Hindi na ako hinatid ni Lucky pauwi sa bahay niya kaya nag taxi nalang ako. Sa sobrang antok at pagod nararadaman ko dala na din nang stress ay nakatulog ako s buong byahi. Ginising nalang ako ng driver nang makarating na ako sa bahay ni Lucky. Mabuti nalang at mabait si Kuyang driver dahil kung hindi baka saan wala na niya ako dinala o di kaya ginahasa na niya ako sa maisan. "Maraming salamat po Kuya ha, ang bait niyo naman sana lahat ng driver ay kagaya ninyo." Ngumiti ako sa kanya ng malapad. Tumango lang siya sa akin at kinuha ang bayad ko pagkatapos ay kaagad na rin na umalis. Nang akma ko nang buksan ang gate para pumasok ay may isang kotse na huminto sa harapan ko. Ngayon ko lang nakita ang sasakyan na ito at biglang bumaba si Tita Laurice. Bumakas naman ang mga ngiti sa aking lab

