Part 12

3026 Words
Ordinary day. Nagising ako at Nag asikaso pagpapasok. Nakabihis na ako at bumaba para magluto. "Uyyy Anjo." Bati saken ni Kurt. "Uyy" "Sorry pala sa kalasingan ko nung isang gabi ah? Hehe." "Ah yun? Wala yun hehe. Okay lang" "Pero naalala ko lahat ng ginawa ko nun eh. Tuloy pa yung tutoring natin ah?" "Hehe oo naman!" "Good good." Pumunta na ako sa kusina para magluto. "Ang galing mo no Anjo? Dami mong skills." "Ehh wala naman kasing ibang kikilos dito kundi ako lang haha. Joke" "Haha totoo naman eh. Kundi dahil sayo baka kung ano ano kinakain namen ngayon" "Nako kung wala yan si Anjo edi sana maganda buhay natin. Hindi na pinoproblema yung pera sakanya" si Kim yun at mukhang panget ang gising niya. "Ewan ko sayo Kim" si Kurt yun. "Ehhh totoo naman, nako." Di ko na lang pinansin si Kim at kumain ako sa sala. Nasa lamesa kasi si Kim. Hinugasan ko pinagkainan ko, nagtoothbrush at umalis na ako. Nakita ko naman si Marco sa tapat ng bahay, dala niya kotse niya. "Bilisan mo BB kumilos ng matuwa ako sayo" sabi niya saken. "Ewan ko sayo" sumakay na ako ng sasakyan pero pagbukas ko sa harap, nakita kong nakaupo si David. "Ay sorry BB, sa likod ka na lang hehe" sabi ni Marco. Nag hi naman saken si David at ngumiti ako. Pagpasok ko ng sasakyan, pinagmasdan ko lang silang dalawa. Tahimik na nagddrive si Marco tapos si David naman nakatingin lang ng straight. "Ano meron BB?" Tanong ko. "Ano??" Tinignan niya ako sa salamin at nginuso ko si David. "Ahh wala BB, hehe" "Hmmmm. David, bakita magkasabay kayo ni Marco?" "Ahh dumaan kasi sa bahay hehe" sabi naman ni David. Tinignan naman ni Marco si David ng masama "Alam mo BB, kilala na kita. Nag de date ba kayong dalawa?" Diretso kong tanong sakanila. Di naman sila sumagot na dalawa at nagngitian lang. "Nakakaasar ka BB, bakit di mo sinasabi!!" "Haha di kasi ako makahanap ng timing. Tsaka gusto niya, dalawa kaming magsasabi" sagot ni Marco. "Haha malandi, akala ko ba ayaw mo sakanya?? Harap harapan mo pang sinabi na 'im not interested' hahah" asar ko sakanya. "Sinabi mo pala yun baby?" Sabi ni David kay Marco. "Dati baby sinabi ko yun sayo pero nagbago na lahat" sabi naman ni Marco. Natatawa ako sa tawagan nilang baby eh. Ang bait tignan ng bestfriend ko kapag inlove "Bawiin mo na baby" sabi ni David. "Opo baby binabawi ko na, i'm interested. Super interested pa!" Sabi naman ni Marco. "I L you." Sabi ni David. "I L tou too" sabi naman ni Marco. Natatawa ako sakanila kasi sobrang korny nilang dalawa. "Nako tigilan mo ko BB, patawa tawa ka pa diyan eh ikaw din inlove naman!" Sabi naman ni Marco. "Oo nga Anjo, kumusta kayo ni Teejay??" Tanong ni David saken. "Wala namang kami ha?" "Sus Anjo, sabi niya saken sinabi na niya sayo na gusto ka niya" sabi ni David. Di naman ako nakasagot. "Ohhh diba, alam ko yan. Kinekwento saken ni Teejay lahat. Nakipagbreak pa nga yan kay Cara dahil sayo eh" so totoo nga na ginawa ni Teejay yun. Sweet pero ayokong may masira dahil saken. "Anjo ano na? Kumusta kayo ni Teejay" pangungulit ni David "Wala, di ko naman siya pinapansin" "Ahh oo nga, sabagay nakwento pala niya. Si Cara kasi eh, ang kulit kulit.ayaw tantanan si Teejay" "Hayaan mo na, nasaktan siya eh hehe" "Malandi lang talaga kamo si Cara haha" sabi pa ni David. "Baby, boses" saway ni Marco. "Sorry baby" Pero infairness, ang sweet nilang tignan na dalawa. Bagay na bagay. Nakarating na kaming tatlo sa school. Hindi naman sila PDA pero naghaharutan silang dalawang parang magtropa lang. "David!!" Sigaw ng lalaki sa likod. Si Teejay yun, kahit gaano ako kagalit sakanya, di naman matatangging gwapo talaga. Parang ang hirap magalit sakanya. Napansin niyang kasama ako ni David. Kaya bumagal yung paglapit niya sa tropa niya. "Pre" sabi naman ni David. "Hi Anjo" bati saken ni Teejay. Ngumiti lang ako ng pilit at medyo nauna ng maglakad. "Marco, una na ako ah?" "Sigee" sagot niya. Nagmadali ako sa paglakad at alam kong nakasunod saken si Teejay. "Kapatid mo pala si Kim?" Tanong niya. "Uhm. Oo" sagot ko. "Bakit di mo sinabi saken" "Bakit kailangan ko sabihin?" "Galit ka pa ba?" "Hindi" "Eh bakit ganyan sagot mo?" "Eh bakit ganyan tanong mo?" "Anjo ano ba!!" Bigla niya akong hinawakan sa braso. Maraming estudyante nung mga oras na yun. "Ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad no ako??" Tanong niya. "Wala. Wala ka naman dapat ipaliwanag eh" sabi ko. "Wala naman na talaga kami ni Cara, matagal na akong nakipaghiwalay. Siya lang naman may gusto" "Ehh yung halikan niyo sa bahay namen?" "Fvck Anjo, lasing ako nun. Akala ko ikaw yung humalik saken!" Di ako makapaniwala sa sinasabi niya. Nakakainis siya. "Wala naman dapat ipaliwanag Teejay. Okay lang ako" sabi ko sakanya at umalis na ako. Nakasunod pa rin siya saken. "Ano ba Teejay!! Umalis ka na nga!" Sabi ko sakanya. "Bakit mo ko pinapaalis eh pupunta lang naman ako sa room naten" sabi niya pa. Napahiya ako ng konti at napansin kong tumatawa siya. Ang lakas mang asar ni Teejay nakakainis. Nakarating na ako sa room at magkatabi pala kaming dalawa ni Teejay ngayon. Umupo na ako at naglaro muna ng candy crush. Maya maya may inabot sakeng candy si Teejay. Fresh candy. Binasa ko yung message, nakalagay "I'm sorry". Tinanggap ko lang at binuksan at kinain ko sabay tapon ng candy wrapper. Ang tagal ni maam. Nakakaasar. Maya maya nagbigay siya ng bond paper na may nakasulat na malaking, "I'm sorry Anjowings of love!! :(" Tinignan ko lang siya at nakatingin saken na nakanguso. Mukhang nagmamakaawa. Natawa naman ako sa itsura niya pero pinigilan ko, nilukot ko yung papel at tinapon sa tabi niya. Kinalabit naman niya ako at kinukulit, tumingin ako sakanya at may inabot siya sakeng chocolate na naka ribbon at may sulat na "bati na tayo". Tinignan ko siya at ngumiti ako ng pilit, nilagay ko agad sa bag yung chocolate niya at di ko uli siya pinansin. Kinakalabit niya uli ako at pag tingin ko sa kanya, nag memake face siya. Pinapatawa niya ako sa mga itsura niya. Kahit nagpapapangit siya, napakagwapo pa rin niya. Di ko naman maiwasang hindi mapangiti sa ginagawa niya. Pero tumalikod ako uli at di siya pinansin, pero nakangiti pa rin ako. Napansin ako ni Marco na nakangiti at nabasa kong sinabihan niya akong "malandi" tumawa lang ako sa ginawa niya. Nag abot na naman siya ng maliit na papel, at sinabing. "Uyy napa smile ko siya :)" nakakainis. Bakit kasi ang sweet ni Teejay. Nakakaasar. Kinalabit niya uli ako at pag lingon ko, nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko. "Sorryy naaa. Kung nagalit ka" kinakantahan niya ako sa tenga ng pabulong. "Di naman. Sinasadya" di ako umaalis, di naman siya marunong kumanta pero kinikilig ako sa ginagawa. "Anjo, sorry na. Please, usap tayo mamaya. Promise, I'll tell you everything" nagkatinginan kaming dalawa at ramdam kong sincere siya. "Di ko alam ...." "Please, may practice naman tayo mamaya diba? Dun, usap tayo. Please" pakiusap niya. "Ayoko..." "Luluhod ako sa harap mo sige ka" "Teejay..." Tumayo siya sa harap ko at dahan dahan na lumuluhod. "Fvck, oo na sige na!!" Sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya at umupo sa upuan niya. "Salamat Anjowings of love" bulong niya saken. Tumalikod uli ako sakanya at buti na lang dumating na si maam. Kinukulit pa niya ako pero di ko pinapansin. Di niya lang alam, napapangiti niya ako. . . . . "Sabay na tayong mag lunch Anjo" sabi ni Teejay saken pagkatapos nung 2nd subject. "Ahh busog pa ako eh" "Ahh ganun ba? Hmm. Sige samahan na lang kita kung saan ka magpunta" sabi niya. "De hindi na, hehe." "Anjoo..." "Isa Teejay, di kita kakausapin mamaya sige ka" "Anjo naman ehh" "Sige na, aalis na ako" sabi ko naman. Di naman niya ako sinundan. Medyo gutom na rin ako, mahal kasi pagkain sa school, lumabas naman ako para maghanap ng murang kakainan. Napansin ko namang tumatawag si Dom saken. "Anjo, hello. Nasaan ka?" Sagot niya sa tawag ko. "Ahhh nakita na kita" bago pa ako magsalita, sinabi na niya yun. Binaba na niya yung tawag at hinahanap ko siya. "Uyy, tara Anjo, lunch tayo" si Dom yun, nasa likuran ko. Naka suot siya ng long sleeve na pink at slacks, naka leather shoes at nakaayos yung buhok, fit na fit sakanya yung long sleeves kaya ang yummy talaga niya. Pinagtitinginan naman siya ng ibang estudyante kasi gwapo talaga. "Ahhh kumain na ako eh" sabi ko na lang. "Sus, kaka labas mo lang sa klase mo diba? Wag ako Anjo haha. Eto oh may dala akong pagkain" may hawak siyang paperbag. "Ahhh..." "Wag ka na makulit diyan, halika na" hinatak niya ako at pumunta kami sa carinderia at dun kami kumain, bumili lang siya ng softdrinks dun. May dala siyang pagkain from Chowking. "Tara na, gutom na rin ako" sabi niya. Kumain na kaming dalawa. "Wala ka bang pasok?" Tanong ko sakanya. "Meron, lunch break ko lang" "Ha? Saan ka ba nagwowork?" "Sa BGC" "BGC?!!!! Eh Taguig pa yun ha?!!!" Sabi ko sakanya. "Haha, gulat na gulat? Tsaka sa Makati na yun. Haha"sabi niya pa. "From BGC hanggang dito? Ang layo kaya nun!!" Sabi ko naman. "Naka motor naman ako eh hehe, okay lang yan, may...." tumingin siya sa relo niya. "40 mins pa ako haha" Tinignan ko naman siya habang kumakain. Mukhang gutom at pagod. "Dapat di ka na pumunta rito eh" "Ahh nako, ang kulit mo eh. Edi ako na lang pupunta rito at hahatiran ka ng pagkain" sabi niya pa. Natuwa naman ako sa ginagawa niya saken. Naappreciate ko yung effort pero di ko talaga alam intensyon neto. Di naman niya sinasabi na may gusto siya. Ayoko na mag assume, baka ma-Teejay na naman ako. "Ohhh, bilisan mo na rin, diba 1hr lang break mo?" Sabi niya. "Paano mo naman nalaman?!" "Hehe sorry, nakita ko sched mo dun sa notebook mo eh" "Hala, nakakainis to" "Haha sorry Anjo." Naubos na namen yung pagkain nameng pareho. Nagpahinga lang saglit at saka umalis sa carinderia. "Grabe, ang sarap!!" "Baka ma late ka niyan" sabi ko sakanya. "Hmm, bayaan mo haha." "Hehe, ano ba work mo?" Tanong ko sakanya. "Hehe manager" "Seryoso?!!!" "Bakit parang gulat na gulat ka?" "Haha wala lang. Ang bata mo kasi masyado" "Hehe, ganun talaga. Wala naman akong ginawa kundi magtrabaho eh." Medyo lumalalim na pinag uusapan nameng dalawa. "Haha sa susunod na ako magkkwento, matagal tagal pa momotorin ko hehe, sige Anjo." Paalam niya saken. "Salamat Dom!" Sabi ko naman. Hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok sa school at pumasok sa next class ko. . . . . Nasa back stage kami ni Teejay dalawa at tahimik na nagkakabisado ng linya. "May pasok ka ba sa bar after neto?" Tanong ni Teejay habang nasa practice kami. "Oo eh, di na ako pumasok kahapon eh" "Hmm ganun ba??" Di naman ako sumagot. Nagkakabisado ako ng lines ko eh. "Paano tayo mag uusap?" "Edi ngayon na" "Okay lang?" "Oo naman" Nakasando lang siya at slacks. Nakakainis, ang hot niya kaya di ako makatingin sakanya. "Ano ba gusto mong malaman?" "Hala, wala naman akong gustong malaman eh, ikaw nagyaya na mag usap diba?" "Suplado mo naman" sabi niya. "Hehe sorry. Dali na," "Uhmm Sorry talaga" sabi niya. "Sorry saan?" "Kay Cara" "Oh wala naman ginagawa saken yung tao" "Pinapahirapan mo naman ako eh!" Sabay kamot sa ulo niya. Ngumiti lang ako at nagtanong sakanya. "Bakit kasi nagbibigay ka ng motibo na gusto mo ako? Tapos meron ka palang iba? Ano akala mo saken, past time mo lang na kapag bored ka sa partner mo ako pagttripan mo?" Nagulat naman siya sa tanong ko sakanya. "Kasi Teejay, ang saya ko nung bigla bigla kang nagbago. I mean, in a good way. Napapansin mo ako at sobrang sweet mo. Talagang nakakatuwa, tapos biglang ganun. Bakit??" Nakatingin lang siya saken. Hindi naman ako galit sakanya kasi hindi naman dapat pero ayun kasi nararamdaman ko. Nilapag niya lang yung script niya at lumapit saken para yakapin ako ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya. Ang init ng katawan niya at ang bango bango niya talaga. "Sorry talaga Anjo" bulong niya saken. Pagkatanggal ng yakap niya, napansin kong nagpupunas siya ng luha sa mga mata niya at sinisipon. "Oh... bakit ka umiiyak" tanong ko. "Hehe, uhm. Wala, gusto lang kasi talaga kita" sabi niya saken. May ibang kurot naman saken yung sinabi niya. Ang sarap sa pakiramdam. "Ewan ko, 1styr pa lang tayo nun. Naalala ko nung nagpakilala tayo sa harap. Ang galing mo magsalita nun eh, tapos ang hilig mo sa malalaking damit kaya talagang kapansin pansin ka" tumawa naman siya. "Ewan ko, simula lang talaga nun. Parang may nakikita kasi ako sayo, basta. Simula nung nakita kita, gumaan na loob ko" "Palagi kayong magkasama ni Marco kaya di ako makasingit. Si David kasi kusang lumapit saken para makipagkaibigan. Di naman ako humindi kasi wala rin akong kaibigan" kwento niya saken. Hinawakan niya kamay ko at pinaglaruan. Parang wala kaming paki kung mahuli kami sa ginagawa namen. "Simula talaga nun, na attract na ako sayo. Minsan nag uusap tayo, pagkatapos nun ngingiti ako kasi nagusap tayo" "Haha patay na patay ka pala saken ha?" Biro ko sakanya. Dumila lang siya at sobrang cute niya nung ginawa niya yun. "Napansin ata ni David yung tingin ko sayo. Kaya tinanong niya ako kung bi daw ako, sabi ko hindi. Dun ko naman pinilit magka girlfriend. Saka ko nakilala si Cara" "Naging kami nung thirdyear, then after a year, napapansin ko na kasi na may iba kang nakakausap sa phone at napapansin kong ngumingiti ka kapag may nakakatext, naiinis ako hehe. Kaya naglakas na ako ng loob" "Teejay..." "Nakipaghiwalay muna ako kay Cara, simula nung 2nd sem na to, ayaw naman niya pumayag pero sabi ko ayaw ko na. Siya na lang talaga lumalapit saken" sabi niya pa. "Pero di mo sinabi..." "Tinapos ko muna lahat bago ko nagparamdam sayo Anjo. Malinis konsensya ko. Ayaw kong magsimula sayo na may tinatago ako." Sabi niya. Naniniwala naman ako sakanya pero naguguluhan ako. Natatakot pa kasi ako mainlove. "Ayun Anjo, gusto ko na sanang simulan yung saten" nakangiti na siya ngayon at nag aabang ng sagot. "Sorry, di pa ako ready Teejay" sabi ko naman. "Hehe okay lang naman. Just let me show you ha? All these years I've waited for this moment para sabihin sayo kaya susulitin ko na hehe" sabi pa niya. Ngumiti lang ako sakanya at nakangiti rin siya. Basta sobrang gwapo niya talaga. "Pwede ko na bang makuha yung kiss na naudlot nun?" Sabi niya pa. "Haha baliw, never been kissed ako!" Sabi ko sakanya. "Seryoso??" Tumawa lang ako. "Oo" "So you're still a virgin?" Tanong niya. "Hey!" "Haha sorry Anjo. Hehe" sabi niya. "Anjo, Teejay. Practice line and movement now!" Sabi nung kaklase ko na direktor namen, buti nakabitaw na kami sa isa't isa. "Sure sure" sagot namen. Tinulungan niya akong makatayo at eksaktong pagtayo ko, niyakap niya ako. "Thankyou Anjo!" Bulong niya saken. Sabay kiss sa noo ko. "Tara na" sabay na kaming lumabas. . . . . Sabay na kaming lumabas ni Anjo sa school at mukhang di niya talaga ako papakawalan hanggang makapunta kami sa bar. "Uhm Anjo?" "Yes?" Naglalakad kami pareho. "Naalala mo nung isang linggo, yung sa friend mo na kausap mo sa phone?" Tanong niya saken. Tinutukoy niya pala si Dom. "Ohh bakit?" "Nanliligaw ba sayo yun??" "Ha? Hindi haha. Di ko alam, magulo eh. Ayoko na mag assume baka ma Teejay na naman ako" "Hala ma-Teejay talaga?!" Sabi niya saken. "Haha sorry, tawag ko na kasi yun eh" "Nakooo hehe." Bigla naman siyang nag inat ng katawan niya at maya maya naka akbay na siya saken. "Haha may pag inat ka pang nalalaman ah" sabi ko. "Haha, napansin mo pa pala yun" sabi niya. Ang bagal ng lakad nameng pareho. "Okay lang kung maraming nagkakagusto sayo, di ako magpapatalo sakanila hehe" "Baliw" "Pero sabi mo saken kanina masaya ka nung naging sweet ako sayo nun. Yeeeeee, siguro crush mo rin ako no" pangungulit niya saken. "Hala ano sinasabi mo diyan" "Sabi mo kaya kanina, ang saya mo nung nagbago ako sayo in a good way. Haha yieeeeh, malaki pala chance ko sayo eh" "Haha assuming ka ha" "De wala, basta masaya ka. Hehe, kinikilig tuloy ako" fvck, ang cute ni Teejay. Ang saya niya kasi kasama. "May bago akong knock knock" excited na excited siyang sabihin saken. "Haha sige ano yun" "Anjo" "Oh, Anjo who?" "Anjooooooooooooo-to ako, umiibig sayo kahit na nagdurugo ang puso...." "Andito, anjoto, ang layo naman nun!!" "Haha ano ba, malapit kaya, Anjooto ako, umiibig sayo." Fvck, kinilig ako sa umiibig siya. "Uyy ngumingiti siya yes!!! 1pt for Teejay!" Sabi niya pa. "Haha dami mong alam Teejay" sabi ko sakanya. Malapit na kami sa bar at sinabihan ko na siyang malapit na kami. "Ahhh diyan ka pala nagwowork hehe. Makapunta nga diyan nextime" sabi niya. "Hala wag, nahihiya ako eh mamaya diko pa magawa trabaho ko" sabi ko sakanya. "Ay ganun ba hehe. Sige sige. Uhm, gusto mo bang sunduin kita?" "Hala mamaya pa akong gabi" "Ayos lang naman eh" "Wag na!!!" "Haha cute. Sige sige, see you tomorow Anjowings of love" sabi niya saken. "See you Teejay" sagot ko naman. Hinintay niya akong makapasok sa loob ng bar saka siya umalis. . . . . Kakatapos lang ng nakakapagod na shift namen. Pauwi na kami ni Barry at mukhang may problema siya. "Pre, inom naman tayo" yaya niya. "Maaga pa ako bukas eh, may problema ba?" Tanong ko. "Wala na kami ng girlfriend ko eh, nakakainis. Parang mababaliw ako" "Haha easy lang pre mamaya kung ano gawin mo eh" "Tangina pare, sakit pala no??" Kita ko kay Barry na talagang apektado siya. Halos umiiyak na siya, imagine, gwapong malaking katawan, umiiyak dahil sa love. "Sinanay niya akong nandiyan sa palagi tapos ngayon, iiwan niya lang ako bigla. Tapos ako naman, eto, nakatanga lang. Hindi ko na alam gagawin ko" Medyo naaawa ako kay Barry ngayon. Gusto ko sanang damayan kaso maaga talaga ako bukas. "Sige pre, hayaan mo na hehe. Ingat ka pauwi ha?" "Sige pre" sabi ko naman. Kaya natatakot ako mainlove eh. Ayokong maramdaman yung ganun. Mukhang mabigat sa damdamin talaga. Di ko namalayan, iniisip ko na pala yung nangyari kay Barry hanggang makauwi ako. Pagod na nga ako, ganun pa mababalitaan ko. Pagbukas ko ng pinto sa bahay, napakadumi. Ang daming kalat na pagkain sa sahig, mga tambak na hugasin at nakatumbang mga gamit. "Ahhh salamat Anjo nandito ka na, pakilinis lahat ng yan bago ka matulog ha? Nagparty na naman si Kim." Sabi ni tita saken. Nanghina ako bigla kasi sobrang pagod ko na sa maghapon tapos ganito pa maaabutan ko. Di na ako nakasagot kasi umakyat na siya kaagad. Isipin ko na lang na nakatira ako sa puder niya kaya dapat kong sundin. Kaya kahit anong pagod, nilinis ko yung bahay at naghugas ng pinggan. Pagkatapos na pagkatapos ko, umakyat na ako sa kwarto ko at humiga. Dali daling nagbihis para makatulog na. 12 na pala, siguradong tulog na rin si Spiderman kaya di nako nag omegle. Napansin ko na lang na may text si Teejay saken. "Goodnight Anjowings of love. I know you're tired. Take a rest na para maraming energy for tomorrow. Know that I'm always here for you. Thank you for today ha? Sobrang saya ko talaga kung alam mo lang at dahil sayo yun! Goodnight Anjowings of love. Mwa :*" Buti na lang may nabasa akong ganyan bago matulog. Matutulog tuloy akong may ngiti sa mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD