PAGKATAPOS maihatid ni Alexander si Dianna sa sarili nitong silid ay madali rin niyang iniwan ang babae roon. Hindi na niya gusto pang makita at matitigan pa ang mga mata nitong punung-puno ng kalungkutan. But here he is, in front of her door closed. After almost an hour, binalikan pa rin niya ang dalaga at inalam kung kumusta na ito. Habang papalapit siya kanina sa pintong iyon ay dinig mula sa labas ang malakas na paghagulgol nito. Dahil biglang nahinto ang kanyang naririnig na pag-iyak nito ay minabuti na lamang niya na silipin si Dianna. Marahan niyang binuksan ang pinto ng silid ng dalaga at ang una niyang nabungaran ay ang mga paa nitong sa dulo ng kama. He slowly took steps to go inside. Then, he saw Dianna already sleeping. Halos mahubad na ang kalahating roba nito sa katawan.

