CHAPTER 9

2394 Words
THIRD PERSON POV Napataas ang isang kilay ni Elizabeth nang muli na naman niyang makitang hinahawak-hawakan ng kanyang hipag na si Helena ang bagong pares ng earring nito at pagkatapos ay paismid na titingin sa kanyang direksyon. Naroon si Elizabeth sa loob ng malaking sala ng mansyon ng Familia Guerrero at nakaupo sa Chesterfield sofa habang nagbabasa ng fashion magazine. Nasa kasarapan nang pagbabasa ng magazine si Elizabeth nang biglang pumasok sa loob ng sala si Helena at inistorbo ang kanyang pananahimik dahil sa lakas ng tunog ng paglalakad nito suot ang bago nitong high heels. Wala naman sanang balak si Elizabeth na bigyan ng atensyon ang kanyang madalas na makaaway na hipag kung hindi lamang niya nararamdaman ang mga titig nito sa kanya mula pa kanina. At sa tuwing ibabaling ni Elizabeth ang kanyang atensyon kay Helena na nakaupo sa settee sa loob ng malawak na sala ay bigla itong iiwas ng tingin kasabay ng paghawak-hawak nito sa bago nitong pares ng filigree silver earrings at pagkatapos ay paismid na titingin kay Elizabeth. Matagal nang may tensyon sa pagitan nina Elizabeth at Helena rahil ang tingin ni Elizabeth ay gusto siyang malamangan ng hipag pagdating sa mga materyal na bagay na mayroon siya. Palaging pini-pressure ni Helena ang asawa nitong si Theo na kapatid ni Elizabeth na bilhan ito ng asawa ng mga mamahaling gamit na sa tingin ni Helena ay mas expensive kaysa sa mga gamit ni Elizabeth. Marahang inilapag ni Elizabeth ang kaninang binabasang magazine sa ibabaw ng center table at malakas na tumikhim. Nakikita ni Elizabeth sa kanyang peripheral vision na nakatuon na sa kanya ang buong atensyon ni Helena. Nagsalita si Elizabeth nang hindi tumitingin sa direksyon ni Helena. Elizabeth: Ang mahirap sa ibang tao rito sa mansyon kung umasta ay akala mo ka-level ng mga taong may dugong Guerrero. When in fact ay sampid lang naman. Narinig ni Elizabeth ang malakas na pagsinghap ni Helena mula sa kanyang gilid. Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Elizabeth. Elizabeth: Akala siguro ay ganoon kamahal ang suot niyang pair of filigree silver earrings para ipangalandakan sa akin. Ang cheap. Sinadyang habaan ni Elizabeth ang pagkakasabi ng salitang "cheap" for emphasis. Lumawak ang pagkakangisi ni Elizabeth nang makita niya sa kanyang peripheral vision ang pagtayo ni Helena mula sa pagkakaupo nito sa settee. Nakangising tumingala si Elizabeth kay Helena nang tumayo ito sa kanyang harapan at yukuin siya. Nakahalukipkip si Helena habang nakatunghay kay Elizabeth. Elizabeth: Yes, Helena? What can I do for you? Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi ni Elizabeth. Helena: Pinariringgan mo ba ako? Umaktong parang isang inosente si Elizabeth at sa kunwaring naguguluhang mukha ay itinuro ang sariling dibdib. Elizabeth: Who? Me? Why, Helena? Are you wearing a not-that-so-expensive filigree silver earrings? Oh my. Is my sister-in-law guilty of being cheap? Umarte pa si Elizabeth na parang concerned siya kay Helena. Maarteng idinikit ni Elizabeth ang dulo ng kanyang tatlong daliri sa mga nakabukang labi sa pagkukunwaring na-shock siya. Elizabeth: Oh my, dear sister-in-law. You know being cheap is such a crime in this mansion. Don't go that low, Helena. Nanlalaki ang mga butas ng ilong ni Helena habang nakahalukipkip na nakatingin kay Elizabeth na ang kunwariang concern ay kitang-kita pa rin sa kanyang mukha. Helena: Malalaman ito ng kapatid mo. Iyon lamang at padabog na tinalikuran ni Helena si Elizabeth at naglakad palabas ng malaking sala. Si Elizabeth ay mapang-asar pang nag-wave kay Helena. Elizabeth: Bye. At sa pabulong na pagsasalita ay may pahabol pang mga salita si Elizabeth kay Helena. Elizabeth: Cheap sampid. Biglang natigil sa paglalakad si Helena nang marinig ang ibinulong sa ere na iyon ni Elizabeth at agad nitong nilingon ang hipag. Helena: Matapobre! Ngumisi lang si Elizabeth kay Helena. Naglakad paatras si Helena habang masama pa rin ang mga titig nito kay Elizabeth at nang tumalikod ito ay hindi nito alam na nasa mismong tapat na pala ito ng pintuan ng living room. Nauntog ang mukha ni Helena sa pintuan ng living room na ikinataas ng dalawang kilay ni Elizabeth at pagkatapos ay malakas na tumawa. Napaluhod si Helena sa sahig ng living room dahil sa nasaktan nitong mukha. Lalong nanggigil si Helena kay Elizabeth nang mga sandaling iyon. ---------- Nasa loob ng malaking home library ng mansyon ng Familia Guerrero sina Sebastian at Mildred. Ito ang unang beses na nagkasarilinan sina Sebastian at Mildred simula nang bumalik ang mister ni Mildred na si Arthur sa mansyon ng Familia Guerrero. Sebastian: Para sa aking anak na si Arthur, handa akong kalimutan ang lahat ng mga nangyari noon, Mildred. Yumuko si Mildred na nakaupo ngayon sa upuan sa harap ng malaking mesa sa harapan ni Sebastian. Sebastian: Sana ay mahanap mo sa iyong puso ang kapatawaran para sa lahat ng mga nagawa at nasabi ko sa iyo noon, Mildred. Nanatiling nakayuko si Mildred sa harapan ni Sebastian. Sebastian: Kung hindi mo pa kaya sa ngayon ay naiintindihan ko, Mildred. Pero umaasa akong darating din ang panahon na mapapatawad mo ako. Nagulat si Sebastian nang biglang mag-angat ng ulo si Mildred at makita ang isang ngiti sa magandang mukha nito. Mildred: Sino ang nagsabing hindi pa kita napapatawad, Papa Sebastian? Kumunot ang noo ni Sebastian dahil sa sinabing iyon ni Mildred. Mildred: Matagal na kitang napatawad sa aking puso, Papa. Lumawak ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Mildred matapos sabihin ang mga salitang iyon kay Sebastian. ---------- Umiinom ng tubig si Oscar mula sa plastic bottle nang may maramdaman siyang kamay na humahaplos sa kanyang pawisang kaliwang braso. Katatapos lamang ni Oscar mag-workout sa loob ng home gym ng mansyon ng Familia Guerrero. Agad na nilingon ni Oscar kung sino ang nagmamay-ari ng mapangahas na kamay na iyon na naglalandas sa namumutok na muscles sa kanyang kaliwang braso. Si Anastasia, ang half-sister ng misis ni Oscar na si Charlotte. Anastasia: Sarap mo talaga, Oscy. Natawa si Oscar nang marinig ang tawag sa kanya ng kanyang hipag na si Anastasia. Oscar: Oscy, ah. Kinagat ni Anastasia ang ibabang labi nito sa harapan ni Oscar. Anastasia: Ganoon talaga kapag lovers na. May nickname na para sa isa't isa. Nakangising umiling si Oscar. Oscar: Lovers? Eh, wala pa ngang nangyayari sa ating dalawa. Maharot na tumawa si Anastasia at pagkatapos ay sinipsip ang daliri nitong may kumapit na pawis ni Oscar. Parang nagdedeliryo si Anastasia habang sinisipsip ang daliri nito at nilalasahan ang pawis ni Oscar. Anastasia: Bakit ganoon? Pawis mo pa lang, pero ang sarap na agad. Mayabang na nagkibit-balikat si Oscar. Oscar: Ganoon talaga. Tuluyan nang humarap si Oscar kay Anastasia. Anastasia: Ano na, Oscy? Isang maangas na ngisi ang iginawad ni Oscar kay Anastasia. Oscar: Anong ano na? Nagtatampong ngumuso si Anastasia sa harapan ni Oscar. Anastasia: Tikman mo na ako. Lumingon-lingon si Oscar sa paligid ng home gym at nang masigurong sila lamang dalawa ni Anastasia ang naroon ay inilapit niya ang kanyang labi sa kaliwang tainga ni Anastasia at bumulong. Oscar: Ano ba ang gusto mong mangyari? Bumulong din si Anastasia kay Oscar. Anastasia: Putukan mo lang ako. Bilisan lang natin para hindi mahalata ni Charlotte. Alam ko namang curious ka kung gaano ako kagaling sa kama. Hindi agad sumagot si Oscar at sandaling nag-isip. Nang muling magsalita ay bumulong si Oscar sa hipag na si Anastasia. Oscar: Sa loob ng kwarto mo na lang. Pagkalabas mo rito, hintayin mo ako sa loob ng kwarto mo. Give me fifteen minutes. Ayos ba 'yon? Malanding ngumiti si Anastasia kay Oscar at pinaglandas ang isang daliri nito sa malapad na dibdib ni Oscar. Anastasia: Ayos na ayos, Oscy. Wait kita sa kwarto. Nang tumalikod si Anastasia ay malakas itong napatili nang biglang pisilin ng madiin ni Oscar ang isang pisngi ng pang-upo nito. Mabuti na lamang at soundproof ang lahat ng kwarto sa mansyon ng Familia Guerrero. ---------- Hindi makatingin ng diretso si Louise sa mga mata ng ina nitong si Charlotte nang tanungin ito ni Charlotte kung bakit nagmamadali itong umakyat ng grand staircase noong isang araw at nanlalaki pa ang mga mata nito na parang gulat na gulat. Charlotte: Matagal ko nang gustong itanong sa 'yo 'yan, anak. Ang kaso ay nagkasunud-sunod naman ang mga pangyayari rito sa loob ng mansyon. Malalim na nagbuntung-hininga si Charlotte. Charlotte: Nag-birthday ang pinsan mong si Eugenie. Dumating sa mga buhay natin ang anak sa labas ni Papa. At nagbalik dito sa mansyon si Kuya Arthur kasama ang pamilya nito. Tumabi si Charlotte sa kanyang anak na si Louise na nakaupo sa ibabaw ng kama nito at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Charlotte: What is it, hija? May problema ka ba? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Nanlalaki ang mga mata ni Louise dahil sa kabang nararamdaman nito nang mga oras na iyon. Hindi. Hindi maaaring malaman ni Mommy ang katotohanan. Ang mga sikretong aking itinatago. Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Louise nang mga sandaling iyon habang katabi nito ang inang si Charlotte. ---------- Nanlalambot ang mga tuhod ni Theo habang nakapalibot sa kanyang baywang ang mga bisig ni Edward. Sinasabi ng isip ni Theo na tanggalin ang mga bisig ni Edward mula sa pagkakapulupot sa kanyang baywang ngunit iba ang sinasabi ng kanyang puso. Halos mawala sa huwisyo si Theo nang maramdaman ang mainit na hininga ni Edward sa kanyang kaliwang tainga nang bumulong ito sa kanya. Edward: Ngayon mo sabihin sa aking hindi mo na-miss ito, Theo. Ngayon ka magmalaki sa akin. Napapikit ng mariin si Theo at pinigilan ang sariling mapaungol ng malakas nang kagatin ni Edward ang kanyang kaliwang tainga. Naroon sina Theo at Edward sa loob ng opisina ni Theo at hindi gusto ni Theo na maghinala ang mga empleyado ng Guerrero Holdings sa kanya at malaman ang kanyang tunay na pagkatao oras na marinig ng mga ito ang kanyang nasasarapang ungol gayong alam ng mga ito na kasama niya sa loob ng kanyang opisina si Edward. Theo: Edward, please. Pinasadahan ng dulo ng dila ni Edward ang kaliwang tainga ni Theo. Edward: Please what, Theo? Halos mabaliw si Theo sa nararamdamang sensasyon nang mga oras na iyon sa piling ni Edward. Theo: Please ruin me, Edward. Isang mala-demonyong ngisi ang sumilay sa mga labi ni Edward nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Theo. ---------- Inis na inis ang magpinsang Amethyst at Eugenie dahil pinapagalitan sila ngayon ni Ryan, ang ama ni Eugenie at tito ni Amethyst. Ryan: Ngayon ay palitan ninyong dalawa ang binutas ninyong mga gulong ng kotse ni Louise. Nahuli ni Ryan sina Amethyst at Eugenie na binubutasan ang mga gulong ng kotse ng pinsan ng mga itong si Louise. Eugenie: Dad! It was all Amethyst's fault! She was the one who came up with this plan! Inis na hinampas ni Eugenie ang kanang braso ni Amethyst. Si Amethyst ay sinamaan ng tingin si Eugenie. Amethyst: Ikaw lang naman ang nag-isip kung saan tayo kukuha ng mga ipambubutas sa mga gulong ng kotse ni Amethyst! Don't you dare blame it all on me! Malakas na sumigaw si Ryan na ikinagulat ng magpinsan. Ryan: Enough! Tumingin si Ryan kay Eugenie habang nagsasalita. Ryan: You're grounded, Eugenie! You're not allowed to use your phone and you're going to stay in one of the rooms at the servant's quarter! Understood?! Nangingilid ang mga luha sa mga mata nitong tumango si Eugenie sa ama nitong si Ryan. Sunod na tiningnan ni Ryan si Amethyst. Ngunit bago pa makapagsalita si Ryan ay agad nang tumakbo palayo si Amethyst. Ang galit na galit na si Ryan ay patakbong sinundan si Amethyst. Ryan: Come back here, Amethyst! I'm not done with you yet! ---------- Malambing na kumandong si Stephanie sa kanang hita ng ama nitong si Arthur na ikinagulat ng lalaki. Arthur: Ngayon ka na lang ulit kumandong sa akin, anak. Mukhang may ire-request ka, ah. Nakangiting lumingon si Arthur kay Stephanie at nakita niyang nakatingin si Stephanie sa kanyang mga labi. Hindi nagsasalita si Stephanie. Arthur: Hija? Inilabas ni Stephanie ang dila nito at pinasadahan ang ibabang labi habang nakatingin pa rin sa mga labi ni Arthur. Si Arthur ay biglang naging uncomfortable dahil sa kanyang sitwasyon ngayon. Nakakandong sa kanyang kanang hita si Stephanie at hindi ito nagsasalita habang nakatitig sa kanyang mga labi. Kumunot ang noo ni Arthur nang lumapat ang dulo ng mga daliri ni Stephanie sa sariling mga labi nito at parang may inaalala sa isipan nito. Parang nasa sarili na nitong mundo si Stephanie habang pabalik-balik na naglalandas sa mga labi nito ang sarili nitong mga daliri. Stephanie: Masarap pala ang mahalikan. Isang malakas na pagsinghap ang kumawala mula sa bibig ni Arthur matapos marinig ang ibinulong sa ere na iyon ni Stephanie. ---------- Iniabot ni Jomari sa best friend ng kanyang kasintahang si Pamela na si Hope ang isang puting sobreng naglalaman ng malaking halaga. Jomari: Maraming salamat sa pagsisinungaling para sa akin, Hope. Sana ay sapat na ang perang iyan para sa naging abala ko sa iyo. Binilang-bilang ni Hope ang perang nasa loob ng sobre bago muling humarap kay Jomari. Hope: Well, sapat na itong halaga na ito sa ginawang pagsampal sa akin ng sarili kong best friend. Humingi ng paumanhin si Jomari kay Hope. Hope: Ano ka ba? Okay lang 'yon. Kilala ko 'yon si Pamela. Give her two weeks at okay na ulit iyon. Mabuti na lang din at iniisip niyang matagal na akong may gusto sa 'yo kaya madali natin siyang napaniwala. Nagkibit-balikat si Hope at pagkatapos ay naging seryoso ang mukha nito. Hope: Eh, Jomari, sino ba talaga 'yong babaeng madalas mong kasama at nakita nga raw na kahalikan mo? Umiwas ng tingin si Jomari kay Hope. Jomari: Bayad ka na. Hindi mo na kailangang malaman kung sino ang babaeng 'yon. Nag-eye-roll si Hope at pabirong hinampas ang kaliwang bisig ni Jomari gamit ang puting sobre. Hope: Ikaw, ah. Nagtataksil ka sa best friend ko. Pero kung gusto mong pagtakpan pa ulit kita, ireto mo ako sa kapatid mong si Edward. Si Edward ang lalaking matagal nang hinahangaan ni Hope. Nag-isip sandali si Jomari at maya-maya ay tumango kay Hope. Jomari: Deal. Single naman si Kuya Edward ngayon. Malakas na tumili si Hope at mahigpit na niyakap si Jomari. Mahigpit na nakayakap si Hope kay Jomari nang biglang marinig ni Jomari ang tinig ng boses na iyon sa kanilang likuran. "Jomari!" Parang biglang sumakit ang ulo ni Jomari. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD