MAGMULA nang i-check-up ng doktor si Yannah ay palagi na siya kung puntahan ni Tristan upang pagdala ng masusustansyang pagkain. Alam na rin ng mga magulang ni Yannah na nagdadalang tao ito ngunit sa kabila ng ginagawa ni Tristan para sa kaniyang anak ay ang lalong pagkirot ng kaniyang puso. Mayroon siyang inaalagaang babae habang ang sarili niyang nobya ay nagdudusa dahil sa sakit na ginawa niya. Walang araw na hindi naging magulo ang kaniyang isipan. Araw-araw rin naman niyang pinagdadala ng pagkain si Dianna sa labas ng condo nito. Araw-araw niya itong pinapadalhan ng mensahe at tinatawagan ngunit walang Dianna ang sumasagot. Lumipas ang isa pang buwan. Kailangan na namang i-ultrasound si Yannah upang masiguro nila ang kaligtasan ng kaniyang anak mula sa kaniyang sinapupunan. Sa kani

