"Saan ka galing? Bakit hindi ka nagpahatid?" Sabi niya pagkauwi ko. "Ahhh, hinatid kasi ako ng boss ko." Sabi ko. "Nako, nasisira yung routine natin ha hehe, kumain ka na ba?" "Oo loves eh pero kung di kapa kumain, sabayan na kita" sabi niya. "Ah ganun ba, sige, kumusta naman gabi mo??" Tanong niya. Anjo, sabihin mong nagkita kayo ni Ronnie. Wag ka magsinungaling. "Okay naman loves, parang normal na araw lang" sabi ko. Sht, nagsinungaling ako kay Teejay, "Ahh ganun ba?" "Yeap, eh ikaw?" "Ayun, maghapon lang akong nag aaral. Umuwi ako kaagad eh, magluluto sana ako kaso mas masarap ka magluto kaya hinintay na lang kita hehe" Pero bumili lang siya ng pagkain sa labas. Habang sabay kami kumakain, di ako mapakali, parang ang bigat sa pakiramdam na nagsinungaling ako kay Teejay. Nil

