Sa sobrang excited namen ni Teejay sa tour, tuesday pa lang nag grocery na kami ng mga kailangan namen. Grabe, 8000 binigay saken ni Drew. Sinabi ko kay Teejay yun kahit siya nagulat. "Baka may gusto sayo yun cutie" sabi niya. "Hala hindi. Diba nga sila ni Dom" sabi ko. "Hmmm. Malay mo naman palihim lang" "Wala nga loves, tsaka ilang taon na yun. Parang kuya ko na lang siya" sabi ko na lang. Umoo na lang siya. Tuwang tuwa talaga ako kapag mag ggrocery kaming dalawa. Palagi kasi akong may hawak sa cart tapos nasa likod ko siya na nakayakap saken. Minsan, bigla niya akong hahalikan sa pisngi ko. Si Teejay yung tipo na sobrang sweet sa gawa. Hindi lang siya palaging nagsasabi ng I love you at hindi rin palaging humahalik sa labi, pero kung effort at kasweetan, si Teejay lang talaga.

