PAGKAALIS sa mansion ng mga Donasco kung saan inihatid niya ang dalagang Si Danna-ann buhat sa pagsundo niya rito sa Resthouse ng pamangkin na si Skite. Pinili naman ni Ethan ang umuwi sa kaniyang condo.
Agad siyang dumiretso sa kaniyang minibar. Mula sa mga iba't ibang klase ng alak na nakahilera sa estante ay kumuha siya ng isang bote ng imported brandy at baso. Nagsalin ng alak at pagkatapos agad na ininom iyon.
Kung gaano kapait ang lasa niyon na lumapat sa sariling dila at humagod sa lalamunan, ganoon ang pait na kaniyang nararamdaman ngayon.
Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos maisip na kaya siyang insultuhin ni Danna-ann sa iba't ibang paraan. Wala pang nang-insulto sa kaniya kahit na kailan. Tanging ito lang ang malakas ang loob na gawin sa kaniya iyon.
May mga pansarili siyang dahilan kung bakit nagawa niya ang mga bagay na nangyari ngayon sa buong maghapon lalo na sa parte na may kinalaman ang dalaga.
Ang passes card na nilamukos niya sa harap ng dalaga. Ang pagsama rito sa meeting niya sa labas. Ang pagsundo at paghatid. Ang pagpaparanas rito ng kakaibang sarap sa silid nito mismo. At higit lalong may dahilan siya kung bakit kailangan niyang itanong ang lahat ng may kinalaman sa mask bar lalo na kay Code Zero. Para alam niya kung saan dapat mag-umpisa sa susunod na hakbang niya. Pero hindi siya nagtagumpay dahil walang nasagot sa mga tanong niya kahit isa.
Mapakla siyang ngumiti habang nakatingin sa basong may laman pang alak. Naalala niya pa ang mga binitawang salita ni Danna-ann sa kaniya na labis uminsulto sa kaniyang p*********i.
Napakaswerte naman pala ni Code Zero kung ganoon. Dahil sa ito ang nauna sa katawan ng dalaga ito na lang din pala ang may karapatan para sa katawan nito. Well, marahil mapalad nga ito pero nakatitiyak siyang mas mapalad pa rin siya.
Kung kinakailangan na gumawa siya ng panibagong plano gagawin niya at kung si Code Zero lang ang tanging paraan para makuha niya ang loob ng dalaga handa niyang gawin ang lahat para doon at bahala na pagkatapos.
Nagpasiya siyang I-text ang isa niyang business partner. Nagtipa ng mensahe para rito. Matapos iyon ay nagpasiya siyang inumin ang natitirang alak sa kaniyang baso. Tsaka nagpasiyang lumabas ng mini bar para asikasuhin naman ang sarili.
“ZERO!” tawag sa pangalan ng lalaki nang isang babae. Nakaupo ng patalikod mula sa pintuan ng kaniyang private office
Nang marinig ang boses ni Zaleah ay agad nitong ipinaling paikot ang swivel chair paharap rito para magkaharap sila. Kanina niya pa hinihintay talaga ang pagdating nito.
Lumapit si Zaleah sa table ni Zero umupo sa visiting chair tsaka may ipinatong roon na isang black folder kasama ang isang maliit na envelop.
Nang makita ni Zero ang ipinatong ni Zaleah na folder saglit lang niya pinasadahan ng basa iyon tsaka pinirmahan at muling inabot ulit rito.
“Salamat,” aniya.
“Goodluck sa pagbibigyan mo niyan. huwag mong kalimutan na ipaliwanag sa kaniya ang ability ng VIP passes. Kailangan ko na rin umalis at sinaglit ko lang naman sa iyo iyan,” turan naman nito kay Zero.
Pagkaalis ni Zaleah ay dinampot niya ang black envelop kung saan nakalagay ang VIP passes card. Sa dami na ng naimbitahan niya na magpunta sa MB ngayon lang siya nagpasiyang magbigay ng katulad ng ganito at sa isang babae pa.
Hindi niya ugali ang magbigay ng VIP pasess card sa isang tao na nakaka-encounter niya sa MB mapa-babae man o lalaki. Pero iba kasi ngayon. Kailangan niya ito para mapalapit sa kaniya ang babaeng nakaulayaw niya sa MB.
Nasasabik na siyang muling makita ito. Sigurado siya na dadalo ito dahil ayon sa kaniyang inutusan ay natangap na nito ang passes card. Kinailangan niya pang padaanin iyon sa opisina ng babae dahil doon ito madalas kung maglagi sa mga nakalipas na araw ayon sa kaniyang pagmamatyag.
Sa pagkaalala niya sa babaeng nakilala sa MB kusang pumikit ang mata niya upang alalahanin ang naganap sa kanila sa isa sa mga pribadong silid na mayroon ang MB.
Sa dinami-rami ng natikman na niyang babae na nakikilala niya lang din sa MB, tanging ang little girl na iyon na tinawag niya ang kumuha ng labis sa kaniyang atensiyon. Ito lang din ang babae sa MB na nakuha niya ng birhen at totoong hindi niya inaasahan iyon.
May dahilan siya kung bakit mas pinili niyang iwanan na ito roon at huwag magpaabot na datnan pa siya sa pagmulat nito. Hindi siya handa sa isasagot niya rito sa oras na komprontahin siya nito, kaya naniniwala siyang dahil doon mas dapat na maging kaniya ito ng tuluyan.
Nagamitan niya si little girl ng espesiyal na alak kaya nakalimot ito at binalot bigla ng kamunduhan. Kailangan niya rin ipaliwanag na iyon rito bago pa man nito matuklasan iyon. Kailangan niyang malinis ang pangalan niya sa likod ng suot niyang maskara. Naniniwala siya na mamayang gabi niya maisasakatuparan iyon.
Ilang oras na lamang at muling magbubukas ang Mask bar na talaga naman kinsasabikan ng bawat miyembro. Marahil pati na rin ang iilan na may hawak na VIP passes. Kung ano man ang mayroon sa loob ng MB, tanging ang mga nakapasok na guest lamang ang makapaglalarawan kung anong saya ang dulot ng MB para sa kanila.
IGINALA ni Danna-ann ang paningin sa paligid. Partikular na huminto ang paningin niya sa restaurant ni Ethan. Umaasa siya na roon niya makikita ang Mask bar.
Akala pa naman niya magta-transform na iyon into Mask bar dahil ngayon ang petsang nakalagay sa invitation na natanggap niya pero hindi ito nangyari.
Kahapon pagkatapos niyang paalisin si Ethan sa kanilang Mansion hindi na niya ito nakita. Maging sa opisina sa westrade ay nalaman niyang hindi ito naglagi roon. Halos dalawang araw din itong hindi nagpakita sa kaniya matapos ang insidente na iyon sa kanilang dalawa sa silid niya.
Ewan, pero bakit bigla niyang na-miss ang presensiya nito bigla. Ipinilig niya ang ulo upang mawaglit sa isipan ang tinatawag niyang Manong. Narito nga pala siya para hanapin kung nasaan ang mask bar at hindi ang isipin ito.
Kinuha niya ang envelop sa loob ng dalang shoulder bag. Sinuri muli ang address na nakasaad roon. Nasa tamang lugar naman siya. Ang hindi lang niya alam kung saan banda rito ang mask bar na tinutukoy. Nakatitiyak kasi siya na ang mask bar na pinuntahan nila ni Shenna noon ay doon mismo kung saan nga nakatayo ang restaurant ni Ethan. Pero ni kaunting patunay ay wala siyang nabanaag roon.
Muli siyang nakadama ng inis dahil sa itsura ng passes card niya. Walang kasiguraduhan kung makapapasok siya sa loob gawa ng sa itsura ng passes card niya nga, pero kailangan niyang subukan. Kailangan niyang makapasok doon at makita si Code Zero para masagot laht ng tanong niya.
Pero paano nga kung hindi niya alam kung saan dito banda ang Mask bar? Kung bakit naman kasi ultimo maliit na banner wala ito sa paligid. Dati naman meron silang nakita ni Shenna, kaya nga mabilis lang nila iyon nahagilap. Nakapagtatakang ngayon ay wala.
Hindi kaya eme-eme lang ang invitation na ito. Muli niyang sinuri ang passes card na hawak niya. Kahit naman gusot-gusot na iyon ay makikita pa rin naman ang mga nakasulat roon.
Naisip niyang tawagan si Skite pero nainis lang siya dahil nakapatay ang cellphone nito.
“Buwesit naman itong lalaki na ito! Bakit ba napaka ilap matawagan ng kaibigan nilang iyon?" usal niya at mura.
Muli niyang iginala ang paningin sa paligid. Tila siya biglang nabuhayan nang makita niya ang hawak ng dalawang babae hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad ng mga ito sa kaniya.
Hindi siya maaring magkamali na kapareho iyon ng hawak niyang invitation
Hindi niya tinangkang lumapit sa mga ito. Nagpasiya na lang siyang sundan na lamang ang dalawang babae na tiyak ang tinatahak na daan. Pumasok ang mga ito sa isang milktea shop. Nagtataka man ay hindi niya nilubayan ang dalawang babae.
Malakas ang kutob niya na sa mask bar din ang tungo ng mga ito. Pasimple pa rin siyang sumusunod hanggang sa makapasok na rin siya sa loob.
Dire-diretso ang mga ito sa likurang bahagi ng milktea shop. Sa bungad lang pala ito ganon pero sa pinaka dulo nito ay may isa pa pa lang unit space na may naka pinid na pinto. Sa taas na bahagi nito nakalagay ang magarborg signboard banner na Welcome to the mask bar.
Sa bandang gilid naman ng pintuan ay may isang babaeng presentable ang pananamit. Dito inabot ng dalawa ang mga card na hawak.
Katulad nila ni Shenna noon kung ano ang ginawa muna nila ay siyang ginawa rin ng dalawa. Pagkatapos pumirma sa folder ay tsaka pa lang ito pinapasok sa loob ng babae na nagsisilbing tiga-check muna ng passes card.
Salamat sa dalawang babe na iyon at natunton niya ang mask bar na ito na ewan ba kung bakit nakatago ngayon hindi gaya noong una. Pero wala na siyang panahon pa para pag-aksayahan pang isipin ang sagot. Basta ang tanging mahalaga natagpuan niya ang wierd na bar na ito ulit.
Inayos niya muna ang suot na off shoulder style na mint green dress na umabot lamang sa kalahati ng kaniyang hita. Huminga muna siya ng makailang beses bago nagpasyang lumapit sa babae.
“Hello, I'm invited for the mask bar tonight.” nakangiti niyang bati rito.
“Okay ma’am, can I have your pass card?”
Nag-aalangan man ipakita ang dalang passes card mula kay Code Zero dahil sa itsura nitong bakas na ng pagka gusot-gusot ay lakas loob niyang inabot iyon sa babae.
Hindi pa man iyon nasusuri ng babae ay agad iyon ibinalik sa kaniya.
“I'm sorry ma’am, but your pass card is not accepted. Mahigpit na ipinatutupad po ng MB management na kailangang manatiling malinis at presintable ang mga passes card na hawak po ninyo kapag ginamit ninyo rito.”
Sinasabi na nga ba niyang magkakaproblema siya. Alam naman na niya na malabo na iyong tanggapin pero kailangan niyang makumbinsi ito na mapapasok siya sa loob.
“Legit naman iyang Passes card ko, Miss?” aniya sa babae.
Yes, ma’am I know. Wala naman po akong sinabing hindi ito legit. Katulad nga po ng nasabi ko na hindi ko maaroing tanggapin ito bilang passes niyo para makapasolk sa loob.”
“Nalukot lang naman iyan, baka pwede mo na akong papasukin. Gusto ko lang kasi makapasok sa loob talaga since second time ko na ito sana at talagang gusto kong bumalik rito. Kakaiba ang dulot na ligaya ng MB para sa akin.”
Hinusayan niya talaga ang pagsasalita. Sinasamahan niya pa ng paawa effect na ekspresyon ng mukha para lang mapapayag ito. Pero matigas ang pag-iling ng babae. Inalis nito ang atensiyon sa kaniya at inasikaso ang ibang papasok sa loob.
Sa tingin niya ay hindi talaga siya makakapasok kaya nagpasiya siyang umalis na lang. Si Skite na lang talaga ang kukulitin niya or kung hindi man baka senyales lang na kalimutan na niya ang tungkol kay Code Zero.
Tangka na niyang ihakbang ang mga paa palayo sa babae nang bigla siyang tawagin nito.
“Ah, Ma’am sandali lang! Huwag ka nang umalis.”
Tila siya nabuhayan ng loob dahil sa pagpipigil nito sa kaniya na umalis. Muli siyang lumapit rito.
“Bakit?”
“Maari ka na raw pumasok sa loob. Pasensiya na rin po kung hindi ko kaya agad pinapasok.”
“Its okay, ginagawa mo lang naman ang trabaho mo talaga,’ nakangiti niyang aniya sa babae.
Tila lumundag ang puso niya sa galak dahil sa kaalamang makakapasok na siya sa loob. Kaya excited siyang nagtanong sa babae kung bakit maaari na siyang makapasok.
“Ikaw na ang umalam sa loob kung bakit sapagkat mahigpit na ipinagbabawal din sa amin ang sumagot sa anumang katanungan na may kinalaman sa mask bar.”
“Ah okay. Nasaan na ang folder na pipirmahan ko?”
“Since second time mo na sabi mo nga, ibig lang sabihin na may record ka na rito. Ganoon pa man, kailangan ko pa rin malaman ang pangalan mo para mai-record.”
Agad niyang sinabi ang kaniyang buong pangalan maging ang nagbigay ng passes card sa kaniya.
Matapos nitong isulat sa isang record book ang mga detaltye na hiningi sa kaniya nito ay may nakapaskil sa labi nito nang magsalita na normal na ipinapakita nito sa lahat ng papasok sa loob.
“Maari ka nang pumasok sa loob Ms. Danna-ann. Welcome to mask bar, the place of dreams you never forget.”