Muli siyang ngumiti para mapigilan ang mga luha sa pagtulo, kahit na alam kong gusto na niyang ilabas lahat, ginawa niya pa rin ang lahat huwag lang magtuluy-tuloy ito sa pagtulo. We continued roaming around the Eden Nature Park. Mamaya na lang raw kami magrides. Pinatay ko na rin ang camera ko, dahil ayaw kong mairecord ang lahat ng sasabihin niya. Alam kong may mga personal na bagay na siyang masasabi, and I want that to keep in private also. She heaved a deep sigh. “Alam mo ba ‘yung feeling na…gustong gusto mo ‘yung isang bagay? Gustong-gusto mong makuha ‘yong pangarap, bata pa lang?” Hindi ako sumagot. Gusto kong makinig na lang sa lahat ng sasabihin niya. Nawalan rin ako ng lakas ng loob na magsalita nang makita ko kung gaano nangilid ang mga luha niya kanina na pinilit niyang pigil

