Wala akong kilala sa klase ko maghapon. Wala man lang nakipagkilala saken, okay na rin yun dahil wala ako sa mood makipag englishan. Pagbalik ko sa kwarto, pagod na pagod ako at humilata kaagad. Di ko na sila pinansin lahat basta una kong chineck si Teejay. Online naman siya kaya tinawagan ko kaagad siya via video call. "Good Morning loves!!" Ang saya saya ng bati niya saken na ang lakas makawala ng pagod. "Good Evening loves!" Bati ko sakanya. "Aw bakit sad yung pinaka cute na loves ko? May nang away ba sayo diyan? Aba dapat hindi ka na matakot, isipin mo na lang na si Kim o Cara yang mga yan nung panahong inaaway ka nila haha" "Haha ewan ko sayo kung ano ano na naman pinagsasasabi mo haha" "Hehe, gusto ko lang naman ngumiti ka eh" sabi niya. Tinitigan ko muna siya sa screen ko. M

