"Anjo sabay na tayo paglabas!" Sabi ni Nikko nung napansin niyang nakabihis na ako. Nadala ko dito sa New York yung bagong ako. Kakaiba nga porma ko rito eh, halos lahat sila naka jacket pero ako nagdadala lang para suotin kapag uuwi na ako. "Sure," sabi ko. Samantalang sila naman, naka pants at jacket lang. Habang naglalakad kami papunta ng school, naopen ni Nikko yung about sa naisip kong theme ng homecoming. "Saan ka nakakuha ng ganung idea? Nagustuhan nila yung sinabi mo, pati yung mga prof., excited tuloy sila sa susuotin. Namiss daw nila High School life nila" "Haha, wala lang naman yun eh. Bigla na lang pumasok sa isip ko" "Well, may talent ka hehe. Sana matulungan mo pa kami sa pag organize." Bago pa ako magsalita, natigilan naman si Nikko sa paglalakad tapos napatingin siya

