"Kumain kana at nangangayat na ang katawan mo. Ayoko naman na kapag makasal na tayo eh mukha kang kalansay. Ano pa ang hihipuin at lalamasin ko sa'yo kung walang laman 'yan katawan mo?!" sigaw sa akin ni Ben habang sinusubo ang kutsara na may laman na kanin. Mas lalo ko pang sinarado ang bibig ko kaya naman ay nainis siya. Hinampas niya ang lamesa na pinagpapatungan ng pagkain. "Kakain ka o kakain ka?!" galit na tanong pa nito. "Ayoko!" matigas na sagot ko. Sinampal niya naman ako. "Huwag matigas ang ulo Ellie," aniya. Sobrang hapdi na nang pisngi ko dahil sa paulit ulit na pananampal nila. Nakikita ko rin ang aking repleksiyon sa isang malaking salamin at puso pasa na ang aking mukha. "Mas mabuti pang mamatay ako kaysa mapunta sa taong walang kwenta kagaya mo!" Ngumisi pa ako sa kanya

