Nakababa na ako ng eroplano. Grabe, hindi ko akalain na sobrang init pala talaga sa Pilipinas! Ang OA sa init. Nakakairita sa pakiramdam. Tinanggal ko na sa airplane mode yung phone ko at pumasok na mga texts ni Teejay. "Loves nakababa na ako, nasaan ka na?" Text ko, pang text lang kasi sinend niyang load saken. Pagka send ng text ko, bigla naman siyang tumawag. "Loves, nasaan ka na? Ang init init, ang alinsangan!" Sabi ko. "Haha welcome back! Nandito ako loves! Wala pa namang mga lumalabas na pasahero" "Syempre naglalakad pa ako eh!" "Haha ang cute, parang naiirita yung cutie!" "Ang init kasi!!! Ang hina hina pa ng aircon sa airport na to jusko nasa Pilipinas na nga ako!" Bitbit ko yung dalawa kong bag na mabigat. Habang naglalakad. Buti nalang bitbit ko lahat ng gamit ko kaya

