Chapter II

2474 Words
Chapter II "OH? BA'T ANG TAGAL MO SA LOOB NG UNIT KO?" Sinamaan lang ako ng tingin ni Brownie. Medyo awkward kasi ang nangyari kanina, kaya nauna akong lumabas ng unit ko. Take note, sa sarili kong unit. Aba! Ang gago...akala niya siguro madadala niya ako sa mga pa charm-charm niya. Pota! Tindi ni Brownie. Napapa-sipol nalang ako habang nagmamasid sa paligid. "Aalis na ba tayo babaeng may muscle sa tiyan?" Ako na naman 'yong sumama ng tingin sa kanya. "Gagu! Ikaw na nga 'yong huling lumabas sa unit ko, ikaw pa 'yong may ganang mang-asar! Muscle ka diyan! Peste!" Rinig kong tumawa ito. "E, totoo naman kasing may muscle ka sa tiyan." Kumibot ang gilid ng aking labi. Tiluyan ko kaya ang isang 'to? "I was joking. Hahahaha! Ka babae mong nilalang may abs ka, anong trabaho mo?" Akala ko ba, kaming mga babae lang ang madaldal? Iba rin ang lalaking 'to. "Hey! Answer m----" Hindi natuloy ang sasabihin nito ng kinuwelyuhan ko siya at mariin na tiningnan. "Trabaho ko?" Ngumisi ako ng nakakaloko. "Mamamatay tao. Gusto mo sample, para namiwala ka?" At saka ko siya kinalagan sa aking mga kamay. "Easy, Lady. Masyado kang mainit." Hindi ko na siya pinansin bagkus dumulog na ako sa aking sasakyan. Ramdam ko ang presensya nito sa aking likuran. "Get in your car, sundan mo ako." Salita ko sa kanya at pinaandar ang makina ng kotse at pinaharurot ito ng takbo. Tiningnan ko siya sa side mirror. Napa-ngisi nalang ako ng nakita ko ang paghilamos ng kanyang mukha. "Gagu!" Usal ko at mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan. Ayon si Brownie, naka sunod sa likuran ko. Teka! Sino ba ang lalaking 'yon? "Rafa?" Tss... Not interested with his life. Habang seryoso ako sa pagmamaneho, tumunog ang phone ko. I was suppose to ignore, but when I saw the name appear on my screen, dali-dali ko kinuha ang earpiece at nilagay ko iyon sa aking tenga. Sinagot ko. "Katana, anong balita?" Agad kong bungad sa kabilang linya. "Nasaan ka ba, Scar? We're waiting for you, saka dito ko na sasabihin ang ibabalita ko." Napa-ngiwi ako sa sinabi nito. "I'm facing a small problem  right now. Baka mamayang gabi pa ako makakapag-report diyan." "What!? Anong problema na naman ba yang napasok mo? Saka, iyong next targ----" Hindi ko na ipinag-patuloy ang sasabihin ni Katana, masakit sa eardrum. Tss... "Let me handle that later. Naka-bangga ako ng sasakyan kagabi, and he needs to fixed his stupid car." Rinig ko nalang ang pag buntong hininga nito. Wala akong magagawa, kailangan kong ipaayos 'yong sasakyan ni Brownie. Ayaw ko ng problema, masyado ng marami para dumagdag pa. "Fine. Just make it fast. Bye." Hindi niya man lang ako pinag-salita. "Ang bruhang 'yon." Daing ko. Huli ko na napansin na bumabagal pala ang takbo ng aking sasakyan, at do'n ko nalanf napansin na pantay na pala ang takbo ng sasakyan ko kay Brownie. Naabutan niya pala ako. Binuksan ko ang salamin ng bintana at tinaasan ng kilay. Problema ng gagung 'to? "Hoy! Malayo pa ba tayo?" Sigaw nito at inismiran ko lang. Tamad akong sumagot sa kanya. Suminyas nalang ako ng lumiko sa kanan, at agad niya naman iyon sinunod. Pagkaliko ng kanang huminto siya sa may kanto. Napa-hinto rin ako dahil umarang ito sa gitna ng daan. "Ngetang lalaking 'to." Lumapit siya at dumungaw sa may bintana. "Pinagloloko mo ba ako, babae? Kanina pa tayo nagpapatakbo ng sasakyan, hanggang ngayon hindi pa tayo nakakarating sa paruruunan natin!" Inis na wika nito sa akin. "Alam mo bang may bang lakad pa ako? Hah?" Kung ikaw ay may lakad, mas lalo na ako. "Tss..." Pumantig ang panga nito. Sa sobrang inis at gigil niya kinuwelyuhan niya ako. Ayon! Napa-angat ako sa aking kinauupuan. Tinapik ko agad iyon at agad niya naman nabitawan. "Aba! Matindi ka rin, ano?" Napa-buntong hininga nalang ako sa kabastusan nitong pag-uugali. Iba ka rin e! Hindi na gaano ka layo ang talyer nina Aries dito. Isang daan metro nalang ang lapit namin sa shop na iyon. Akma niya sana akong kuwelyuhan ulit ng tinutukan ko siya ng baril. "Hindi ako magda-dalawang isip na basagin ko yang bungo mo! Pasalamat ka pa at ipapaayos ko pa yang sasakyan mo. Kung ikaq ay nagmamadali, dahil may lakad ka. Hoy! Mas may importante akong lakad kesa sa'yo! To be honest, you wasted my time." Mahaba kong salita sa kanya at pumedal ako, saka walang sabing pinatakbo ang sasakyan. Napaatras nalang siya sa nangyari. "Damn stupid!" Maya-maya lang ay pinarada ko ang kotse ko sa tabi ng daan at lumabas sa loob. "Tss...sumunod ka rin pala e!" Usal ko at dumiricho na sa loob ng talyer. Halatang busy ang mga trabahante ni Aries, kaya hindi nila napansin ang pagdating ko. Dumulog ako sa unahan at doon ko nalang nakita si Aries na nagliinis ng baril nito. Agad niya rin naramdaman ang presensya ko at lumingon ito sa'kin. "Oh? Himalang naligaw ka sa talyer ko, anong atin, boss?" Naupo ako sa single sofa at ipinatong ang dalawang paa sa itaas ng table nito. "May nabangga akong kotse." Wika ko. "At kailangan maayos agad." Dagdag ko pa at saka naman dumating si Brownie. Rafa rather. Tss... "Siya ba?" Pagtatanong ni Aries sabay tingin ng diricho sa lalaking papalapit sa gawi namin. "Hindi mo ba yan, boyfriend?" Pumantig ang panga ko. Rinig niyang kumasa ako ng baril. "Sabi ko nga hindi mo siya boyfriend." Maya-maya lang ay tumayo ako at lumapit kay Aries. "Ikaw na bahala diyan at sa lalaking yan, gusto niya mamayang gabi ayos na iyan." Sinamaan ako ng tingin ng lalaki. "At iiwan mo ako dito? Malay ko ba kung hindi nila gawin ng maayos ang trabaho nila. How can I assure?" Inirapan ko siya at bumaling ulit ako kay Aries. "May importante akonh lakad, babalik ako dito mamayang gabi para e-check ang trabaho niyo." "Sus! Mayabang rin pala ang isang 'to. Walang tiwala sa quality and quantity ng trabaho namin. Tsk! Tsk! Not good for him, bo---" Hindi ko na pinatapos magsalita si Aries ng tapikin ko ang braso nito. Ang ayaw na ayw ko sa lahat, ay 'yong tawagin ako sa harap ng ibang tao ng ganun. "Aaah... Sige, Harley...kami nang bahala sa kanya at kotse nito." "Good." Pumaling ang ulo ko sa kay Brownie. "At ikaw...kumalma ka, kapag sinabi niyang pagbubutihin, ay pagbubutihin nila yan. Kargo ko sila kapag hindi maganda ang gawa nila sa kotse mo. Okay?" Tinapik ko siya sa balikat at akma ng lalampasan ng mahawakan nito ang braso ko. "Babalikan mo ba ako dito? Babalik ka diba?" Anong ka-dramahan ang ipinapakita niya? Napansin kong tumawa si Aries. Nawala rin agad 'yon ng sinamaan ko siya ng tingin. "Ge, doon na ako ng maumpisahan na ang trabaho. Malakas ka sa akin, Harley kaya uunahin ko na ang kotse ni Tisoy." Hindi ko na pinansin ang pag-alis nito. Bumalik ang tingin ko sa lalaking kaharap ko at nagsalita. "Babalik ako." At saka ko inalis ang kamay nito sa aking braso at nagsimula na akong maglakad palabas ng talyer. "Hihintayin kita dito...." "....Harley." Napa-buntong hininga nalang akong pumasok sa loob ng kotse at binuhay ang makina saka ko pinaharurot ang sasakyan ko. "ANONG ORAS ANG BALIK NON DITO?" "Sino?" "Iyong si Harley, ba ang pangalan no'n?" Napansin kong napa-tango ang lalaki sa tanong ko. "Ano ba ang pinag-usapan niyo, bago siya lumayas dito?" "Babalik raw siya. I don't know kung babalik ba talaga siya, parang wala sa mukha, e." Napa-tigil sa pagtatrabaho ang lalaki. "May isang salita 'yon, kapag sinabi niyang babalik siya, babalik siya. Nga pala, anong pangalan mo?" Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya. "Rafa  by the way." "Aries nga pala, pre." Saka ito bumalik sa kanyang trabaho. Kakaiba ang talyer na ito. Sa bandang dulo may mga naka-sabit na mga baril at nasa loob ito ng isang glass, hindi ko alam kung display ba o binibinta. "Display ba 'yan o binibinta niyo?" "Saan? 'Yang mga baril?" "Yeah!" "Emergency weapon." Emergency weapon? Nilapitan ko iyon, at pinag-masdan ang bawat baril. Sa pag-uusisa ko, hindi sila 'yong ordinaryong baril lang. Ito 'yong may pangalan talaga, at halatang mamahalin. At ang pinag-tataka ko lang, bakit ganito ang ayos ng talyer nila? Masasabi mong talyer nga siyang tingnan, pero sa paglilibot ko sa lugar na ito, may kakaibang tinatago. Tss... Misteryoso. Napa-lingon nalang ako ng makarinig ako ng bosena ng sasakyan. Baka si Harley na nga iyan. Tumingin ako sa aking wrist watch. Alas-siete 'y medya na ng gabi, at sakto rin na natapos nina Aries ang sasakyan ko sa oras na iyon. Tama nga ang babaeng 'yon, mabilis silang magtrabaho. Habang pabalik ako sa lugar kung saan si Aries, ay kumunot agad ang noo ko sa aking nakita. Isang babaeng, mahaba ang buhok, pero itim na kulot, may makapal na salamin na suot na parang si Betty La Fea ang dating. Tss... Okay naman ang pananamit niya, maayos naman at masasabi ko sexy rin, subalit nakaka-disapointed nga lang ang mukha. Para siyang hipon na tapon ang ulo, katawan lang ang mapapakinabangan sa kanya. What the hell!  Bakit sa'kin siya naka-tingin at naka-ngiti. Eeww!!! Groos! "Oy! Si Nerd nandito, kumusta miss beautiful?" Seriously? Beautiful pa talaga? Aist! Akala ko pa naman si Harley na. Tss... Pansin ko ang ngiti ni Aries sa babaeng nerd. Iwan ko ba, ba't ako nadidiri. Iyan ata ang taste niya sa mga babae. Ugh! "Ba't ka pala nandito? May kailangan ka?" Salita ni Aries sabay bigay ng upuan sa babae. Naka-tingin pa rin siya sa'kin. "Pinadala ako dito si Harley. Pinapatanong kung tapos na ba raw ang sasakyan  ni Brownie." What! Pati ba naman sa ibang tao, Brownie ang tawag niya sa'kin? Loko-lokong babaeng 'yon ah? Humanda siya sa'kin kapag magkita kami. Aarghh!! "Hoy! Hindi ako aso, at hindi Brownie ang pangalan ko! Rafa! Rafa ang pangalan ko." Ngumiwi ang babaeng nerd. Akala mo naman, e, maganda. Sexy ka lang. "Excuse me? Wala akong may sinabing aso." Nag-cross legs ito. "Brownie lang ang sinabi ko." I swear, baka papatulan ko siya, but for now palalampasin ko siya. "Where's, Harley? Nasaan ang babaeng may muscle sa tiyan?" Ganti-gantihan lang 'to. "Hahahaha! Si Harley, may muscle sa tiyan? Hahahaha!" Anak ka ng pusa, Aries. Anong nakakatawa do'n? "Pfft... Sorry, nakakatawa lang kasi." Whatever. "Oh? Nasaan na siya at bakit ikaw ang pinadala niya?" "Busy, e. Lumpid ng Paris kanina lang, emergency, saka bayad na 'yang sasakyan mo dito, wala na 'yang problema. Ako ang kanang kamay niya, kung may gusto kang ipaabot sa kanya, pwde mong sabihin sa'kin." Kanang kamay? Seryoso? Ang nerd na ito, kanang kamay niya? "Tss... Kanang kamay? Nagbibiro ka ba? Hahahaha!" Tumayo ito at humarap sa'kin. Napa-atras nalang ako ng papalapit siya sa aking katawan hanggang sa napa-sandal ako sa mesa. Na corner na. "Layuan mo nga ako!" Bulyaw ko sa kanya. "Alis!" Pagtataboy ko pa. Ngumisi lang siya ng nakakaloko. "Bakit? Hindi ba kapani-paniwala?" "Alis sabi!" Maya-maya lang ay kumibot ang gilid ng labi nito, nagtagis ang mga ngipin at sinamaan ako ng tingin. "Nasaan ang baril mo?" Kumunot ang noo ko. Ba't niya alam na may baril ako? "Hahahaha! H'wag mong ismolin si Nerd." Ba't ba tawa ng tawa 'tong si Aries? Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko. Sandali lang ay may ipinakita siya sa'kin. Nanlaki nalang ang aking mga sa aking nakita. "Is this your gun? Right?" "P-pa'nong? Paano mo nakuha yan sa likod ko ng hindi ko naramdaman? Hah?" Humakbang siya palayo sa'kinat naka-hinga naman ako ng maayos. I cannot believe. Paano niya nagawa 'yon? "Magic." Pagkatapos niya sabihin 'yon, ay nilapag niya ang baril ko sa itaas ng mesa. Mas nagulat ako sa aking nakita nang ma dis-assemble niya iyon in ten seconds. Ganun siya ka bilis. Ngumisi siya ng nakakaloko. "May pina-pasabi pa pala siya sa'yo." Pasabi? Ano na naman kaya 'yon? "What?!" "Ingat ka raw." May puso rin pala ang babaeng 'yon. Hindi na ako kumibo. Tanging tango nalang ang ginanti ko sa kanya. Napa-tingin ako sa aking baril. "Assemble mo nga 'yang baril ko." Humalukipkip siya. "Siya na bahala mag ayos niyan, aalis na ako. Iyon lang naman ang pinunta ko dito." Nanggigil ako sa kanya. Ba't ang kupal ng babaeng 'to? Kung ano ka-kapal ng salamin nito, ay ganun rin ang pagmu-mukha niya. She's really f*****g kidding me. "Aries, maayos na ba 'yang sasakyan ni Rafa?" "Oo naman, Scar. Nakita mo naman na maayos at maganda ang pagkaka-pinta ng kulay, 'di ba?" "Oh? Siya, aalis na ako. Report ka pala bukas kay Silver, may lakad kayong dalawa." "Ayos! Makaka-diskarte ako nito. Pabor 'yon." "Tss... Umayos ka, Aries." Seryoso ba silang nag-uusap? Like, parang wala ako sa paligid? "Hehehehe! Maayos naman ang trabaho ko, walang palya. Si Mang Humid lang naman ang may palya sa ngala-ngala." Out of place ako sa dalawang 'to. May sariling mga mundo. Tumikhim ako. "How about my gun? Gusto ko ikaw ang mag assemble ng baril ko. Ikaw ang nag dis-assemble, ikaw rin ang mag-aassemble." Ngumisi ito na mas nakaka-inis na tuloy ang mukha niya. Nakakairita na siya. Hahakbang na sana ito paalis ng mahawakan ko ang braso nito. Napa-tingin siya sa gawing iyon. "Hwag mo akong hawakan." Usal nito sabay tapik ng aking kamay at lumayo. As if naman na matitipuhan kita. Tss... Hindi kita type at mas lalong 'di kita magugustuhan. "Akala mo naman ikawawala ng puri niya. Tss..." Kumunot ang makakapal nitong kilay. "Akala mo naman kung guwapo. Tss..." Nagtagis ang aking mga ngipin. Siya lang ata ang babaeng nagsabi niyan sa'kin. At isa pang babaeng, Betty La Fea. Ugh! She's nothing! Ignore... "Palibhasa kasi malabo ang mata mo." Umirap ako. "Get lost, you're not my type. Mas okay pa nga ako sa babaeng may muscle sa tiyan, kahit may pagka-sadista 'yon." Bigla kong naalala 'yong nangyari kaninang umaga. Gulat na gulat siya ng mahapit ko ang bewang nito at ang mga labi namin ay parang maglalapat na. Subalit, bigla nalang akong bumulagta sa sahig ng matuhod nito ang junior ko. Pucha! Parang ayaw niya akong magkaroon ng maraming lahi. Aargh! Isang babaeng sadista na hindi pa nakatikim ng halik. Halata naman, e, dahil sa reaksyon ng mukha nito. Napapa-iling akong ngumiti. "Hoy! Tulaleg ka diyan! As if naman na type ka ni Harley, get lost ka rin." Oh? Bakit kung makapag-react ang nerd na'to akala mo naman affective. Di hamal na kanang kamay raw siya ni Harley, e---ganun nalang ang reaksyon. "Anyway, mauuna na ako sa inyo. Tatawagan ko nalang si Harley na okay na si Brownie este si Rafa pala dito." Pumaling ang ulo nito kay Aries. "Sumunod ka sa'kin, may sasabihin ako sa'yo." Napatango nalang si Aries sa kanya matapos niya ligpitin ang mga kagamitan ng talyer nito. "At ikaw, makakauwi ka na sa inyo, h'wag mo ng asahan na magkikita pa kayo ni Harley." "Whatever. How about my gun?" Napa-tingin siya sa'kin saka ito  bumaling sa mesa kung saan nando'n ang aking baril. Lumapit siya do'n at sa wala pang trenta segundo, ay na-assemble nito ang baril. Napa-tanga ako. Bakit ang hasa-hasa nila sa baril? Si Aries kanina, nakita kong bulls eyes 'yong target niya sa pag-fifiring kanina, tapos ang babaeng 'to mabilis mag dis-assemble ng baril at mabilis rin umassemble ng baril. At iyong, Harley na 'yon, gun woman rin. Tss...may grupo kaya ang mga ito? Kung meron....ano? At sino ang pinuno nila? Dahil masasabi ko nalang, na ang grupo  ng Daddy ko, na kinabibilangan ko rin, ay isa sa mga maimpluwensyang grupo. Iyong grupo ng illegal at may ilang sangkot dito ang matataas na opisyal. As I know, my Dad had an enemy at sa pagkakaalam ko, may may naibabanggit rin siyang pangalan. Pero isa lang tumatak sa isipan ko. Iyon ay ang nag ngangalang Hell. The name was so creepy. Hindi ko alam kung babae ba o lalaki ang tinutukoy nito. Tss... Unisex. "Rafa? Anong apelyido mo?" Si Nerd. "Why?" "Pina-patanong ni Harley, bakit? Bawal bang malaman?" "Tsk! Yohanes. Rafadeus Yohanes." Tumango lang ito. "Okay, Rafadeus Yohanes. Matunog na apelyido." Kapansin-pansin ang pag ngisi nito. "Any problem?" "Hmmp... Nothing, sounds good. Malutong sa tenga." Tinalikuran ako. "Mag-iingat ka." Rinig kong sabi nito at tuluyan ng naglakad palabas ng talyer, saka naman sumunod si Aries. "Dami niyang alam. Akala mo naman kung sino. Nerd lang naman. Pfft!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD