After ng ginawa ko, nakaramdam ako ng pagka guilty. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam na may ganun pala saken. "Loves... kalma ka na" si Teejay yung habang nakahawak sa balikat ko. Humarap ako sakanya para yakapin siya. "Sumobra na ba ako???" Tanong ko "Medyo pero di kita masisisi loves." "Grabe, ang sama sama ko" "No no, don't blame yourself. Isipin mo na lang na ayun yung bayad sa lahat ng ginawa nila sayo" "Talaga?" Tinignan ko siya at kita ko sa mata niya na nag aalala siya. "Opo, wag mo ng isipin yun loves." Niyakap niya lang ako ng mahigpit. "Halika, may pupuntahan tayo" sabi niya pa. "Saan naman tayo pupunta?" "Basta, kailangan natin to." Hinila niya lang ako at pinasakay sa motor. Pumunta kami sa Quiapo Church. "Ohhh bakit tayo nandito?" Tanong ko.

