“Bata ka, ‘di ka nag-iingat. Bata ka pa talaga, nako! ‘Di mo pa ako pwedeng ligawan. Tsk, tsk, tsk.” Kristen? Nakita ko si Kristen na nakahalukipkip habang masamang nakatingin sa akin na para bang disappointed siya sa akin. “Kristen…” “Gumising ka na! Ikaw naman, ‘di ka nag-iingat. Akala ko ba ‘di mo kayang mabuhay nang walang sariling kotse? Oh, ano ngayong ginagawa mo d’yan? ‘Di ba naka-confine ka kasi naaksidente ka? Hay, nako.” Tiningnan ko ang sarili ko at nakasimento ang binti ko. Naalala ko na lang na nabalitaan ko nga palang wala na siya…na nagpakamatay siya. “Kristen, hindi naman totoo ‘yon, ‘di ba?” Ngumiti siya. “Wag ka nang mag-alala sa akin, ‘di ba sabi ko naman sa’yo wala kang responsibilidad sa akin? Okay na ako, Ford. Okay na ako.” “Pero Kristen…” Tumulo ang luha n

