MULA sa bintana ng silid ni Dianna ay tanaw pa rin niya ang porsche na itim sa bakuran ng bahay na iyon. Palatandaan lamang na hindi pa rin umaalis si Alexander. Hindi man niya mawari kung bakit ngunit kusa siyang nabuhayan ng sigla. Hindi pa rin siya mag-isa sa mga oras na iyon. Kahit paano ay hindi na rin siya maiinip. So she decided to take a bath and ready to prepare for their breakfast. Nang nasa kusina na siya ay naroon na ang mga ginamit na pinggan at mangkok kagabi na kanyang pinaglagyan ng pagkain ng lalaki. Mas gumaan ang kanyang pakiramdam sa kaalamang hindi naman pala binalewala ang pagkaing inihanda niya. Kaya masigla niyang sinimulan ang paghahanda ng almusal. Umaasa siyang makakasabay niya ang lalaki sa pagkain. Pagkatapos makapagluto ay inihanda agad niya ang hapag. Syem

