Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko ng makitang pumasok si Anthony sa loob ng opisina. Tumingin pa siya sa akin na ngiting ngiti. Klarong klaro ang sugat na natamo niya sa suntok ni Clay. Hindi man lang ata ito pumunta sa clinic. Nakita kong kumunot ang noo ni Clay ng makita si Anthony. Pero mukhang wala man lang pakialam si Anthony. Binitiwan ako ni Clay sa pagkakayakap. Hinila niya ako papunta sa likod niya. Para niya akong tinatago mula kay Anthony. Possesive. Tsk. "Hey bro. Pinapabigay toh ni Tita." anitong inabot ang isang paper bag. Hindi ko iyun napansin na dala niya kanina. Siguro dahil na-distract ako sa piercing niya. Talagang hindi siya marunong sumimangot noh? Nakangiti lang kasi talaga siya all the time habang kunot-noo si Clay. "Kaya ako andito

