Chapter 1

1793 Words
Dear, Wife I know how much you love me, i know that you sacrifice for me just to save me because that day you show me that you love me and i realize that it's true, and your not lying about it do you know that i really miss you? i miss you because after that accident i keep finding you and i can't contact your father i don't know why i can't just accept that you are really gone because i'm hoping that your still alive and your still breathing and living on this world, i'm still waiting for you in this house right here at the playground of our house where you play that bubbles that you most love it, i'm very sorry for ingnoring you from other day i hope you understand me, i really love you wife and i really miss you so much that i can't take it anymore... I really want to see you now Sydney Addison Senfarco My Love... Your Husband, Klanx Senfarco --  Klanx's point of view Tumawag sa akin ang manager ko at may kailangan daw siyang sabihin sa akin kaya nag madali na akong taposin lahat ng mga paper works ko sa office ko at ngayon nandito na ako sa office ni Mr. Addison ay may kaba akong nararamdaman ngayon dahil may pag kamahigpit si Mr. Addison Kumatok ako. "Come in."narinig ko ang boses ni Mr. Addison at pumasok kaagad ako at umupo ako sa may sofa at uminom siya ng kape at tinignan niya ako ng seryoso at may binigay na envelope sa akin "Ano po ito?" tanong ko sa kanya "Open it, if you want to know." sabi niya at binuksan ko naman 'yon at bumungad sa akin ang marriage contract at nakalagay doon ang pangalan ng anak niyang si Sydney Addison. "Para saan po itong marriage contract?" tanong ko sa kanya at nag dikwatro siya sabay pinakita niya ang litrato ng anak niyang si Sydney at ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ang kanyang anak. "You're going to marry my daugther and take care of her." sabi niya sa akin kaya halos hindi ako makagalaw sa kinauupan ko. Ako? Papakasalan ko ang anak niya? "Pero bakit ganoon po kabilis? Hindi po ba pwedeng makilala ko muna siya at mag usap kami?"tanong ko sa kanya at tumingin siya sa ibang gawi "Mahirap kausap ang anak ko. Isip-bata kasi sya. May araw na seryoso lamang siya dahil puro paglalaro ang alam niya." sabi niya sa akin kaya napalunok ako. So ipapakasal niya ako sa isang isip bata na si Sydney na 'yon? "Tatanggapin ko 'to."seryoso kong sabi at wala naman masama kung pakasalan ko ang anak niya dahil pag nagawa ko 'yon hindi na ako habulin ng ibang babae dahil nakakairita lang ang mga nag hahabol na 'yon. "Good! Come with me and take my daughter to your house." sabi niya at tumayo na ako at kukunin na niya sana ang coat niya ng pigilan ko siya. Maliit lang ang bahay ko at isa pa madumi din sa loob at kalat lahat ng gamit ko. "Pero po madumi ang bahay ko ngayon at maraming kalat na gamit." sabi ko sa kanya at tumango lang siya at tumingin sa akin "Hindi naman na 'yon ang magiging bahay niyo. Napaghandaan ko na bilhan kayo ng sariling bahay at doon ka na din uuwi sa ngayon kasama ang anak ko." sabi niya kaya napatango na lamang ako. Siguro kukunin ko nalang kinabukasan ang mga gamit ko sa lumang bahay ko Sumunod na ako sa kanya at sumakay na ako sa kotse niyang magara. Potek, siguro pati kotse bibilhan yata ako nito at naisip ko lang makakausap ko kaya ng maayos ang babaeng 'yon? Nang makarating na kami ng bahay nila s**t hindi pala bahay lang mansyon 'to eh. Ibang klase talaga pag mga Addison family ang mga nabubuhay at pumasok na kami sa loob ng mansyon at nakita ko ang isang babaeng medyo may katandaan na siguro. Ito ang asawa ni Mr. Addison. "Bakit ngayon ka lang?" "May inasikaso lang ako, ijo halika na at puntahan natin sa kwarto ang anak ko."tumango ako at sumunod sa kanya napabow nalang ako sa asawa niya at nag tungo na sa kwarto ni Sydney "She's 18 now kaya wag kang magisip o magtakha kung bakit ganito siya okay ba?" sabi niya sa akin kaya napatango na lamang ako pagbukas ng pinto biglang may lumipad na unan at nagulat ako ng tamaan si Mr. Addison. "Waaaaa Papa! Sorry!"tumakbo si Sydney teka siya ba talaga 'to at ganito ba talaga ang kwarto niya? "Kumusta paglalaro mo anak? Okay ka lang ba wala bang sugat katawan mo?" tanong ni Mr. Addison at umiling lang si Sydney at tumingin siya sa akin at kumuno't ang noo nito Tinuro niya ako at napatingin sa akin si Mr. Addison at tumawa lang nang patago ito at tumingin ako kay Sydney at tinitignan lang ako. "Sino po siya?"tanong sa kanyang tatay "Anak simula ngayon sa kanya kana titira dahil asawa mo siya."sabi ni Mr. Addison at bigla naman ngumiti si Sydney ng malawak at sabay hawak sa magkabilang pisngi ko kaya nakaramdam ako ng kuryente dahil parang may kakaiba. "Asawa talaga kita!? Hindi nga? Waaaaaa ang cute ng asawa ko!!"sabi niya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya at nag tatalon siya sa tuwa "Mag ayos kana nang gamit mo, maiwan ko na kayo." sabi ng tatay niya at tumango naman ito pero bakit parang alam niya ang salitang asawa? Mamaya niyo diyan nag papanggap lang 'tong isip bata. "Tara tulungan mo ako hihi. Ikaw mag lagay ng mga panty ko sa isang bag na 'yon." natawa nalang ako dahil isip bata nga siya kasi hindi niya iniisip na nakakahiya 'yon at wala na akong nagawa kundi ang sundan siya. Pagkatapos namin mag ayos dinala na din namin ang mga laruan niya at nag arkila pa talaga ang tatay niya ng van para doon ilagay ang mga gamit ni Sydney. "Ijo salamat at tinanggap mo ang anak ko?" sabi ni Mrs. Addison at napatango lang ako at ngumiti sa kanya at ngumiti din siya sa akin. "Tara na !" narinig kong sabi ni Sydney at paglingon ko masaya siyang tumatakbo papunta sa van pero bakit parang naattract kaagad ako sa kanya? Nakasakay na kami ng van at nag paalam kami ng maayos sa kanyang pamilya at ng nag mamaneho na ang driver sa harapan naglalaro pa din ng kung ano si Sydney kaya tumingin ako sa kanya at kinausap siya "Ako nga pala si Klanx Senfarco. Pwede mo ako tawagin na kahit ano." sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin at ngumiti "Pwede ba kita tawagin Lanx?" tanong niya sa akin at tumango lang ako tinanggal lang niya ang K doon, medyo madilim na din kaya nakaramdam na ako nang antok pero hindi ako nakatulog dahil biglang sumandal sa akin si Sydney at natulog. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at hinawi ko ang buhok niya. Ilang taon na kaya siyang ganito at bakit hindi pa rin siya nag dedevelop ng isipan niya? May nangyari kaya sa kanya? "Nandito na po tayo" narinig kong sabi ng driver at inutusan ko siyang ipasok nalang sa loob ang mga gamit dahil tulog na si Sydney at bubuhatin ko siya Pumasok na kami sa loob ng bahay at namangha ako at ng pumunta na ako ng kwarto namin at pagtingin ko doon may halong pink at black ang kwarto dahil 'yong kabilang side para kay Sydney at 'yong kabilang side sa akin. Nilapag ko sa kama si Sydney at kinumutan ko siya. Mahimbing na ang tulog niya kaya kinuha ko ang laruan sa kamay niya at nilagay 'yon sa tabi niya baka kasi hanapin niya kinabukasan tapos nun ay bumaba na ako at inakyat ko na sa itaas ang stuff toy niya at 'yong iba nilagay ko sa tabi niya. Nang matapos na akong magayos ay tumingin ako sa kanya na tulog na tulog at lumapit ako sa kanya at unti unti kong nilapit ang labi ko sa labi niya pero napahinto ako dahil naisip kong isip bata lang siya at walang alam. "Hays!! Bakit ba ikaw pa kasi."bulong ko sa sarili ko at napakamot pa ako sa ulo ko at sabay tayo para uminom ng wine. Ang layo ng edad ko sa kanya bente na ako at siya 18 lang. Nakakainis dahil hindi ko magawang gawin ang gusto ko dahil ngayon asawa ko na siya at wala na akong magagawa dahil pag tumanggi ako siguradong tanggal ako sa trabaho ko. Uminom ako ng wine at naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at nag text sa akin si Maxx ang kapatid kong may pag ka siraulo. Ano naman kaya kailangan nito? From : Maxx Nabalitaan ko may asawa kana daw? Bilis ng news hindi ba? Sabihin ko na ba sa ibang kapatid natin? Hindi ko 'yon pinansin at uminom pa ako ng maraming wine kaya nang makaramdam na ako ng antok ay nakatulog ko sa may kitchen. ** Nagising ako sa ingay ni Sydney kaya napamulat ako at nakita ko ang itsura niyang alalang alala bakit parang may nangyari? "Akala ko... Akala ko iniwan mo na ako dahil wala ka sa kwarto pag gising ko."umiiyak niyang sabi kaya napahawak ako sa pisngi niya at pinunasana ng luha niya "Ako iiwan ka? Hindi ako ganun, bakit ka bumaba? Hindi mo man lang ako ginising."sabi ko sa kanya at hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa mukha "Laro tayo!"sabi niya sa akin at pinigilan ko siya "Papasok pa ako sa trabaho ko Syd."sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang mukha ko at sabay halik sa pisngi ko. "Hindi ba ganyan 'yong goodbye kiss pag aalis ang asawa? Hehe!"nagulat lang ako sa ginawa niya at ginulo ko ang buhok niya dahil sa ginawa niya lalo akong nahuhulog sa kanya. Nagluto ako ng almusal namin. Bacon at egg lang siya at nang mailapag ko ang pagkain ay bigla siyang nadapa kakatakbo kaya napapikit ako at tinignan ko siya hayss. Lumapit ako sa kanya at agad ko siyang tinayo "Sa susunod mag iingat ka nga"sabi ko sa kanya at hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya "Halika na kakain na tayo." "Yung tuhod ko..."narinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya at pag tingin ko sa tuhod niya may sugat siya kaya lumapit ako sa kanya at binuhat siya nilapag ko siya sa sofa. "Diyan ka lang kukuha ako ng first aid."sabi ko sa kanya at tumango naman siya at kumuha na ako ng first aid kit at pag balik ko doon ay nakaupo pa din siya sa sofa at inaantay ako. Lumapit ako sa kanya at ginamot ko ang sugat niya nilagyan ko muna siya ng bentadine at alcohol sabay nilagyan ko ng bandaid 'yon at hinawakan niya ang buhok ko. "Salamat Lanx."sabi niya sa akin at ngumiti lang kami sa isa't isa at tinap ko siya sa ulo niya. "Kukunin ko pa ang gamit ko sa bahay ko gusto mo bang sumama?" tanong ko sa kanya at biglang nag liwanag ang mga mata niya kaya natawa ako "Sige sama ako! Gusto ko din malaman kung saan ka nakatira hehe!"sabi niya sa akin at nagsimula na kaming kumain ng almusal. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD