MATALIM na tingin ang isinalubong ni Dianna kay Alexander pagpasok niya ng silid nito. Kanina kasi ay sapilitan siyang pinaliguan at pinakain ng tatlong inutusan nito.
“Have a sit, Dianna,” saad nito sa kanya ngunit hindi niya sinunod.
Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwarto. Saan nito siya balak paupuin? Sa kama ba? Dahil ang silid na kinaroroonan niya ngayon ay may king size bed na nasasapinan ng puti. Puti maging ang mga kurtina at mga pader. Kahit na ang single sofa na kinauupuan ni Alexander ay kulay puti rin. Ang center table naman na nasa tabi nito ay napapatungan ng tasa na naglalaman ng kape ay gawa sa fiber glass. Samantalang ang carpet naman na nasa sahig ay tila balat at balahibo ng isang nakadapang tigreng puti. Sa tingin niya ay totoong galing iyon sa hayop.
Nang mapag-aralan na niya ang paligid ay muli niyang itinuon ang tingin kay Alexander na walang emosyon. Muli niya itong tinarakan ng nakamamatay na tingin. Talaga kasing naghihimagsik ang kalooban niya sa ginagawa nitong pagpipilit sa kanya. Nakikita niyang ginagamitan siya nito ng kapangyarihan.
“Nasaan ba ang mama ko? Ibalik mo na siya sa ʼkin. Dahil kung hindi, I will sue you for kidnapping,” pagbabanta ng dalaga kahit duda siyang masisindak ito sa sinabi niya.
“Go ahead. As if you can leave here easily,” balewalang sagot nito saka humigop ng kape.
Napatitig siya sa mga mata nitong tila may itinatago. Para bang nanunubok sa kanya ang paraan ang pagtitig nito sa kanya.
“Nabasa ko ang mga gusto mong gawin ko para sa ʼyo. Maniwala ka, Alexander. Wala akong balak na sundin kung ano man ang mga nakasulat doon. Aalis ako dito sa ayaw mo man o sa gusto.”
“Dianna, hindi ko ginusto ito. Ang ama mo ang nagplano at nagdesisyon nito. Isipin mo, youʼre not here if it's werenʼt because of him,” he said it with an insulting voice.
“Hindi ako maniniwala riyan. Malamang ay sinamantala mo ang kahinaan niya ng loob. Bakit ako pa, Alexander? Siguro naman, m-maraming babaeng handang ibigay lahat ng gusto mo.”
“Because you are the daughter of your father.”
“H-hindi kita maintindihan.”
Katok ng pinto ang nagpatigil sa tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kasunod niyon ay pumasok ang kaninang tatlong babaeng tauhan ni Alexander at hindi na lamang tatlo ang mga ito— may isa pang babae na nakasuot ng puting uniform na parang isang nurse.
Hindi niya nakita ang ginawang pagwasiwas ng binata sa mga ito kaya hindi rin niya inaasahan ang mga susunod na mangyayari. Muli siyang hinawakan ng tatlong babae at pilit hinila patungo sa kama.
“Ano na naman ba ʼto? S-sandali!” Sinubukan pa niyang bawiin ang mga kamay sa mga babae ngunit bigo siya.
“Ano ba?! A-Alexander! Itigil mo na ʼto!” Nagsimula nang mangilid ang kanyang luha.
Tumayo naman ang binata saka humarap sa bintana na tila may tinatanaw ito roon na kung ano.
“Sandali,” saad ng lalaki na ikinatigil naman ng mga babaeng humawak sa kanya.
Humarap ito sa kanya at tuwid siyang tinitigan nito sa mga mata. “They will check you if you are still a virgin.”
Pinamulahan siya sa sinabi nito pero hindi niya iyon hinayaang manaig. “Of course, I am,” taas noo niyang sagot.
“Then, let them know.”
“Bakit pa? Sinabi ko nang wala pa akong karanasan dʼyan.”
Sinenyasan nito ang mga babaeng umalis na sa silid na iyon.
Humakbang ito palapit sa kanya na ikinagulat niya. Kaya naman siya itong umaatras. Pero huli na dahil nasagad na siya sa paanan ng kama. Kaagad siyang dinagsa ng kaba sa dibdib. Patuloy lamang itong naglakad sa kanya hanggang sa magkaroon na lamang sila ng maliit na distansya sa isaʼt isa.
Napamulagat siya nang bigla na lamang nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Gusto mo bang ako na ang bahalang umalam kung virgin ka pa o hindi na?”
Her face turned to red. Hindi rin siya makapagsalita dahil sa pag-aalalang baka magtama ang kanilang mga labi kung gagawin niya iyon.
Nakita niya ang pagngisi nito nang nakaiinsulto. “Isipin mo ang mama mo, Dianna bago ka magpadalus-dalos.” Lumayo ito at tumayo na nang tuwid na ipinagpapasalamat naman niya.
Napatiim bagang siya rito. “Pangba-black mail itong ginagawa mo.”
“Exactly, Dianna. Kung magmamatigas ka sa lahat ng ipapagawa ko, who will ever know what happens next.”
“Sige. S-susunod na ako,” aniya habang mariing naipikit ang mga mata at nakayuko ang ulo sa sahig.
Pinipigilan niya ang maluha dahil katibayan iyon ng kanyang kahinaan. Wala siyang choice.
Nakita niya ang ngiting tagumpay sa mukha ni Alexander. “Good.”
Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng silid. Hindi naman nagtagal ay muling pumasok sa silid na iyon ang nurse. May dala itong bag at mabilis na inilabas ang stethoscope at blood pressure. May inilabas din itong maliit na kahon.
Pagkatapos siyang kuhanan ng blood pressure ay inusisa siya nito kung kailan ang kanyang huling menstruation na katatapos lang noong isang araw.
Pagkatapos ng ilang katanungan ay pinahubad sa kanya ang suot na panty at sinabing humiga siya sa kama. Labag man sa kanyang kalooban ay kinailangan niyang sumunod.
Naramdaman niya ang dahan-dahang pagpasok ng kung ano sa kanyang pagkababae saka ilang sandaling nanatili roon ang bagay na iyon. She could feel the slight pain in her flesh. Naikuyom niya ang dalawang palad at sa isip ay paulit-ulit na minumura si Alexander.
Kung palagi nitong ipanlalaban sa kanya ang ang sariling ina ay wala siyang magagawa. Nilagay siya ni Alexander sa sitwasyong walang lalabasan at labis na naghihimagsik ang kanyang kalooban dahil doon.
Pagkatapos siyang suriin ng babaeng nurse ay ibinigay nito sa kanya ang kahon at nang kanya iyong buksan ay ilang banig pala iyon ng pills. Painsulto siyang natawa sandali.
“Iinumin ko ba lahat ito?” tanong niya sa babae.
“Opo, Maʼam. Araw-araw po ninyong iinumin ʼyan.” Pagkasabi niyon ay nagpaalam na itong aalis.
Tumayo siya at kinuha ang kahon ng pills. Nagpasya siyang puntahan ang lalaki at muling komprontahin.