo" "Haha e bakit yun pa. Stolen" "Haha sarap mo kayang kuhaan ng stolen, mukhang kawawang bata. Luwag luwag ng damit tapos nakabagsak pa buhok haha. Cute cute" tanginaa mamamatay na ako sa kilig sa sinasabi ni Teejay. "Ehhh bakit mo wallpaper mukha ko???" Tanong ko sakanya. Di naman siya sumagot at inabot na niya uli saken yung laptop niya, iba na yung wallpaper. "Sige na, magluluto na ako. Mukhang gutom ka na eh, ayoko pa namang nagugutom ka haha" sabi niya pa. Ang hot ni Teejay!! May abs siya at yung u***g niya, argh. Nag sss muna ako. Since wala naman ako twitter at ig. Di naman kasi ako active sa social media. "Wag ka makipag chat ha? Nako" sigaw niya habang nagpprito. "Haha eh paano kapag nakipag chat ako? Single naman ako" "Haha single ka lang sa ngayon." Sabi pa niya. Nakita ko naman siyang palapit saken at sumilip sa ginagawa ko. "Hmmm. Ang bango mo talaga no??" Sabi niya saken habang inaamoy ako sa leeg. "Hala baliw ka, haha" "Paamoy pa ngaa" bigla niyang nilapit ilong niya sa leeg ko at naramdaman ko yung mga labi niya. Fvckkkk, nag init ako sa ginawa niya. "Tara kain na tayo" yaya niya saken. Pumunta na kami sa lamesa. Sunog yung itlog at hotdog na niluto niya pero okay lang, ganun naman gusto kong luto sa hotdog at itlog. "Haha sorry wala talaga kong talent sa pagluto" sabi niya pa. Kumain na kaming dalawa. Nagkamay lang kami pareho. "Ohhh, tikam mo tong galing saken haha" sinubuan niya ako ng pagkain. Mas naramdaman ko yung pagkain sa ginawa niya. "Sarap diba?? Haha. Mas masarap kasi may feelings yan" Naguguluhan talaga ako dito kay Teejay. Kung ano ano sinasabi. Pero gustong gusto ko naman. Mahuhuli ko naman siyang tumitingin saken, alam kong sinasadya niya eh tapos biglang di titingin uli. Ang pogi talaga ni Teejay. "Sige sa kama ka na uli, susunod ako dun. Nuod naman tayo movie" sabi niya pagkatapos namen kumain. Umupo na ako sa kama at bahagyang nahiga. Naramdaman ko lalo yung antok sa ginawa ko. Naalimpungatan na lang ako na feeling ko may nakatingin saken. Nakatulog pala ako at pagmulat ng mata ko, nakatingin saken si Teejay. Napatayo ako sa kama niya sa gulat. "Nakakainis ka naman. Bakit ka nakatingin ng ganun saken, nagulat ako haha" sabi ko sakanya. "Ang sarap mo lang pagmasdan. Napaka cute" sabi niya saken. Kinuha naman niya yung laptop at mukhang naghahanap ng movie. "Halika, tabi ka saken, nuod tayo movie. Ano ba gusto mo? Romantic? Comedy o porn?? Hahaha" "Haha baliw, romantic na lang" sabi ko. "Wow, mahilig ka pala sa romantic na movie ah hehe. Halika, nuod tayo ng The Proposal." Nakasandal kami sa pader at nakaupo sa kama. Nasa lap ni Teejay yung laptop. Nakasando siya at boxer short, ako naman naka uniform pa rin pero naka sando na lang at slacks. Ang cute ng movie, nakakatawa at nakakakilig. "Ang cute mo pala ngumiti no?" Sabi niya saken. Nakatingin pala siya saken. Madilim kasi at nakafocus lang ako sa laptop. "Manuod ka nga lang diyan" sabi ko pa. "Mas masarap ka panuorin eh." Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Bigla naman niya hinawakan mga kamay ko. Kinilabutan ako sa kilig. "Okay lang ba?" Tanong niya saken. Di ako nakapagsalita. Nanuod naman siya uli. Inabot ng isang kamay niya yung ulo ko at hiniga niya sa balikat niya. Fvck, ano ba tong nararamdaman ko. Anjo, bawal mainlove. Bawal. Hindi ako pwedeng mainlove. Ayoko ng sakit, masaya na ako sa s*x lang. Oo. Tama. Kumalma ka. Nagfocus na lang ako sa pinapanuod ko pero yung hawak ng kamay ni Teejay saken, ang sweet. Ang lambot ng mga kamay niya. Andun na kami sa part na magkikiss na yung bida. "Hmmm. Ang sarap naman ng kiss" bigla niyang sinabi. Di pa rin ako sumagot. "Ang sarap sa feeling ng nandiyan ka sa balikat ko ngayon tapos hawak ko kamay mo" Binitawan ko siya at humarap ako sakanya. "Teejay ano ba, ano ba tong ginagawa mo???" "Di ko alam Anjo, matagal ko na sanang ginawa to sayo. Kung alam ko lang na katulad mo ako, edi sana matagal na tayong ganito." "Anong ibig mong sabihin????" Tumingin lang siya saken at hinawakan niya mukha ko. Hinawi niya yung buhok ko. "Yang matang yan, yang ilong na yan, yang bibig na yan. Matagal ko ng gusto yan Anjo, matagal na kitang gusto" Nakatulala lang ako sa kanya. Sumasakit dibdib ko sa kaba. Parang sasabog ako, hindi ko alam kung bakit. Tinaas niya mga buhok ko, hinawakan ako sa mga noo at pisngi, nakita kong papalapit siya saken. Fvck, hahalikan ba niya ako. Gusto kong umiwas, gusto kong kumawala pero nakatingin lang ako sa mga mata niya habang palapit siya saken. Malapit na siya sa mukha ko. Pumikit na siya. Huminto siya nung nagkadikit mga ilong namen. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Bago pa makalapit yung labi niya sa mga labi ko, narinig kong may kumatok sa pinto. At dun, para akong binuhusan ng tubig at natauhan. Dali dali akong tumayo at nagbihis. Kinuha ko agad yung bag ko. "Saan ka pupunta Anjo??" "Ahh aalis na ako, hehe salamat sa dinner. Pagbuksan mo muna yung bisita mo" Tumayo si Teejay at pumunta sa pinto. Pagbukas niya ng pinto nakita ko, isang babae yun na maganda. Mestisa, yung mga mata niya napakaganda, ang tangos din ng ilong at yung mga labi, sobrang ganda. Ang sexy din niya, napaka perfect. Nagulat na lang ako ng sinampal niya ng malakas si Teejay. Di ko naman alam gagawin ko nung mga oras na yun. Pumasok yung babae at pinagsasampal pa si Teejay. Isa, dalawa, tatlo, apat na beses. Di naman lumalaban si Teejay. "Ang lakas ng loob mong makipagbreak saken thru phone!!!" Sigaw niya kay Teejay. Napansin naman niya ako ng mga oras na yun at humarap siya saken. "I'm sorry, di kita napansin. Can you please give us a second?" "Sige, aalis na rin ako eh" "Who are you again? He never mentioned you kasi" "Ako si Anjo." Sabi ko sakanya. "Ahh. Ako si Cara, girlfriend netong lecheng to!" Pakilala niya saken.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD