Chapter 3

1063 Words
Cassy’s POV NAPATAYO ako nang makita ko ang balita sa TV. Bigla kong nabitawan ang dala kong mug kaya nabasag at nagkalat sa sahig pati ang mainit kong kape.  “Shocks! This can’t be real!” aniko sa sarili saka tinakpan ng dalawa kong kamay ang bibig ko. Halos manghina ang mga tuhod ko nang muli kong binasa ang headline. Cassandra Taleon, masayang nakipag-date sa asawa niyang CEO sa Starbucks kagabi. Mga fans, sabik sa marriage life ng model. Binagsak ko ang aking sarili sa couch saka ginulo ang buhok. Ang tanga-tanga ko na mahulog sa patibong ni Dylan. Nawili ako sa kaguwapuhan niya kaya hindi ko naisip na posibleng lalabas ang ganitong balita.  Narinig ko ang ringtone ng cellphone ko kaya mabilis kong kinuha iyon sa center table. Nagsitindig ang aking mga balahibo nang makita ko sa screen ang pangalan ng manager ko na si Vivian.  Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. “Ano bang pumasok sa kokote mo at bakit nakipagkita ka sa lalaking iyon? Alam mo naman na maraming mga umaaligid na paparazzi sa’yo. I deserve an explanation, Miss Taleon!”bulalas niya sa akin saka niya pinatay ang tawag. No’ng nagsisimula pa lang ako sa industriya ng pagmomodelo ay gano’n na talaga ako itrato ni Miss Vivian lalo na pagdating sa isyu. Dahil sa isyu ay nasira ang relasyon niya sa fiance niya noon kaya iniintindi ko siya. Simula no’n hindi na siya nagka-boyfriend at mas lalo siyang naging istrikto pagdating sa trabaho. Nasa menopausal stage na rin siya ngayon kaya kailangan kong habaan ang pasensya ko.  Huminga ako nang malalim saka binaba ang cellphone. Kailangan ko muna kilatisin ang pagkatao ni Dylan bago ako magdesisyon.  Tinawagan ko si Charlene upang humingi ng tulong tungkol sa process ng background check. Kinuwento ko rin sa kaniya ang plano ko at sa nangyaring pagkikita namin kagabi ni Dylan. Nakipagkita siya sa condo niya kasama ang kilala niyang dalawang private eye upang ipaliwanag ang mangyayari. Tinanong nila ang basic information ni Dylan kaya naman tinawagan ko ito at pina-email ko sa kaniya. Pagkuwan ay binigay ko sa kanila ang personal details ni Dylan. “Wag kang mag-alala, Miss Taleon. Isa kami sa mga dalubhasang private investigator. We’ll give the result by tomorrow,” wika ni Agent Liam sa akin. “It was nice to have you as our client, Miss Taleon,” maligayang sabi ng isa pang agent na si Agent Mark. Nakipagkamayan sila sa’kin bago sila umalis. Umupo ako sa couch upang magpahinga. Ilang beses na rin akong bumibisita sa condo ni Charlene at kung tutuusin siya na ang naging best friend ko dahil sa kaniya ko kinukuwento mga problema ko sa buhay. Inabot niya sa akin ang isang basong tubig. “Uminom ka muna, Cassy. Halatang stressed ka ngayon dahil sa isyu na iyan,” aniya saka umupo siya sa tabi ko.  Ininom ko ang bigay niyang tubig pagkuwan ay mabilis na nilatag ko ang baso sa center table niya. Humarap ako sa kaniya bago nagsalita. “Mali bang mag-hire ako ng fake husband kahit tatlong buwan lang tapos mag-be-break kami after that? What do you think?” Pansin kong natawa siya sa ideya ko. “Alam mo, Cassy. Puwede ka naman mag-conduct ng press conference to clear that issue. Pero...paano na yung mga fans mo? I think they will get disappointed.” “That is exactly what I mean. Kaya naisip ko na mag-hire ng fake husband since hindi naman totoo ang issue about  sa’kin. But the problem kailangan niya magpanggap bilang CEO.” Napabuntong-hininga ako dahil problema talaga ang magpanggap siya bilang businessman. “Three months mo lang naman gagawin ang magpanggap. Hindi na iyon problema saka mayaman ka naman at maraming connection, siguro kaya mo na i-handle iyon,” wika niya sa’kin. Tumayo ako bago magsalita. “Isa pa, ang demanding din niya. Ang gusto niyang sahod ay isang milyon kada buwan at tax free pa, a!” reklamo ko. Napatayo rin si Charlene at mahinay na pinatong ang mga kamay niya sa balikat ko saka dahan-dahan niyang diniin iyon upang muli akong umupo sa couch. “Relax, Cassy. Hindi ka naman mauubusan ng pera at saka marami ka pang upcoming projects ‘di ba? And not bad.” Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Paanong naging not bad ang isyung ito? Sumasakit na nga ulo ko sa kaiisip at dagdag pa ang pagka-demanding ni Dylan.  Biglang kinuha ni Charlene ang kaniyang cellphone at nag-browse siya na mukhang may hinahanap.  Muli niya akong tinabihan at pinakita rin niya ang ilang articles tungkol sa’kin.  “Look, trending ka ngayon sa Twitter, YouTube at f******k. Hindi mo ba naiisip na samantalahin ang pagkakataon na mas dadami pang projects mo this year? Double pa kita diyan kumpara sa tatlong milyon o mahigit na magagastos mo sa fake husband mo.” Napaisip ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Tama nga si Charlene, kailangan ko i-grab ang opportunity na ito para dumami pa mga projects ko. Hmm. Not bad. “Pero…” Napalingon ako kay Charlene dahil biglang nagbago aura niya at mas naging seryoso siya tingnan kumpara kanina.  “...kailangan mo alamin ang magiging consequences at isipin mo rin kung handa mo i-take risk iyan. Lalo na iyang puso mo.” Marahan akong napatawa sa sinabi niya bago magsalita. “Sabi nga nila, if you want to live a life you’ve never lived, you have to do things you’ve never done. So I’ll take a risk, Charlene,” kumpiyansa ko sa sarili.  Matapos ang mahabang kuwentuhan at kulitan namin ay nagpasya na akong umuwi. Hindi na ako sinundo ni Manong Erwin dahil may emergency daw siyang pupuntahan kaya nag-taxi na lang ako. Nakaramdam bigla ako ng gutom ngunit dahil alas dose na ng hatinggabi ay sarado na mga mall at restaurant kaya naisip kong dumaan na lang sa convenience store malapit sa condo.  Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay naglakad ako pauwi. Nang makarating na ako sa gate ay bigla akong napahinto. May nakita akong black BMW car at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakasandal sa kotse niya na parang may hinihintay. Mas lalo akong natigilan nang lumingon siya sa akin.  “Dylan?” gulat kong wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD