Nagbayad na ako kinabukasan sa tour namen na pinahiram saken ni Dom.
"Malapit na akong kabahan na baka di ka makasama sa tour BB, buti nalang" sabi ni Marco saken. Nasa school na kami ngayon.
"Pinahiram ni Dom yan" sabi ko.
"Hay nako BB. Saken bawal manghiram pero kapag sa macho at masarap at nakasex mo pwede?"
"Haha wag ka na magali BB, may bayad yun"
"Ano? s*x?" Tanong niya.
"Grabe ka naman. Ganyan ba tingin mo saken?"
"Haha joke lang BB. Ano ba?"
"Nagpapasama umattend ng kasal eh. Ayun, pumayag ako"
Bago ako makasagot kay Marco, napansin kong palapit samen si Teejay.
"Ngayon lang din kayo nagbayad?" Tanong niya samen. Ang gwapo talaga ni Teejay. Nakatulala na naman ako sakanya.
"Hehe, si Anjo lang." Si Marco na sumagot.
"Ahhh. Uyy Anjo, ano number mo? Text kita about dun sa report natin. Okay lang ba?" Tanong niya saken. Nakatingin lang siya saken sa mga mata pero ako naiinlove na sakanya.
Kinurot ako ni Marco at natauhan ako. "Ahhh eh sige sige" inabot niya phone niya saken at nilagay ko number ko.
"Ahh di ka pala nagpalit ng number, akala ko kasi eh. Hehe, sige salamat!" Sabi niya at umalis na siya.
"Alam mo BB, malapit ka ng bumigay. Siguro kung hinawakan ka pa niya, feeling ko susunggaban mo na! Wag ka pahalata nako!"
"Ang gwapo kasi ehhh."
"Oo gwapo na kung gwapo pero tandaan, may grindr yan. Ibig sabihin, katulad natin siya haha" biro ni Marco.
Naglakad na kami palabas at papunta sa room. Minsan, namimiss ko yung Phil. History, kasi dun magkatabi kami ni Teejay eh.
Nagcecellphone lang ako sa loob ng room kasi nakakabored yung subject na to. Naglalaro lang ako ng candy crush ng may nagmessage.
"Pst. Makinig ka!"
Si Teejay yun.
Natulala lang ako sa message na lumabas at tinignan kong mabuti kung siya talaga. Sinilip ko siya sa upuan niya at nagtetext din siya at nakangiti.
Fvck. Fvck. Bigla akong kinabahan at kinilig sa tinext niya. Sumilip uli ako sakanya at nakatingin na siya sa prof. hawak pa rin niya cp niya at pinapaikot ikot sa mga kamay niya.
Nagreply naman ako sa text niya.
"Nakikinig kaya ako."
Sabay balik sa candy crush pero kinikilig pa rin ako.
"Hindi kaya. Haha :p" fvck may smiley!! Pag nag smiley sa text katext mo, ibig sabihin nun gusto ka niya kausap. Fvck talaga.
"Edi sige makikinig na ako haha." Reply ko.
"Wag na muna! Haha nakaka bored naman kasi tong english" sabi niya pa.
Feeling ko sasabog na ako sa kilig ko. Huminga muna ako ng malalim at nag stretch ng kaunti.
"Oo nga eh. Sana mag bell na"
"Haha, ikaw mabobored? Eh ang talino mo nga eh"
"Nabobored din naman ako minsan. Pinipilit ko lang para sa grades"
"Sumeryoso usapan natin ah haha. Ngiti naman diyan :)))" pagkabasa ko nun napangiti ako sa kilig. Tinignan ko siya at nakatingin siya saken sabay iwas ng tingin at ngiti rin.
"Haha, okay na??" Reply ko.
"Haha isa pa! Dali dali, 1, 2, 3.... smile :))))))" at napangiti ako uli. Tinignan ko siya at napansin kong kinuhanan niya ako ng picture.
Nasa 5th row kasi siya nakaupo sa aisle, siya lanh dun tapos ako nakaupo sa 4th row sa kabilang side pero sa aisle din.
"Ayan may contact picture ka na" sabi niya pa.
Nahihiya ako at kinikilig sakanya. Fvck, ano bang nangyayari. Bakit bigla siyang naging ganito.
"Ang daya, ako rin dapat!" Sabi ko naman.
"Oh sige, mag smile ako tapos picturean mo na ako kaagad ah?" Sabi niya pa.
Sinilip ko siya at nakatingin siya saken. Sumenyas siya ng 3, 2..... hinanda ko na camera ng phone ko para sumimpleng picturan siya. 1....
Nagsmile siya ng malaki at halos nakapikit na siya. Naka peace sign pa siya, fvck ang cute ng kuha ko sakanya!
"Haha, nice shot" sabi ko naman.
"Haha nice lang? Hindi cute?"
Para talaga akong baliw na napapangiti sakanya.
"Hoy BB, ano ba, baliw ka na ba?" Bulong saken ni Marco.
"Haha sorry BB,"
"Katext ko kasi si Teejay"
Tumingin naman si Marco sa pwesto ni Teejay pero pinigilan ko siya.
"Wag mo na muna tignan BB, mamaya mahiya eh tapos di na magreply" sabi ko pa
"Nako, tag landi ka ngayon ah?"
"Tse" bulong ko pa.
"..........." text ni Teejay. Di pa pala ako nakakareply sakanya.
"Sorry, nagdaldalan lang kami ni Marco" reply ko.
"May knock knock ako sa Marco... :)"
"Sige ano yun?" Nakangiti lang ako at hinihintay reply niya pero medyo matagal. Lumingon ako pero wala na siya sa likod at mukhang may kausap sa phone at lumabas. Nakinig na muna ako sa prof at nawala na ako sa topic, di ko na alam pinaguusapan.
Narinig ko namang pumasok uli siya sa room at umupo sa upuan niya. Pero nag iba yung reaksyon niya.
"Okay ka lang?" Text ko sakanya.
"Huh? Oo hehe. Next time na yung joke ko"
"Ahhh, sige sige. Smile naman :))" reply ko. Sumilip ako at ngumiti siya ng pilit saken. Hindi na siya nagreply, hindi ko na rin kinulit mukhang may problema.
Natapos yung klase namen at napansin kong lumabas na si Teejay kasama si Rick at David.
"BB, saan ka?" Tanong saken ni Marco.
"Edi papasok sa bar."
"Ahh ganun ba? Eh, aalis kasi kami ni David, gagawa report. Desidido kasi siyang gumawa ng bonggang report kaya seryosohin daw namen"
"Nice, alone time with David ah??? Haha"
"Tse, sige na BB." Nauna na siyang lumabas at kinokopya ko pa rin yung mga nakasulat sa board.
Napansin kong pumasok si Teejay. "Sorry, kasalanan ko siguro kung bakit nagsusulat ka ngayon" sabi niya saken at tumabi siya. Ang bango bango niya talaga, pabango niya ata yung sa bench.
"Hehe, okay lang" sabi ko pa.
Tinignan niya yung sulat ko. "Ang ganda ng penmanship mo ha?"
Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Aalis ka ba ngayon? Busy kasi si Rick at David sa report eh. Gusto nilang seryosohin,"
"Haha paano yung saten? Kailan natin gagawin?"
"Sus, after Christmas Vacation pa naman yun. Next year na natin gawin haha" sabi niya pa.
"Haha sige sige."
"So, may lakad ka ba after neto?" Tanong niya. Ang bango niya talaga, hindi pa ako makatingin sakanya pero siya, saken siya nakatingin.
"Ah, may work kasi ako. May shift ako" sabi ko.
"Ahh dun sa bar??"
"Hehe oo eh."
"Ah sige sige. Matagal pa ba yan? Sabay na tayo palabas" sabi niya. Binabagalan ko nga magsulat eh para di na kami magsabay.
"Marami pa o, kita mo naman hehe"
"Ah sige, mag candy crush muna ako," fvck talaga hinihintay niya ako. No choice ako kaya medyo binilisan ko na yung sulat ko. Pagkatapos ko naman sabay na kaming lumabas ng room.
"Pwede magtanong?" Sabi nya habang palabas na kami.
"Sige"
"Bakit ang hilig mo sa loose na damit? Naiinitan ka ba kaya gusto mo maluwag sayo?" Sabi niya pa.
"Haha, hindi naman. Mas komportable lang kasi ako,"
"Ahhh okay okay, kasi medium size ka lang eh pero mukhang large palagi sinusuot mo, ayaw mo pa ng fit na pants" sabi niya.
"Haha siguro nahihiya kang kasama ako no?" Sabi ko pa.
"Haha hindi ah, para kasing habulin ka ng chicks kapag nag fit ka na damit tapos tanggalin mo eye glass mo." Sabi niya pa.
Huminto kami bigla at humarap siya saken. Dahan dahan niyang tinanggal eye glass ko at tinignan niya akong mabuti.
"Ohh, pang boy next door itsura mo oh" sabi niya pa habang nakatitig saken, tinignan ko lang siya sa mga mata habang tinitignan niya ako. Ang gwapo niya talaga.
Kinuha ko naman yung eye glass ko at sinuot ko uli. Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
"Uyy Anjo, sige na, hinatid lang kita palabas eh, may dadaanan pa kasi ako sa school hehe sige sige ingat ka" sabi niya at dali dali siyang tumakbo.
Nakahinga naman na ako ng maluwag at wala na siya. Lahat ng emosyon nararamdaman ko na kapag kasama ko siya.
All in all, napakasaya ng araw ko ngayon.
.
.
.
.
8 missed calls at 10text messages lahat yun kay Dom. Nakita ko na lang yun after ng shift ko. Pauwi na ako kasama si Barry nun.
"Mukhang hinahanap hanap ka ng girlfriend mo pre ah? Kanina ko pa napapansin yang cellphone mo na may tumatawag eh" Sabi ni Barry saken habang naglalakad.
"Ahhh wala akong girlfriend haha" sabi ko.
"Ahhh akala ko girlfriend mo eh haha."
Nagreply naman ako kay Dom.
"Bakit?"
Lumiko na uli si Barry sakanila at naglakad na ako papunta samen. Bigla naman tumawag si Dom at sinagot ko.
"Uy" bungad niya.
"Uyyy bakit?" Sagot ko.
"Wala lang, di ka kasi nagtetext eh." Sabi niya.
"Haha may trabaho kasi ako ehhh"
"Ahhh, sige, pagod ka na ba?"
"Oo eh, gusto ko na magpahinga"
"Sige, magpahinga kana. Nasan ka na ba?"
"Naglalakad. Malapit na ako samen"
"Sige sige. Goodnight Anjo!"
"Goodnight Dom!"
May utang pa ako sakanya kaya di pa natatapos yung usapan namen.
Pagkauwi ko, gising pa stepmom ko pati yung kambal na step brothers kong si Kurt at Kim, nanunuod lang sila ng TV.
Di na ako masyadong nag ingay para di na nila ako utusan pa. Pag akyat ko sa kwarto kom humiga agad ako sa kama ko at dinamdam yung malambot kong higaan. Ang sakit ng katawan ko sa trabaho. Nag omegle muna ako para makausap ko si Spiderman.
Na connect naman ako kaagad sakanya.
"Hi Superman :((" message niya saken.
"Bakit sad face??"
"Wala, busy ka na kasi palagi eh. Di na tayo masyadong nagkakausap katulad dati"
"Hala, busy ehhh."
"Kailan na ba tayo magkikita? Para nagkaka bonding na rin tayong dalawa"
"Ehhh nahihiya ako eh haha. Baka lumayo ka na kapag nagkita tayo" reply ko sakanya.
"Ganyan ka naman eh, kailangan mo kasi ako para may nakakausap ka kaya di mo ko maiwan, pano kapag may nakita ka ng iba diyan? Syempre bigla bigla ka na lang di magpaparamdam niyan" reply niya.
"Wow, may hugot! Haha"
"Seryoso ako superman, magkita na kasi tayo!"
"Hmm. The day bago mag Christmas Break, magkita tayo, okay?"
"TALAGA?!!!!Nice nice. sabi mo yan ah!!"
"Haha yes yes spiderman!"
"Nako superman, paghahandaan ko pagkikita natin."
"Haha excited na rin ako."
"Baka di ako makatulog neto superman haha!"
"Haha ako matutulog na. Kasi sobrang pagod ko talaga ehh"
"Sige naiintindihan ko. Goodnight Superman!"
"Goodnight Spiderman."
Nagsend pa siya ng kiss na smiley. Nag out na ako at nakatulog na ako sa ganung pwesto.
"Hey Good Morning. Have a nice day!" Text ni Dom saken, ayan bumungad sa araw ko. Di ko naman alam kung rereplayan ko kaya naligo na lang ako at nag asikaso sa pag pasok.
Pagbaba ko, nagluto kaagad ako ng pang almusal ko, nakita ko si Kurt na kumakain ng tinapay habang nagrereview, pero nakahubad siya at naka boxer short lang.
"Uyy, kain na Anjo" sabi niya pagkakita niya saken. Mabait naman kasi si Kurt kaya walang problema saken, yung kakambal lang niyang si Kim.
"Uy, sige, magluluto na lang ako"
"Sige, sabay mo na ako ha? Haha hindi naman kasi ako marunong magluto" sabi niya.
Ngumiti lang ako. Medyo awkward kasi para samen yung mag usap. Hindi ko rin alam kung bakit.
"May exam ka mamaya?"tanong ko.
"Oo eh, math. Ikaw kasi palagi gumagawa ng assignment ko eh, yan tuloy nganga ako.
Gwapo talaga si Kurt at yummy. Lumalaki yung biceps niya tapos nagkaka abs. Di ko naman mapagpantasyahan kasi technically, kapatid ko siya.
"Hehe madali lang naman yan. Sundan mo lang"
"Nakukuha ko naman hehe."
Sana kasing ugali na lang ng kapatid niya tong si Kurt. Si Kim kasi mataray tapos palaging bully.
Di ko na siya kinausap pa para makapagreview at tinuloy ko na pagluto ko. Nagsangag ako ng kanin.
"Wow, ang galing mo talaga Anjo" nasa likod ko na pala si Kurt at nakatingin sa ginagawa ko.
Di naman ako sumagot at ngumiti lang.
"Siguro kung wala ka rito sa bahay, gutom kami palagi o kaya palagi kami nag papa take out ng pagkain" sabi niya saken. Kahit naaamoy ko yung amoy ng niluluto ko, naaamoy ko rin amoy niya. Amoy lalaki, nakakaadik.
"Hehe kasi di kayo nagsanay eh" sagot ko naman.
"Ang bango naman ng niluluto....." bumaba na si Kim at di na niya tinuloy sinasabi niya nung nakita niyang ako nagluluto.
"Nako si Anjo pala, hmmm." Umupo siya at nagpalaman ng tinapay, di ko na lang pinansin at nagluto na ako ng longganisa at hotdog. Kumain na rin ako ng mabilis, nagtoothbrush at umalis na ako ng bahay. Di nako nagpaalam sakanilang dalawa.
Naglakad na ako papuntang school at nung nasa tapat na ako, nakasalubong ko si Teejay. Siya lang mag isa, naka uniform at naka back pack na black.
"Uyyy Anjo!" Bati niya saken. Nakangiti pa siya. Nakakainis, ang cute niya talaga.
"Uyyy" bati ko.
"Di mo man lang binanggit pangalan ko" naglalakad na kaming dalawa papunta sa sa school. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Uyy Teejay!" Sabi ko naman. "Happy?"
"Haha, ayan ayan Good yan"
Wala naman akong matanong sakanya kasi nahihiya ako. Hawak ko lang yung strap ng back pack ko at naglalakad.
"Di mo ata kasama si Paredes?"
"Ahh si Marco? Hindi ehhh. Ehh yung mga tropa mo?" Tanong ko.
"Hindi rin eh, kanina ko pa nga tinetext eh kaso di nagrereply" sabi niya pa.
Bigla naman siyang napatigil at mukhang may inaamoy, fvck shet. Ang cute niya,
"Fried chicken yung niluluto sa canteen. Tara kain muna tayo, di pa ako nag aalmusal eh. Kumain ka na ba?" Tanong niya saken.
Kahit busog na busog pa ako, first time niya akong yayain kumain.
"Medyo gutom nga ako eh hehe tara" yaya ko sakanya.
Pumasok na kami sa canteen at medyo konti lang kumakain na estudyante, 9AM palang kasi kaya ganun. Bumili kami ng chicken at rice, pero siya nagbayad ng kinain namen.
"Treat ko na, ako nagyaya eh" sabi niya pa at umupo na kaming dalawa at kumain. Kaya ko pa naman kumain pero busog talaga ako.
Mukhang gutom na gutom nga siya habang kumakain.
"Sorry, di kasi ako nag almusal" sabi niya pa.
"Hehe halata nga" sabi ko naman.
"Kailan na natin gagawin yung report natin?" Tanong niya saken.
"Ikaw, sabihan mo lang ako" pasulyap sulyap ako sa kanya habang kumakain. Napapansin ko rin siyang tumitingin saken pero iiwas din siya ng tingin. Ngingiti na lang siya bigla pag nagtatagpo mata namen.
Maya maya pa, nakita ko ng papasok si Rick at David sa canteen palapit samen.
"Tanginaaa pare, ano walang pagreply sa texts??" Bungad ni David kay Teejay.
Kinuha ni David phone ni Teejay sa bulsa niya.
"Ayan pre oh, 10messages galing saken. Kinacancel mo pa tawag ko sayo kanina, nandito ka lang pala" sabi pa niya. Napapakamot lang si Teejay sa ulo niya habang nakatingin saken. Ang gwapo talaga nakakainis.
"Ohh, akala ko ba busog ka? Bakit ka kumakain? Ang labo mo rin pre eh no" sabi naman ni Rick.
Natatawa lang ako at kinikilig. Di ko mapigilan sarili kong tumawa sakanilang tatlo.
"Pare naman eh, gulo niyo eh. Kumakain kami ni Anjo oh" inis na sabi ni Teejay.
"Bakit kayo kumain? Busog na daw yan si Teejay eh" tanong saken ni David.
"Ah, okay lang libre naman niya eh"
Bigla namang tumingin yung dalawa kay Teejay.
"Pare ilang taon na tayo magkaibigan pero di namen nalasap libre mo! Sabi mo wala kang pera pero pag si Anjo, libre agad?" Si David yun.
"Bahala nga kayo diyan!" Inis na si Teejay at umalis na, di na niya inubos kinakain niya. Nakaupo pa rin ako at umupo si David at Rick sa harap ko't inuubos yung pagkain ni Teejay.
Ako naman pilit na inuubos yung pagkain at lalong kinikilig.